MATIYAGA akong nag-antay sa pagdating ni Vane. Bandang hapon na siya nakauwi at kasama niya si Callisto at si Leo. Pasimple ko pang sinipat ang itsura nila upang alamin kung may problema ba. Fortunately, they all looked fine.
Walang banggas at mukhang nasa mood ang lahat. Maliban pala kay Vane na magkasalubong ang mga kilay at matalim ang mga mata nang pumasok sa loob ng mansyon. Nawala rin naman ang matalim niyang tingin nang makita ako. Though, nakasimangot pa rin.
Nag-init ang mga pisngi ko sa hiya nang bigla niya na lang akong hapitin at halikan sa labi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi niya ako pinansin. He went on like we have been doing this for so long now.
“Did you miss me?” tanong niya.
Pasimple akong tumingin sa paligid para tingnan kung nakakakuha na ba kami masyado ng atensyon dahil sa kaharutan ng lalaking ‘to. Pero hindi pa man ako nakakalingon, hinawakan na ni Vane ang aking baba at marahan na hinarap ang aking mukha sa kanya. Nagtagpo muli ang aming mga mata. Madilim na ito at nagbabanta.
“Don’t look at him, Avianna,” mariin niyang utos. “Especially when I’m asking if you miss me.”
Pinaningkitan ko siya ng mata at tinabig ang kamay niya sa aking baba. “Hindi ako sa kanya titingin, Vane. Huwag kang paranoid.”
“Then stop making me paranoid, Avianna. Give me assurance,” pakikipagtalo niya.
Mahina akong napabuga ng hangin. Kakauwi niya pa lang pero pinapakulo na niya ang dugo ko.
“What kind of assurance do you want, Vane? Hindi pa ba sapat ang nangyari kagabi?” makahulugan kong tanong.
“That’s not an assurance. That’s me and you, making love, Avianna,” walang prenong sambit niya. “Tell me you like me, and that you don’t give a damn about my Beta. That will do, Avianna.”
Napapailing na lang ako sa kanya. “Tigilan mo ‘yan, Vane. Gusto mo bang takasan kita at pagtaguan ulit?”
He snorted before smiling smugly. “You can try to escape, or maybe successfully escape and hide but I will always find you, Avianna. You should know that by now. Iisa lang ang babaeng para sa ‘kin at ikaw lang ‘yon. Tingin mo ba pakakawalan na lang kita basta? You hide, I search. You won’t stop, I won’t stop too. So, you can’t scare me with that, Avianna.”
Hindi na lang ako nagsalita. Ayoko nang pahabain pa ang usapan. Wala rin naman siyang balak magpatalo. Hinatak ko na lang ang sarili paalis sa kanyang braso na nakapulupot sa aking baywang ngunit hindi niya ako pinakawalan. He gave me a warning look. Napabuga ako ng hangin at hindi na nagsalita.
“Alpha, we have something to tell you.”
Sabay kaming napatingin ni Vane kay Callisto. May ngiti sa mga labi niya habang hawak ang kamay ni Callie. Mukhang alam ko na ang kanyang sunod na sasabihin.
“Callie’s pregnant. We’re having a baby,” masayang anunsyo niya.
Automatiko akong napangiti nang makita ang masayang mukha nila. “Congratulations, Callisto, Callie,” bati ko sa kanila.
Hindi ko man ma-express sa salita, pero masayang-masaya ako para sa kanila. Lalo na kay Callie. Pangarap niya ‘to at masaya akong natupad na niya ang maging isang ina.
“You can have a party tomorrow night to celebrate the next Delta. Congratulations, Callisto,” seryoso at pormal na saad ni Vane. Looking pleased.
“Thank you, Alpha Vane,” nakangiting pasasalamat ni Callie.
Tinanguan lang ‘yon ni Vane bago muling nagsalita, “I will help you settle in a quiet place in East—”
“Ah! Alpha!” biglang pigil ni Callie. Napatingin naman sa kanya si Vane. Nahihiya siyang ngumiti. “Can we—ahm. . .stay here. . .for a while? Ayokong lumayo kay Jordan. I want to stay here with her.”
Saglit na nanahimik si Vane bago tumango. Tuwang-tuwa naman si Callie. Pagkatapos magpasalamat, nagmartsa na siya paalis kasama si Callisto. Excited sa party na gaganapin bukas.
“I’ll be with the other member, Alpha,” paalam ni Leo. Tumingin siya sa akin at yumuko. “Luna.”
Bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako ni Vane.
“Go, and tell the others to rest. We’ll go tomorrow morning again,” saad ni Vane.
Tinanguan lang iyon ni Leo bago tuluyang umalis. Nang mawala si Leo sa aming paningin, bumaling ako sa kanya. May kailangan akong itanong sa kanya.
“Vane—”
“Let’s go upstairs,” maaligasgas na ang kanyang tinig.
Muli niya akong hinapit palapit sa kanya. Yumakap sa akin ang kanyang mga braso at binigyan ng magagaang halik ang aking leeg. Napalunok ako nang maramdaman ang pamilyar na init na tumupok sa akin kagabi.
“I can’t wait any longer. I want a baby, Avianna. . .” he whispered huskily.
“V-Vane. . .”
May gusto pa akong tanungin at malaman mula sa kanya ngunit masyadong malakas ang epekto niya sa akin. My wolf immediately gave in and it didn’t take long for myself to follow.
Hindi ko na alam kung paano kami nakapunta sa kanyang kuwarto. I just found myself naked under him.
Moaning his name.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
Hombres LoboJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...