AKMANG hahalikan niya ako nang makarinig kami ng katok mula sa pinto. Sabay pa kaming napalingon doon.
“Fuck off!” asik ni Vane.
“Alpha. . . It’s me. Luther.”
Marahas na napabuga ng hangin si Vane saka lumayo sa akin. Ngunit hawak-hawak niya pa rin ang aking braso. Bakas sa mukha niya ang irita.
“Why are you here, Luther? You are supposed to be guarding the damn entry in the west side,” seryosong tanong ni Vane.
Hinila ko ang aking braso. Umaasang bibitiwan niya ngunit mas hinigpitan niya lang ang hawak sa ‘kin. Bumaling siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. Ano ba’ng balak niya? Gawin akong recorder? Dapat nag-uusap sila nang harapan dahil mukhang seryosong bagay ang dahilan ng pagpunta ng lalaking nagngangalang Luther dito.
“There’s a bit problem, Alpha. Tungkol ito kay Xellix.”
Napatingin ako kay Vane. Dumilim ang kanyang mukha at nagtagis ang mga panga. Anong ginagawa ni Xellix sa teritoryo ni Vane? Hindi pa rin ba nila naaayos ang gulo kay Xellix?
“He just won’t stop, huh?” mapanganib ang boses ni Vane. Like he is so close to snapping someone’s head.
“I’m sorry to disturb you, Alpha, but this is important. They are all over the west side entry. I am planning to attack but there’s a lot of humans right now,” dagdag ng nagngangalang Luther.
“What’s happening, Vane?” hindi ko mapigilang tanong.
Bumaba ang mga mata niya sa akin. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya nagsalita, “Nothing that I can’t handle.”
Binitawan niya ang aking braso saka dumiretso sa loob ng closet. Kumuha siya ng kulay itim na jacket at isinuot.
“Meet me outside. Gather the Omega’s in the west. Tell Leo to guard the east and south entries. Alastair will handle the security here in the mansion and north,” maawtoridad na utos ni Vane.
Nakamasid lang ako sa kanya habang nagbibitaw siya ng mga utos. I can’t help but admire how he handle his men. He’s good at this. Being an Alpha. Tama si Leo. Vane will survive without them, but they can’t survive without him.
“Yes, Alpha,” saad ni Luther bago ko narinig ang papalayo niyang yabag.
“Vane,” tawag ko sa kanya bago pa siya makaalis. “Anong nangyayari? Bakit nandito si Xellix? Ano’ng kailangan niya?”
Blangko ang kulay ginto niyang mga mata nang magbaba ng tingin sa akin. “Who cares what he wants? I will give him death for stepping on my territory. Stay in the mansion, Avianna. Disobey me and I will really lock you up in my room.”
‘Yon lang ang narinig ko mula sa kanya bago niya ako iniwan sa loob ng kuwarto. Pabagsak akong naupo sa kama at tumulala sa pintong nilabasan niya.
Ano’ng ginagawa rito ni Xellix? Anong kailangan niya?
LUMIPAS ang mga oras nang wala kaming balita mula kay Vane. Tinanong ko si Callie kung may alam ba siya sa pagsulpot ni Xellix dito ngunit wala rin siyang clue. Mahigpit ang seguridad sa mansyon. Hindi ko sila nakikita pero nararamdaman at naamoy ko sila.
I think it was very serious. Some of the Deltas and their family are here in the mansion. Walang bakas ng takot sa mukha nila pero nakakasiguro akong hindi na biro ang nangyayari sa west. Hindi naman sila lilikas dito kung wala lang ‘yon, hindi ba?
I want to ask Alastair pero nahihirapan akong lapitan siya. Bukod sa napapaligiran siya ng mga Omega. Busy rin siya sa paglibot sa mansyon at pag-uutos. Alastair was usually cocky and annoying but seeing how dead-serious he is right now, there is surely something to worry about.
Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang may bumangga sa akin. Napatingin kaagad ako kung sino iyon. Isang batang lalaki, nasa edad sampo, ang bumangga sa akin.
“Ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong nang makitang hinawakan niya ang ilong.
Sinapo ko ang kanyang mukha at siniyasat. Wala namang ibang kakaiba bukod sa namumula niyang ilong na tumama yata sa akin.
“Ayos lang po.” Alanganing ngumiti siya na parang nahihiya. Napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Ang cute. Bata pa pero may itsura na.
“Mag-ingat ka sa susunod at baka sa pader ka na tumama. Baka mawalan ka ng ilong, sige ka,” natatawa kong sermon sa kanya.
Nahihiyang ngumiti siya at napakamot sa ulo. “Okay, po.”
“Lucas!”
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Isang babae ang naglalakad papunta sa amin. Maamo ang mukha nito, katamtaman ang tangkad at hanggang balikat ang buhok.
“Ma!”
Lumapit kaagad sa kanya ang bata at yumakap sa kanyang baywang. Kusang ngumiti ang aking mga labi nang maglambing ang bata sa kanyang ina. Takot mapagalitan.
“I’m sorry. Malikot talaga itong si Lucas. Sa susunod nga ay baka itali ko na ang batang ‘to sa baywang ko,” nagbibirong saad ng babae matapos sabihin ni Lucas ang nangyari.
Natawa naman ako. “Wala iyon. Pero kung gusto mo ng panali, meron ako,” sakay ko sa kanyang biro na ikinatawa niya rin.
“Oh, by the way. Ako nga pala si Hazel. I’m Luther’s mate,” pakilala niya.
“Luther? Ang tinutukoy mo ba ay ang lalaking kasama ni Vane?” tanong ko.
Nakangiting tumango siya. “Oo, Luther is one of the Betas. Siya ang namamahala sa West entry habang si Leo naman ay sa East,” sagot niya.
Tanging tango ang nagawa ko dahil sa pagkabigla. Akala ko ay isa sa mga Delta si Luther. Isa pala siyang Beta. I’d never seen another Beta aside from Leo.
“Ito naman si Lucas. Anak namin,” dagdag niya.
Muli akong napangiti. “Hindi ko alam na Beta rin pala si Luther. Si Leo pa lang kasi ang nakikita ko.”
“Oh, si Leo. Siya lang talaga ang makikita mo rito. He’s the only unmated Beta. Madalas din dito noon si Luther but when we find out about Lucas. Nag-settle down na kami sa West.” Napalitan ng pagtataka ang kanyang mga mata. “Hmm. . . What about you? Ngayon lang kita nakita? Who are you mated to—Are you mated?”
Bumuka ang bibig ko upang sagutin sana ang kanyang tanong nang matigilan. Ano’ng sasabihin ko? Sasabihin ko ba ang totoo? That I am her Alpha’s mate? Bago ko pa maisip ang isasagot, may gumawa na no’n para sa ‘kin.
“She’s the Alpha female, hon.”
Napatingin ako sa nagmamay-ari ng boses na iyon. It was Luther. Bahagya siyang yumuko sa akin bago nilapitan ang kapareha. Nanlalaki na ang mga mata ni Hazel nang balingan ko siya. It didn’t take her seconds to follow what her mate did. Bahagya rin siyang yumuko sa akin.
“Oh my god! I’m sorry! Hindi ko alam!”
Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Gusto kong itanggi ang sinabi ni Luther pero hindi naman ako makabuo ng mga salita.
“We have to go now, hon. Everything’s fine now,” saad ni Luther sa asawa bago binalingan ang anak. “Lucas, bid your farewell to the Alpha female.”
Hindi ko na rin nagawa pang itama ang sinabi ni Luther dahil nakangiti na sa akin ang bata habang nagpapaalam. Ngumiti na lang din ako saka masuyong hinaplos ang kanyang buhok.
“Bye, Lucas,” paalam ko.
Nagpaalam na rin si Luther at Hazel sa akin bago ako iniwan doon. Nakasunod ako sa kanila ng tingin. I wave my hand goodbye to Lucas when he looked at me.
“Cute. . .” nakangiti kong bulong.
I turned around to leave but a familiar scent once again assaulted my nostrils. Isang malapad na dibdib ang sumalubong sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang aming mga mata.
“Ours will be cuter, Avianna, and we will have them soon."
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...