PLEASE him? at sa tingin niya ba ay gagawin ko iyon? I would rather slit my throat than please the alpha who kidnapped us! Hindi ako magpapasakop sa kanya at lalong hindi ako tutunganga na lang. I will do everything to escape this hellhole with Callie!
Marahas akong napabuga ng hangin at muling lumingon sa kabuuan ng kuwarto. Everything screams about him.
From his bedroom, curtains, bedsheets, closet and even the air in this room. It all screams his name.Napangiwi ako nang maramdaman ang muling paghapdi sa aking dibdib. Kinapa ko iyon at hinaplos upang maibsan ang sakit. Napansin ko na mas mainit ang parteng iyon kaya nagtaka ako.I was about to check it when the door suddenly opened.
Nanigas ang kamay ko at kumabog ang dibdib nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa aking likod. Ramdam ko ang mainit niyang tingin kahit pa hindi ko siya lingunin.
My heart beat erratically when I heard the click of the lock from the door. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya matapang na hinarap. I tried to remain emotionless and untameable in front of him. Ngunit pinapahirapan ako ng kulay ginto niyang mga mata.
May kung ano sa kanyang mga mata na nanunulay sa aking kalamnan at nagpapahina sa akin. I stilled when I felt my wolf purr. Mabilis akong napaatras mula sa kanya. What's happening with me?
"Are you ready?"
Nanlalaki ang mga matang umangat ang tingin ko sa kanya. "W-What?"
Nanlamig ang buong katawan ko nang magsimula siyang maglakad papalapit sa akin. Iniyakap ko ang mga braso sa sarili habang umaatras. Sa katangahan ko ay napatid pa ako dahilan para bumagsak ako sa sahig.
"Clumsy," he muttered, full of dissatisfaction.
Nagtagis ang mga ngipin ko. Gusto ko siyang saktan! Gusto kong kalmutin ang mukha niya kahit gaano pa siya kaguwapo! I want him to feel the pain of his own words by physical pain!
Kahit nanginginig ay nakahinga pa rin ako nang maluwag nang lampasan niya ako. Balak ko pa rin sana siyang pasalamatan sa isip ko dahil mukha wala siyang balak gawan ako ng masama. Pero binawi ko rin nang batuhin niya ako ng unan.
"Sa couch ka," puno ng disgusto niyang utos. "Hindi ako pumapatol sa mga mababang nilalang."
Laglag ang pangang tiningnan ko siya. Wala man lang akong nabakas na pagsisi sa mukha niya. Kumuyom ang mga palad ko. Sana hindi na lang siya katulad ko. Sana hindi na lang siya ang Alpha ng mga lobong iyon! Madali ko sana siyang magigilitan ng leeg!
Kaswal na nahiga siya sa kama, nagbalot ng kumot at saka ako tinalikuran. Hindi lang iyon. Bumangon pa siya ulit para patayin ang ilaw. Hindi man lang inisip na nasa lapag pa ako. Walang manners ang lalaking ito!
Padabog akong tumayo at nagtungo sa sofa. Hinagis ko roon ang unan at padabog na humiga. Tinalikuran ko rin siya. Hindi lang siya ang puwedeng magmaldito at maging masama rito! Ano ngayon kung siya ang Alpha? As far as I know, wala akong kinikilalang Alpha simula nang mabuhay ako sa mundong ito.
With that in thought, nakatulog ako, na may sama ng loob.
FEISTY LITTLE GIRL.
"She's stubborn, Alpha. She deserves a beating rather than a comfy bed and your attention," protesta ni Alastair.
Alastair, one of my Betas, was right. That woman is feisty, and she might stab me in the back someday, or perhaps be a troublemaker. But there's something about her I want to know. That woman is a mystery. She's a puzzle I want to solve.
"Vane!" Minerva whine. Naririndi na ang tenga ko sa babaeng ito. Just a little more at padidiligan ko sa kanya lahat ng puno sa kakahuyan.
"Nagsasawa ka na ba sa akin at iba na ang gusto mo?" She acted hurt. I silently snorted. What a bad actress. "I can't believe you choose a low-class female wolf!"
"She's far from low-class, Minerva," Leo intervened.
I rested my head for awhile. Thankfully, my spokesperson is back. Hindi masasayang laway ko sa walang kuwentang bagay.
"And how she's not low-class? She don't have an Alpha. She's a rogue! Ano ba'ng alam ng mga katulad nila bukod sa pagiging sakit sa ulo at kahihiyan? Nothing!" Minerva spat. "Just because she's a white wolf doesn't mean she's special."
"You're wrong, Minerva," Leo stated seriously. "That woman is a moon wolf created and blessed by the Moon Guardian. Out of all wolves in this world, their kind is in the top."
"W-What?"
Moon Wolf. . .
Who would've thought I would see one in this archipelago?
The story doesn't lie. A moon wolf is truly a beautiful creature. Blessed with independence, fierceness, wisdom, strength, and kindness.
Naririnig ko ang pagtatalo ni Minerva at Leo, but the image inside my head is stronger than the voices I'm hearing. Her fierce eyes, soft cheeks, and red lips.
What a beautiful wolf. . .
She would've been perfect for me. She could've been mine. But she's not my mate, and any woman who's not my mate is not worthy.
And they will remain inferior in my eyes.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerwolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...