Chapter 34

17.8K 470 66
                                        

I NEED to talk to Vane immediately. Hindi puwede itong ginagawa niya! Hindi siya dapat nagdedesisyon nang hindi ako tinatanong.

Pagkatapos kong kumain, kaagad ko siyang hinanap. Unfortunately, I didn’t see him. Ayon sa mga natanong ko, umalis daw ito kasama ng ilang Delta na galing sa south. Wala rin si Leo para pagtanungan ko. Pumunta sa east at baka raw magtagal ng ilang araw.

The mansion’s empty. Pati si Callie ay wala. Kasama nito si Callisto. I don’t know where they went. Hindi naman ako sinagot ng pinagtanungan ko.

Hindi ako mapakali sa loob ng mansyon. Wala na nga sila, ang weird pa ng mga kasama ko rito. Lahat ng nakakasalubong ko, especially men, ay yumuyukod bilang respeto pagkatapos ay iiwas na para bang may nakakahawa akong sakit.

“You, b*tch!”

Napahinto ako sa paglalakad.

Nagpupuyos na Minerva ang lumapit sa akin. Nakakuyom ang kanyang mga palad na para bang handa na akong sakalin at nanlilisik ang mga mata. Nanatili akong kalmado.

“Anong panlalandi ang ginawa mo kay Vane? Ha!” galit na galit niyang asik. “The other day you were rejecting him, and now you’re already the Alpha female? What did you do? Ginayuma mo ba ang siya? Ha!”

“Wala akong alam sa sinasabi mo, Minerva,” mahinahon kong saad. Ngunit hindi no’n napigil ang kanyang galit.

“You don’t deserve to be the Alpha female! You don’t deserve Vane! You’re a bitch! A cunning, manipulative, bitch! How dare you? How dare you!” nagwawala niyang sigaw.

Napaatras ako nang bigla siyang magbago ng anyo. Naging alerto ang buo kong katawan nang umalingawngaw ang nangangalit niyang alulong sa buong mansyon. It alerted everyone inside the mansion. Kaya wala pang isang minuto ay dumating na ang mga nagbabantay. Kasama si Alastair.

“What the fuck is happening here?” salubong ang dalawa niyang kilay. “Bitch—I mean, Jordan. Ano’ng kaguluhan ‘to?”

Hindi ko nasagot ang tanong niya nang bigla akong dambahin ni Minerva. Mabuti na lamang ay nakaiwas ako. Ngunit basag naman ang mga figurine at nasira ang pader. Hindi makapaniwala na tiningnan ko siya. Balak niya ba talagang patayin ako?

“Minerva! Itigil mo ‘to! You f*cking bitch! The Alpha will cut me open if he finds this out!” gigil na sigaw ni Alastair.

Malakas lang siyang inangilan ni Minerva. Umakto ulit siyang aamba sa akin. Mabilis akong tumayo. Masama na ang tingin ko sa kanya. Ayoko siyang patulan. With my size, she won’t stand a chance. I might kill her if I lose my control. At wala akong balak kumuha ng buhay!

“She’s the Alpha female, Minerva! Itigil mo na ang kag*guhang ‘to before I fight you myself! B*tch!” asik ni Alastair.

Ngunit bingi na si Minerva dahil muli niya akong inatake. This time ay nahagip ng napakatalas niyang kuko ang aking baywang. Napasinghap ako sa pagkalat ng sakit sa aking buong katawan.

Handa na ako sa susunod na atake ni Minerva ngunit hindi nangyari iyon. Tuluyan nang nawalan ng pasensya si Alastair. He transformed and attacked Minerva, sending them both flying outside the mansion. Sunod kong narinig ang malakas na angil ng dalawang nagsasagupaan.

Tinulungan akong tumayo ng mga kasama ni Alastair, the more tame Omegas. Binalingan ko ang aking sugat saka humugot ng malalim na paghinga. I focus and heal my own wound. Napanganga ang dalawang Omega nang makita ang aking ginawa ngunit hindi naman sila nang usisa pa.

“Iiwan na namin kayo. Tutulungan namin si Alastair sa pagpapakalma kay Minerva,” magalang na saad ng isa nang matauhan.

Matalim ang mga mata ko nang balingan ang pinagbagsakan ni Alastair at Minerva. I can still hear the angry growls from them.

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon