KAYA ko ba?
Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na hininga. Sa bawat minutong lumilipas ay hindi ako mapakali.
Pakiramdam ko isang oras ang tagal ng bawat minuto. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari ngayon kina Vane at mas lalong pinapatindi no’n ang kaba sa aking dibdib.
“Jordan? Ayos ka lang?”
Napamulat ako ng mata nang marinig si Callie. Magkahalong pagtataka at pag-aalala ang nabasa ko sa kanyang mga mata. Wala sa sariling bumaba ang aking paningin sa kanyang tiyan. Wala pang isang buwan pero may umbok na kaagad doon.
“Hindi,” matapat kong sagot sabay iwas ng tingin mula sa kanya. “I’m thorned. I can stop this from happening, yet I can’t also do it. . .”
“What do you mean, Jordan?”
Humarap ako sa kanya. “I’m still unmarked, Callie, at iyon ang dahilan kung bakit ayaw pa ring tumigil ni Hellix. He wants to get me fast before Vane marks me.”
“What?! You’re still unmarked?” gulat niyang bulalas.
Marahan akong tumango. “At kasalanan ko kung bakit. I don’t want to be marked by him because I loathed him before. You knew that, right? At kahit ngayong okay na kami, I still don’t want him to mark me and he respects it. Because of that, this happens. Kasalanan ko ‘to.”
“Jordan, don’t blame yourself. Blame Minerva instead! Kung hindi naman dahil sa kanya hindi magkakaganito. She betrayed us. Huwag mong sisihin ang sarili mo. There’s nothing wrong on asking time to adjust and Alpha Vane giving you respect. It was her and that boastful pack’s fault!” gigil niyang saad. “Hindi ko alam kung nag-iisip ang mga ‘yon sa ginagawa nila! If there is still a hunter alive, we’re all dead meat! Kaasar!”
Mahina akong napabuga ng hangin at muling tumingin sa malayo. “Once I’m marked, I will lose my power. . .”
Natigilan ang nagpupuyos na si Callie sa sinabi ko. Nagtataka niya akong tiningnan.
“Power?”
“I am a moon wolf. May kapangyarihan kaming wala ang iba. Moon wolves are blessed by the Moon Guardian. She gave us powers. I’m bigger, almost strong like an Alpha and I even can heal myself. I’m almost immortal like the vampires, Callie,” pahayag ko.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata. “Really? So, you can be as strong as the Alpha? Bagay nga kayo! Match made in heaven!”
Hindi ko magawang ngumiti sa sinabi niya. Napansin niya iyon.
“But I will lose it all once I’m marked by Vane. A moon wolf, female or male, should only be marked by a moon wolf too. Dahil kung hindi, mawawala sa amin ang kapangyarihang ibinigay sa amin.”
“What? But the Alpha is your mate. It is your faith to be with him. Why will you lose your power by a decision made by fate?”
“Fate and Moon Guardian are different from each other, Callie. Sa dalawang iyon, ang moon guardian ang mas dapat naming sundin. She’s not a wolf but she is like an Alpha to us,” paliwanag ko.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Alam kong naiintindihan ni Callie kung saan ako nanggagaling. Pinuno niya si Vane, at gagawin niya ang lahat ng ipag-utos nito kahit pa hindi niya kalooban. Ganoon din ako at ang iba ko pang kalahi. We must follow the rules.
“What’s your plan now?” tanong niya kapagkuwan.
Matagal ako bago nakasagot. May desisyon na ako. I just want to think about it longer and thoroughly.
“I will choose the right, Callie.” Tumingin ako sa kanya. “And what I want.”
Tumalikod ako at naglakad paalis. Sumunod sa akin si Callie hanggang sa marating ko ang kasalukuyang posisyon ni Leo. May dalawa pang lalaki na hindi pamilyar sa akin ang kausap niya. Natigil sa pinag-uusapan ang mga ito at sabay-sabay sa aki’y lumingon at yumuko.
“Jordan—”
“Aalis ako, Leo. May importante akong pupuntahan,” diretsahan kong imporma.
“Jordan—”
“Hindi mo ‘ko mapipigilan kaya hayaan mo na lang ako.” Binalingan ko ang dalawang lalaki. “Maghanda kayo. Sasama kayo sa ‘kin.”
May gulat at pagtataka sa mga mukha nila pero sumunod din naman. Tumalikod ako at akmang aalis nang harangan ako ni Leo. Agitation is written all over his face.
“The Alpha will kill me, Jordan,” mariin niyang sambit. “He wanted us to stay here to protect you.”
“He won’t. Magtiwala ka sa ‘kin, Leo,” kumbinsi ko.
Wala na siyang nagawa nang lumapit na ako sa dalawang lalaking sasama sa akin papunta sa sadya kong lugar. I transformed into my wolf form before looking at Leo. I gave him a reassuring gaze that I will come back in one piece before I run into the woods with the two Deltas.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...