LEO’S statement left me thinking. Inaasahan ko na dapat na darating sa puntong susuko rin si Vane at maghahanap ng iba. He’s the Alpha. Hindi maaaring walang sumunod sa kanya. He need a female wolf to bear his heir. At kung hindi ko ‘yon magagampanan. He would end up replacing me. That’s for sure. Even though I am his mate.
It was all the consequences of my rejection that never crossed my mind. Sa nais kong makatakas kay Vane. Hindi ko na naisip ‘yon. Kung hindi pa sasabihin ni Leo, hindi ko pa maiisip ang lalim ng desisyong aking gagawin.
Wala akong pakialam kung maghanap si Vane nang iba. Wala na rin dapat akong maramdamang pait o selos, but I can’t help it. My own wolf was mad at the idea. It was probably mad at me too for rejecting our mate. Kung may sarili lang itong katawan, marahil ay itinakwil na ako.
“Good decision, Jordan.”
Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang pamilyar na boses na ‘yon. Tumingin ako sa kanya. Parang pumait ang panlasa ko nang makita si Minerva. She was wearing the usual color red and fitted dress. Hapit iyon sa kanya kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Mapupula ang mga magagandang labi dahil sa lipstick at nakalugay ang mahaba at kulot na kulay brown na buhok. She’s beautiful. Vane and her will make a good couple and leadership. Parehas ang talim ng kanilang mga mata at pareho ring bulok ang kanilang pag-uugali.
“Because you don’t deserve to be the Alpha Female of the pack. Vane doesn’t deserve a girl like you,” mapang-uyam niyang saad. Pinaraanan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo.
Parang naririnig ko ang galit na angil ng aking sariling lobo. Nangangating sunggaban ang babaeng ito. Pinipigilan ko lamang ang sarili dahil ayokong gumawa ng gulo rito. Mahirap na at makita ko pa ang pagmumukha ni Vane. Kakakita ko pa lang sa kanya kanina. I don’t want to see and spend another time with him.
“At sino’ng nararapat? Ikaw?” seryoso kong tanong.
Ngumisi siya. “Of course, me. Ako lang nararapat para kay Vane, Jordan. I’ve been with him for years. I’ve seen everything, know everything and accept everything. You? What do you know about him aside from being the Alpha and your mate? Nothing. Magiging sagabal ka lang sa kanya.”
Kumuyom ang aking mga palad. Kahit nagsisimula na akong magalit at mawalan ng pasensya sa kanya. Pinanatili kong blangko ang ekspresyon.
“So do me a favor and keep doing what you’re doing right now, Jordan. Para mas mabilis na ma-realize ni Vane na nagsasayang lang siya ng oras sa walang kuwentang kagaya mo.”
I tried my best to keep myself from snapping at her. Inismiran niya ako bago umalis. Nagtatagis ang mga ngiping napabuga ako ng hangin. Kakalmahin ko pa lang sana ang sarili, then out of where, bigla na lang sumulpot si Callie. Nakanguso ito at magkasalubong ang mga kilay.
“Jordan! Why didn’t you fight her? Bakit hinayaan mo lang siyang bastusin ka! You’re the Alpha Female! Kahit ano’ng gawin niya, hindi niya na mababago iyon!” protesta niya.
“I am not the Alpha Female, Callie,” mahina kong saad.
Inayos ko ang aking damit bago umalis sa balcony. Sumunod naman sa akin si Callie. Patuloy lang siya sa panenermon sa akin. Mukhang hindi ito sumama kay Callisto ngayon para lang guluhin ako.
“You are, Jordan! Ikaw lang naman ang ayaw mo, eh! Tell me! What is the exact reason why you’re rejecting Alpha Vane?” pangungulit niya.
Huminto ako at binalingan siya. Bakas ang inis at disappointment sa kanyang mga mukha. I released a sigh before answering her.
“He’s unfaithful, jerk and so domineering to the point na hindi na siya marunong makinig. Alam mong hindi ko gusto ang ganoong klase ng mga lalaki. At isa pa, sabihin na nating isa akong lobo at iba ang kaugalian natin sa mga tao, but I want to be with someone I loved, not just destined, Callie,” seryoso kong sagot para matigil na siya.
Mukhang nakuha naman niya ang nais kong iparating. Bumagsak ang kanyang mga balikat.
“But you can still love Alpha Vane, Jordan. It’s not impossible to feel nothing more than just being connected to your mate,” saad niya.
Nag-iwas ako ng tingin. I don’t want to admit it to her and I also hate to admit it to myself. May kaunti akong nararamdaman para sa kanya, ngunit hindi iyon gano’n kalakas at katibay. He’s my mate. I was destined to be his. If I were to accept him, it would eventually turn to love. Pero hindi mangyayari ang bagay na iyon dahil sa pagkamuhi ko sa kanya.
“Maybe you’re right. Maybe, I might’ve feel something towards him. Pero hindi iyon sapat, Callie.” Mahina akong napabuga ng hangin. “It would’ve been okay kung katulad lamang siya ni Leo.”
Bumuka ang mga labi niya upang magsalita. Ngunit hindi lumabas ang mga salitang nais niyang sambitin nang manlaki ang kanyang mga mata. Nang makita ko ang takot at nerbyos sa kanyang mga mata, doon kumabog ang aking dibdib.
Natulos ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang mabagal at mabigat na mga hakbang palapit sa akin. I can smell his strong, aphrodisiac scent. It doubled up my fear.
“Talaga, Avianna? You dare f*cking compared me to my Beta after you rejected me?”
Nagtayuan yata lahat ng balahibo sa aking katawan nang marinig ko ang mapanganib at malalim na boses ni Vane. Napalunok ako.
“Vane—”
Napasinghap ako nang bigla niyang haklitin ang aking braso at hinarap ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata. Nagliliyab ang mga iyon sa galit at. . .selos?
“You don’t know who you were comparing to, Avianna. Let me show you the difference between Beta and an Alpha.” Muli akong napalunok nang mapalitan ng kakaibang init ang kanyang mga mata. “In my f*cking room. On my bed, Avianna.”
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...
