Chapter 22

18.2K 491 36
                                        

TATLONG buwan na ang lumipas simula nang makatakas ako. I managed to live kahit na mahirap. Sa mga unang buwan ay ang pinakamahirap. Vonvane didn't stop searching for me. Tama ang hinala ko na una niyang gagalugarin ang bayan namin. They were so determined to find me na hindi na nila inisip pa kung may makakakita sa kanila o hindi. Bali-balita tuloy na may asawang sa bayan dahil sa mga marka ng paa nila sa kagubatan.

They didn't just stop in my hometown. Kahit ang mga karatig bayan ay narinig kong ginalugad nila. That brought chaos to the people. May ilan pang grupo ng kalalakihan na nag-ikot noon upang hanapin ang mga bakas ng paa nila. Although it brought fear to the humans, it gave me an advantage to escape from them.

Sinamantala ko ang kaguluhan upang magpalipat-lipat ng bayan nang hindi nila napapansin. I kept doing that dahil akala ko ay magtatagal pa but suddenly, tumahimik sila. I haven't heard anything from them anymore. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari but at least, I earned peace of mind from it.

Pinili kong manirahan sa gitna ng kagubatan. Sa abandonadong bahay na nakita ko. It was the most convenient place for me. Mas madali akong makakapagpalit ng anyo at makakatakas. Bukod doon, libre ang pagkain dito. Iyon nga lang may isa akong problema.

The cocky and self-centered Alpha of this town.

Xellix.

Ever since he saw me in my wolf form, hindi na niya ako tinantanan. He kept on coming back to pester and threaten me. Katulad lang din siya ni Vonvane. Both wanted me to recognize and obey them as my Alpha. Of course, hindi ako pumayag. Hindi ako tumakas kay Vonvane para lang magpasakop sa iba. Sa mas malala pa.

May isa pa palang dahilan kung bakit ayaw niya akong tantanan. He wants me to be his mate. Palagi niya akong binabantaan na palalayasin sa teritoryo niya kapag hindi ako sumunod sa kanyang kagustuhan. Kaya kahit labag sa kalooban, nagsisimula na akong maghanap ng matutuluyan sa kabilang bayan.

"Damn these alphas. . ." gigil kong bulong. "Bakit ba hindi nila ako tantanan?"

"Ayos ka lang, Jordan?"

Napatingin ako kay Sophia. Katrabaho ko siya at nag-iisang kinakausap ko rito sa pabrika. Hangga't maaari kasi ay ayokong magkaroon ng maraming kakilala. Mahirap na. Hindi naman lahat mapagkakatiwalaan.

Tumango ako. "Oo, may iniisip lang."

"Sina Hellix na naman ba?" tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Masakit nga naman sa ulo ang mga lalaking 'yon. Lalo na ang lider nilang napakayabang. Akala mo lahat ay luluhod sa kanya." Napailing ito.

Isang tao si Sophia. Wala siyang alam sa totoong katauhan ko at ni Xellix. Sadyang kilala lang ang lalaking ‘yon dahil anak ng pinakamayaman dito at kilalang babaero.

"Hindi ko na poproblemahin ang mga 'yon. Nagbabalak na akong umalis sa susunod na dalawang linggo," saad ko.

"Ha? Aalis kana kaagad? Isang buwan ka pa lang dito, ‘diba?" gulat niyang tanong.

"Hindi ako tatagal dito hangga't may isang Hellix na sumisira ng katahimikan ng buhay ko, Sophia. Bago ko pa magudgod sa lupa ang pagmumukha n’ya, mas mabuting umalis na lang ako," ani ko.

Dahan-dahan siyang tumango. Naiintindihan kung saan ako nanggagaling.

"Balitaan mo ‘ko kung saan ka titira, ah! Para naman may madalaw-dalaw ako. Wala namang kasi akong kamag-anak dito," saad ni Sophia.

Tumango ako at hindi na nagsalita. Mabilis na natapos ang oras ng trabaho. Kaagad akong nag-ayos ng sarili. Tulad ng aking inaasahan. Nakita ko na naman sa labas ng pinatatrabahuan si Xellix kasama ang mga alipores niya.

Kaagad na tumayo ang mga ito nang makita ako. Walang hiya-hiyang nilapitan kaagad ako ni Xellix. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad paalis ngunit naabutan niya pa rin ako. Humarang siya sa aking dinaraanan.

"Bibigyan kita ng isa pang araw, Jordan. Kapag hindi ka pa pumayag sa gusto ko. Hindi kita papatagalin sa teritoryo ko," marahas niyang saad. "Hindi ko alam kung ano'ng problema mo at tumatanggi ka pa sa biyaya. Pero pagbibigyan kita at maghihintay ako. Tandaan mo lang na nauubos rin ang pasensya ko."

Blangko ang mga matang tiningnan ko siya. "Hindi ka biyaya, Xellix, kundi kamalasan."

Nagtagis ang mga panga niya. Akmang magsasalita siya nang lumapit ang isa niyang alipores.

"May bagong pasok na pack sa teritoryo, Alpha. Code V," makahulugang imporma nito.

Nangunot naman ang noo ni Xellix. Binigyan niya ako ng nagbabantang tingin bago umalis. Napailing ako. Mukhang mapapaaga ang pag-alis ko nito.

Hindi muna ako dumiretso nang uwi. Naglibot muna ako sa sentro ng bayan kung nasaan ang mga malalaking pamilihan. Wala akong ganang mangaso ng makakain sa gubat ngayon. Bibili na lang ako.

Tahimik ang daan papunta roon. Sa sentro lang naman maingay dahil nandoon kadalasan ang lahat ng tao upang mamili, magsugal at iba pang ginagawa ng mga tao na may kinalaman ang pera.

I take my time walking. The air was cold. Masuyong humahalik sa aking balat at tumatangay sa aking bagsak at kulay itim na buhok. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko upang damahin ang hangin.

Ngunit sana hindi ko na lang ginawa dahil nabangga ako sa kung sino. Napamulat ako at handa na sanang magpaumanhin sa taong aking nabunggo ngunit natigilan ako nang makita kung sino ito.

Kapwa kami nanlaki ang mga mata sa isa't isa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil nakita ko siya pagkatapos ng tatlong buwan.

"Jordan?"

Napakurap ako. "Callie? Ano'ng ginagawa mo rito? Malayo ang bayan na ‘to sa mansyon?"

Nagliwanag ang mga mata niya. "Ikaw nga!"

"Ano’ng ginagawa mo rito? Sino’ng kasama mo?" ulit ko sa aking tanong.

Hindi nakatakas na sa akin ang pasimple niyang paglunok. Sumibol ang kaba sa aking dibdib.

"I'm with Callisto," sagot niya.

"Siya lang?" mabilis kong tanong.

Ako naman ang napalunok nang umiling siya.

"Kasama namin ang kalahati ng pack. . .and also the Alpha, Jordan."

Hiding From The AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon