Chapter 05

15.6K 452 22
                                    

MABIBIGAT NA PAGHINGA ang pinakawalan ko habang hila-hila ako ng lalaking nagngangalang Alastair. Sa dulo ng daan, sa parteng madilim ay mayroong sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko nang maglabas si Alastair ng kadena.

"A-Anong gagawin mo?" nagpa-panic kong tanong. Ngunit hindi niya ako pinansin.

Sapilitan niyang hinila papunta sa likod ko ang aking mga kamay. Naramdaman ko roon ang lamig ng kadenang tinali niya sa akin. Nagpumiglas ako at pilit kumawala nang makitang gano'n din ang ginawa nila kay Callie. Ngunit walang nagawa ang pagpupumiglas ko.

Napahingal ako nang takpan niya ng kulay itim na tela ang ulo ko pagkatapos busalan ang aking bibig saka marahas na tinulak. Napahiga ako sa malambot na lapag ngunit mainit na paligid. Napapitlag ako sa pagbagsak ng pinto. I'm in the trunk!

Sinubukan kong sumigaw ngunit agad din akong tumigil. Kahit ano pang sigaw ko at pagpalag ang gawin ko. Walang makakarinig sa akin. Nanghihina akong tuluyang napahiga. Accepting defeat. Bumagsak ang masaganang mga luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa amin, and that thought instilled fear in my heart. Pinipilit ko lang maging matatag para kay Callie at sa pangako ko kay Lola Mariana na proprotekahan siya pati na rin ang sarili sa kahit anong mangyari.

Pumikit ako nang mariin at ilang ulit humugot ng malalim na hininga upang pigilan ang aking luha. No. I can't be weak now. Kahit parang wala ng pag-asa, hindi ako puwedeng sumuko. Kung wala ng pag-asa, ako ang gagawa no'n.

Hindi ako papasakop sa kanila, sa kanya!

I will save Callie. I will save me. And I ought to do that kahit pa buhay ko ang kailangan kong isakripisyo.

NAGISING AKO DAHIL sa marahas na paghila sa aking braso. Habol ko ang hininga nang tanggalin ng kung sino ang takip sa aking mukha. Ilang ulit akong napakurap dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa araw.

Mabilis kong inilibot ang tingin ko nang makita si Callie. Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka at takot. Saglit muna akong nag-iwas ng tingin sa kanya upang siyasatin ang lugar. Bumungad sa akin ang napakalaking mansyon na napapalibutan ng mga puno. Hindi ko lang sigurado kung gubat ba ang likod ng mansyon o mga puno lang talaga.

"Move!" sigaw ng walang hiyang si Alastair. If I were to  be given a chance, I would really slit his neck!

Tahimik akong sumunod sa lalaking nagngangalang Leo. Unang bumungad sa amin ang grandiyoso at malaking hagdan. Tila nagmamalaki ang kulay pulang carpet nito sa aking mga mata. Sa taas ay nakalambitin ang malaki at babasaging chandelier na tila gawa sa diyamante. Sa sa gilid naman ay makikita ang dalawang malalaking sofa at isang single sofa.

"Where's the Alpha?"

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig iyon.

"In the conference room. He's waiting for you."

Hindi ako kaagad nakakilos nang maglakad muli ang lalaki sa harapan ko. Muntik pa tuloy akong masubsob nang itulak akong demonyo sa aking likod. Nagtatagis ang ngiping nagpatuloy ako sa paglalakad. Kapag nakatakas ako rito, I will really murder him.

Tumapat kami sa isang malaki at double mahogany door. Tatlong beses na kumatok ang lalaking nagngangalang Leo bago binuksan ang pinto. My eyes automatically went down. 'Agad na inasulto ng matapang ngunit nakakaakit na amoy na iyon ang aking ilong. My heart started beating erratically.

"Alpha."

Hindi ko siya nakikita ngunit ramdam ko ang pagbaling ng mainit niyang tingin sa akin. Bumagal at lumalim ang aking paghinga.

"Are they the two female wolves?"

Napalunok ako nang marinig ang malalim na boses na iyon. Tila iyon isang kamay na humaplos sa aking balat at nagpatayo ng balahibo sa aking katawan. To my surprise, my inner wolf started purring.

"Yes, Alpha. Fortunately, we got a hold of them. Sila na lang natitirang mga lobo sa bayang iyon," sagot ng nagngangalang Leo.

Hindi ko narinig ang sagot ng lalaking tinatawag nilang Alpha. Natutukso akong lingunin siya upang tingnan ang kanyang ginagawa. Mariin akong pumikit at mas lalong yumuko. Ilang ulit kong kinastigo ang sarili ko. I shouldn't be tempted. Yes, he is a male wolf and an Alpha, but I must not get interested in him.

"All females?"

Mabilis akong napamulat dahil sa matinis at maarteng boses na iyon. Lumingon ako sa gilid at mula roon ay lumabas ang isang matangkad at magandang babae. Nakasuot siya ng kulay pulang bestida na hapit na hapit sa kanyang magandang hubog na katawan.

"Urgh! What are we going to do with female wolves? Puro basura na lang ang dinadala niyo rito!" asik niya.

"Yeah. Gaya mo," sagot ni Alastair.

"What did you say?" asik ng babae.

"Minerva." Napahinto sila pareho dahil sa nagbabantang boses na iyon.

"Alpha, what are we going to do with them?" tanong ni Leo.

"We have too many females now, Vane. We don't need another two!" reklamo ng babae. Na agad sinundan ni Alastair ng nakakainsultong pag-ismid.

"Who are you to tell me what I should do, Minerva?" malamig na tanong ng boses na iyon. Doon na tuluyang hindi nakaimik ang babae.

"Callisto."

"Yes, Alpha," maagap na saad ng lalaking may hawak kay Callie.

"Take that one while I'm still thinking of what I'm going to do with her," sagot ng lalaki.

Nanigas ako sa sa sinabi niya. Nanlamig ang aking mga palad. Isa lang? Kung gano'n ay magkakahiwalay kami? Hindi puwede!

"What about the other one, Alpha?" mabilis na tanong ni Alastair.

"The other wolf is mine."

Tumigil yata sa pagtibok ang puso ko dahil doon at sa huling sinabi niya tuluyan na akong hindi nakahinga.

"The white female wolf is mine."

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon