WALA LANG dapat ang mga salita niya pero bakit masakit? Bakit parang hinihiwa at pinagpipiraso-piraso no'n ang puso ko? Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang namuong luha sa aking mga mata.
"I'm not impudent. . ." nanginginig ang boses kong sambit.
Ayokong isipin niya na mahina ako dahil lang nagawa niya akong mapaiyak gamit lang ang salita. Ngunit hindi ko mapigilang mag-angat ng tingin at salubungin ang kanyang mga mata. May kung anong emosyon ang nagtulak sa aking ipakita na nasasaktan niya ako. Nakita ko ang pagkatigil niya. Isang emosyon ang dumaan sa kanyang mga mata na kaagad din namang nawala.
"You're just unfair and evil," mapait kong sambit saka siya tinalikuran.
Dire-diretso ako sa loob ng mansyon. Hindi ko alam kung saan pupunta basta ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Halos tatlong minuto akong naglakad bago kusang huminto ang aking mga paa.
Nasa malawak na balcony na pala ako ng ikalawang palapag ng mansyon. Hindi ko na napansin dahil sa emosyong umukupa sa isip at puso ko.
Pabagsak akong naupo sa sofa saka mabilis na pinahid ang mga luhang kumawala mula sa aking mga mata. Hindi dapat ako umiyak dahil lang sa mga salitang 'yon! I must not be weak! Ano ngayon kung tinawag niya ako ng gano'n? Hindi lang naman 'yon ang unang beses na nasabihan ako ng masama. Why am I overreacting?
I must not be weak in front of him! The least thing I want to happen is for him to think he can belittle me. Imbes na pagtuunan ko siya ng pansin. Mas mabuti pang ituon ko 'yon sa planong pagtakas dito. Hindi pa masasayang ang oras ko.
"Your stubbornness will get you nowhere, Jordan."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. It was Leo. Agad din naman akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Saan mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko kahit pa alam ko naman na kung sino ang nagsabi sa kanya.
"Callie," tipid niyang sagot. "You're probably fuming mad now. Maaaring nag-iisip ka na rin ng paraan para makaalis dito."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik. Takot na malaman niyang gano'n ang iniisip ko.
"And I want to warn you again. Don't try. You can't escape the Alpha, not until he lets you go," saad niya.
"Let me go?" Kumuyom ang mga palad ko at pagak akong natawa. "Kelan 'yan? Kapag napagsawaan niya na ako? Gano'n ba?"
"The Alpha won't touch you. That's the thing I can assure you."
Nagtatakang tiningnan ko siya. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi ba sa 'yo rin galing na pagsilbihan ko ang pinuno mo sa kama?"
Mahina siyang napabuntonghininga bago ako sinagot, "Minerva was there. She's a pain in the ass. I knew she's lurking somewhere in the hallway listening to us kaya ko sinabi 'yon."
Lalo akong nagtaka sa sinabi niya.
"Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
Saglit siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa harap.
"We're not looking for just lone wolves. We are specifically looking for female wolves."
"What? Bakit babae ang hinahanap ninyo? Balak niyo bang magparami ng lahi para lumakas pa ang puwersa ninyo? Gano'n ba?" galit kong tanong.
"This mansion is a packhouse containing an Alpha, Betas, Deltas, and hundreds of Omegas and subordinates. We don't need to kidnap rogues. They come to us themselves," paglalahad niya.
Wala akong maintindihan sa kuwento niya. Ang katayuan lamang ng Alpha ang siyang alam ko dahil iyon ang madalas banggitin sa akin ni Lola Mariana. Bukod doon, wala na akong ibang alam.
"Alpha Vonvane doesn't need more power. He's already powerful. He can live, but we can't live without him. He's one of the strongest and fearful Alphas in this archipelago."
"Kung gano'n. . ."
"It's not the power he wants. It was his mate."
My heart suddenly skipped a beat. My inner wolf purrs excitedly and I don't know why.
"So bear it for a while because once the Alpha finds his mate, he will release all the unmated females."
Dahan-dahan akong tumango at hindi na nagsalita. Bakit gano'n? Dapat makakahinga na ako nang maluwag pero bakit ganito?
Why am I suddenly nervous?
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...