BINIGYAN ko ng nagbabantang tingin si Callie nang makalabas si Vane. Hindi tumalab ang pagbabanta ko dahil nakangisi pa rin siyang lumapit sa akin. Nilapag niya ang hawak na tray sa nightstand. Sa couch na siya naupo.
“Malapit na ba kami magkaroon ng little alpha?” nang-aasar niyang tanong.
Sinamaan ko siya ng tingin bago umupo sa kama. Sinilip ko ang laman ng tray na dala niya. Kumulo ang tiyan ko nang makita ang masasarap na pagkain.
“Huwag mo nang asahan, Callie, dahil hindi mangyayari ang bagay na iniisip mo,” seryoso kong saad.
Para siyang hindi nakakarinig kung paano niya baliwalain ang aking sinabi. Nakangiti pa rin siya sa akin. Nang-aasar. Lihim na lang akong napailing saka inabot ang pagkain.
“Ilang araw na ba akong tulog?” tanong ko na lang nang matigil na siya.
“Hmm, almost one day? Kagabi ka lang naman inuwi rito ni Alpha Vane. He was beyond pissed last night when he saw you wounded. We were on alert and agitated. Ang OA ni Alpha kagabi. Akala mo mamamatay ka na samantalang may bumaon lang na sanga sa hita mo,” natatawang kuwento niya.
Muli akong napailing. Here I thought na wala lang sa kanya ‘yon. Bago ako nawalan ng malay ay narinig ko pa ang galit niyang boses. Hindi ko alam na halos magwala na pala siya pagkatapos no’n.
“Ano’ng nangyari kina Xellix pagkatapos ng gabing ‘yon?” tanong ko.
“Alpha Vane wounded him. He tried to retaliate, and Alpha gave him what he wants. It didn’t end well to him. Based on what I saw, mukhang isang araw na hindi makakalakad ang Xellix na iyon,” kuwento niya.
Mahina akong napabuga ng hangin. Serves him right. He has been annoying on my entire stay on that town. Wala kasing pumapansin sa kanya na ibang pack kaya akala niya ay siya ang pinakamalakas. Hindi niya alam na wala lang gustong pumatol sa kanya dahil ayaw nilang magsayang ng oras. As for Vane, he did a great job.
“Oo nga pala. Anong business ang pinuntahan ni Vane sa bayan na ‘yon? At kasama pa ang kalahati ng pack niya?” nagtataka kong tanong.
Nagkibit-balikat si Callie. “I actually don’t know. Callisto just said we’re going there because Alpha has some business to attend to.”
Napaisip ako sa maaaring dahilan ni Vane. Was it really necessary to bring half of the pack to other wolves’ territory just to attend a business? Kaya naman n’ya iyon kahit si Leo at ilang Omega lang.
“Ang sabi mo noong nasa sentro tayo ng bayan ay darating si Callisto. Bakit kasama niya si Vane?” tanong ko nang maalala ang araw na ‘yon.
Napaisip din si Callie. She was also genuinely curious and confused. “Ahm. . . I don’t really have any idea. Nagulat din ako kasama na niya si Alpha. He said to me he’s coming so I thought it’ll be just him.”
“Noong mga nakaraang buwan ba na kasama ka ni Callisto. Kasama niyo rin ba si Vane? Were you also roaming around alone?” tanong ko.
Nagtataka siyang tumango. Marahas akong napabuga ng hangin nang mapagtanto na kung paano ako nahanap ni Vane. He used Callie to find me. He probably thought we still have connections. Hinahayaan niyang mag-gala mag-isa si Callie to see kung magkikita kami. Unfortunately and obliviously, we did.
“Mali ka sa hinala mo, Callie,” bigla kong sambit na ikinatingin niya sa akin. “He never stop searching for me. Ginamit ka niya para mahanap ako.”
Nanlaki naman ang mga mata niya. Tumahimik siya at malalim na nag-isip. Isang ngiwi ang nabuo sa kanyang mukha nang mapagtanto siguro ang nais kong ipakahulugan.
“Smartass,” sambit ko.
Napaismid ako. Magtataka pa ba ako? He literally kidnapped all the unmated wolves in different towns. Iyon pa kayang hanapin ako ay susuko siya? Just like what he said, he won’t never let me get away from him.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...
