Chapter 25

15.3K 460 11
                                    

Mahina akong napaungol dahil sa sakit at bigat na nagmumula sa aking hita. Nanlalabo pa rin ang aking paningin nang magmulat ako. Pamilyar na mga dingding ang bumungad sa ‘kin. Hindi ko na kailangan pang tingnan ang kabuuan para malaman ko kung kaninong kuwarto ito.

Kahit nanghihina, pinilit ko pa ring ibangon ang sarili upang makaupo. Siniyasat ko ang sugat sa aking hita. Nakabenda iyon at may bakas pa ng dugo. Inabot ko iyon at tinanggal ang benda. I don't need this. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog, but it should be close to heal by now.

Isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa aking puso nang ilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. It was still the same. His scent still lingers in everything here.

Nawala roon ang atensyon ko nang makita kong may pumuhit pabukas sa pinto. Kumabog ang dibdib ko sa pag-aakalang si Vane iyon. Hindi pa ako handang harapin siya. Mabuti na lamang at si Callie iyon.

"Jordan!" bulalas niya. Tumingin muna siya sa labas bago pumasok sa loob.

"A-anong ginagawa mo?" nanghihina pang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at naupo sa kama. "Alpha Vane will kill me if he finds out I snuck inside his room. But I really need to see you."

"N-nasaan siya? K-kailangan kong makaalis dito, Callie," saad ko.

Napangiwi naman siya. "I don't think you can escape again, Jordan. Doble ang seguridad ngayon. The Omega's are everywhere. Kahit yata pagtapak sa labas ng mansyon, hindi ka nila papayagan."

Napapikit ako nang mariin. Inaasahan ko na ‘to. "Nasaan siya?" tanong ko. That's all I can ask and do. Wala akong ibang magagawa ngayon kundi ihanda ang sarili ko sa paghaharap naming dalawa.

"He's out. Alpha Xellix wants to retaliate. The fight on their territory didn't turn out well. Alpha Vane is currently dealing with it now," sagot niya. "Jordan, I swear, wala akong alam sa pagkakahanap sa ‘yo ni Alpha Vane. After we met, he started acting strange and the pack. Promise!"

Mahina akong napabuga ng hangin at tumango. "Naniniwala ako sa ‘yo, Callie. Hindi natin alam ang mga plano niya. Maaaring sinundan ka niya o nakita niya ako. Huwag mo nang isipan pa."

"I'm sorry, Jordan." Yumuko siya. "Kung hindi kita pinilit na sumama sa ‘kin. Hindi ka siguro niya makikita o masusundan. . ."

"Callie, huwag mo nang isipan pa ‘yon. Isipin mo na lang na kung hindi siya dumating. . . Malamang ay nasa kamay na ako ng hayop na Xellix na ‘yon." Nagtagis ang mga ngipin ko. If I wasn't vulnerable that night, I would've fight him.

"Si Alpha Vane naman ngayon ang kakaharapin mo," nakangiwi niyang sambit.

Binigyan ko lamang siya ng isang maliit na ngiti. Hindi ko alam paano haharapin ang lalaking ‘yon matapos ng tatlong buwan. Hindi ko rin sigurado pa kung paano niya ako nahanap at kung bakit pa? Samantalang ilang linggo na siyang tumigil sa paghahahanap.

"Are hungry? I'll get food. Babalik ako!" Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot at lumabas ng kuwarto.

Nang mawala siya sa aking paningin, bumaling ako sa aking sugat. Maliit na lang ang sugat at mabilis na gumagaling. Humugot ako nang malalim na paghinga. I stay stilled as I healed myself. Wala pang limang segundo ay wala ng bakas ng sugat doon.

I learned it from the book. Kaya kong pagalingin ang aking mga sugat. Ngunit bagama't may kakayahan akong gano'n. It has a limit. Pinag-aaralan ko pa ito at ang iba kong kakayahan. Magagamit ko ito sa pagtatanggol sa sarili.

Gumapang ako papunta sa gilid ng kama saka dahan-dahang itinapak ang mga paa sa malambot na carpet. Maayos akong nakatayo kahit na medyo mabigat pa rin ang parteng iyon.

"I see. Fully healed and ready to leave again."

Nanigas ako sa malamig na boses na iyon. Mabilis akong napaangat ng tingin sa lalaking nasa harap ng pinto. Kumabog ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. His deep amber eyes were sharp and cold as ice.

Napaatras ako nang magsimula siyang lumapit sa akin. My heart's erratic beat doubled up. Hindi mapalagay ang aking sistema. His scent, his heat, his eyes. Everything about him affects me.

"Too bad, Avianna. Wala na akong balak pakawalan ka."

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon