HINDI ko pinansin ang kanyang sinabi. Kahit nag-iinit ang mga pisngi ko ay umakto akong hindi naaapektuhan. Kaswal ko siyang nilampasan. Kaagad naman siyang sumunod sa akin.
“I’m talking to you, Avianna.”
“Sorry, pero hindi ako makikipag-usap sa ‘yo, Vane. Hindi ako nakikipag-usap sa taong puro kabalbalan ang lumalabas sa bibig,” saad ko.
Narinig ko ang pagak niyang pagtawa. “Kabalbalan, Avianna? Anak natin ang pinag-uusapan natin dito! How could you say that?”
Napailing ako. Kung makapagsalita siya, akala mo talaga ay buhay ang sinasabi niyang anak namin. Minsan hindi ko na talaga malaman kung siya pa ba ang Vonvane na una kong nakita sa conference room. The way he acts now, malayong-malayo sa lalaking ‘yon. Parang bata at napakatigas ng ulo.
“Utang na labas, Vane. Stop overreacting. Wala tayong anak para magkaganyan ka,” nauubusan ng pasensya kong wika.
“Wala pa, Avianna. Wala pa,” mariin niyang pagtatama sa aking sinabi.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
“And where are you going? Hindi riyan ang daan papunta sa kuwarto natin.”
Nasapo ko ang noo dahil sa konsumisyon. Daig pa ni Vane minsan ang babae sa kakadada. Parang hindi mauubusan ng sasabihin. Hindi ko na kailangan ng anak, siya pa lang mai-stress na ako.
Marahas akong napabuga ng hangin. “Vane, please, tumahimik ka muna.”
“In my room. Now. Avianna,” mautoridad niyang utos.
Sinunod ko na lang gusto niya dahil baka patulan ko na talaga siya. Maranasan niya pa kung paano ang tunay na dada. Diretso ako sa loob ng kanyang kuwarto. Siya naman ay nakasunod lang sa akin. Ngayon ko lang na-realize na kaming dalawa na naman dito.
If he seduces me again, there’s no way I can escape anymore. Tapos na ang problema kay Xellix. Wala nang dahilan para may umakyat dito at kumatok sa pinto. Kumabog ang dibdib ko sa kaisipang iyon.
Napalunok ako nang marinig ang pagsara at lock ng pinto. Kaswal akong tumungo sa kama at nahiga. Walang lingon-lingon sa kanya. Kahit sa paghiga ay nakatalikod ako mula sa kanyang direksyon. I was silently wishing he’s tired para makatulog na siya.
I don’t want to be marked. Not tonight. Hangga’t hindi buo ang isip ko, hindi ako magpapamarka sa kanya.
Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan nang patayin niya ang ilaw. Sunod kong naramdaman ang paghiga niya sa aking tabi.
“You’re too far, Avianna.”
Lumunok muna ako bago nagsalita, “I’m not. Matulog ka na. Wala akong ganang makipagtalo sa ‘yo,” kunwari’y nababagot kong wika. Kahit sa loob ay abot-abot na ang aking kaba.
I heard him groan. “I’m tired, Avianna. Come here before I drag you myself.”
Hindi ako kumilos.
“Avianna,” nagbabantang tawag niya.
“Just sleep, Vane. Buong maghapon kang nasa labas. Pagod ka kaya magpahinga ka na,” kaswal kong utos.
He groaned loudly before the silence engulfed us. Akala ko ay nakatulog na siya dahil sa ilang minutong pananahimik. Kaya nanigas ako nang maramdaman ko ang biglang pagyakap ng kanyang braso sa aking baywang. Nagtayuan lahat ng balahibo sa aking katawan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
I thought he would kiss me there, but he didn’t. He just buried his face in my nape before tightening his hug behind me. Nagpakawala siya nang malalim na hininga.
“I’m so f*cking tired. . .” nagrereklamo niyang bulong.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Maya-maya rin ay bumigat ang kanyang pahinga senyales na tulog na siya. I don’t know why, but I stayed like a statue. Sa ginagawa ko ay rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga at ang tibok ng kanyang puso. It was giving some kind of internal peace.
Parang may nag-udyok sa aking humarap sa kanya na siyang ginawa ko. Madilim ang kuwarto ngunit salamat sa liwanag na sumisilip sa bahagyang nakaawang na kurtina, I can see his peaceful sleeping face.
Ngayon ko lang siya napagmasdan nang malapitan. Dahil nakasubsob na siya sa gitna ng aking dibdib at collarbone, kitang-kita ko ang makakapal at malalantik niyang mga pilikmata, ang matangos niyang ilong at mapupulang mga labi. Vonvane is an asshole but I can’t deny that he’s also a handsome man. Mahina akong napabuga ng hangin.
Hindi ko napigilan ang sariling haplusin ang kanyang makinis at malambot na pisngi.
“Hindi na talaga ako magtataka kung bakit gustong-gusto ka ni Minerva. . .” bulong ko. Malakas ang loob na sabihin ang nilalaman ng isip dahil tulog siya. “And she’s beautiful too. . . You'll look good together.”
Parang may karayom na tumusok sa aking puso nang maalala ko ang eksenang iyon.
“N-Nakita k-ko, Vane.” Nabasag ang aking boses. “I saw you with her that night. . . How can you be so unfaithful and selfish? How can you demand me to be yours when you were sleeping with someone else while searching for me?”
Hindi ko namalayan na sunod-sunod nang bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ang sikip ng aking dibdib. Parang sasabog. Gusto kong pumalahaw ng iyak para man lang mabawasan ang bigat ng sama ng loob ko sa kanya.
“I-I hate you, Vane. I hate you. . .”
Bago ako mawalan ng kontrol, tinanggal ko na ang braso niya sa akin. Kinuha ko ang unan at tumungo sa couch saka nahiga.
I’d rather sleep here than sleep with someone I hate.
BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
WerewolfJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...