MABILIS NA LUMIPAS ang buong araw. Pagkatapos ng klase ko kanina, pumunta muna ako sa tinutuluyang apartment para maligo at magbihis saka pumasok sa trabaho. Ala-una ng madaling araw na ako lagi nakakauwi ngunit dami ng ginagawa ko, hindi man lang ako napagod.
Kahit ngayong kumakain ako ay parang wala lang sa akin na madaling araw na. If I am a human, I would've been so exhausted and too tired to eat. Kahit papaano ay nakakasabay ako dahil sa kakayahan ko.
Niligpit at hinugasan ko muna ang pinagkainan bago ako nagtungo sa kuwarto. Hindi ako sa kama dumiretso kundi sa study table ko. Dinukot ko mula sa bulsa ang susi ng drawer. Kinuha ko mula roon ang makapal na libro.
Napatitig ako sa lumang-luma nang libro na nasa aking harapan. It has been a long time since I last opened this. Wala pa sa kalahati ang nababasa ko dahil sobrang kapal at masyado akong emosyonal noon.
I took a deep breath before opening the book. "Okay. Big, black, male werewolves. . ."
Inisa-isa ko ang bawat pahina upang hanapin ang mga lobong nakita ni Callie base sa deskripsyon niya. Sa kapal nito, alam kong matatagalan ako. Seconds and minutes passed until it turned into hour pero wala pa rin akong nakikita.
Mahina akong napabuga ng hangin. The books was all about us, I think. Puro imahe lang ng mga puting lobo ang naririto. I can't see neither black nor brown here. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata.
Who are they? Where did they come from? Are they good or are they bad?
Iyon ang mga taong na gusto kong malaman. Ngunit mukhang masasagot ko lang ang tanong na iyon kung sila mismo ang tatanungin. Which I will never do.
I released a harsh breath once again. If I can't know if they're good or bad, then avoiding them will be the best choice.
KINABUKASAN, EVERYTHING WENT ON like how it usually does, but something strange happened. Hindi ko makita si Callie. Akala ko isang subject lang siya wala kaya hindi ako nag-isip but when the last subject dismissed still without her, doon na ako kinabahan.
Bumaba ako sa sinasakyang jeep saka naglakad papunta sa apartment ni Callie. Kahit sabay kaming lumaki at halos magdikit na. Magkaiba pa rin kami ng apartment. Para naman iyon sa privacy ng bawat isa.
Kumatok ako sa pinto ng room niya. "Callie?"
Ilang beses pa akong kumatok pero wala talagang sumasagot. Nagbaba ako ng tingin at pinakiramdaman ang room niya. She's not inside. I can't neither hear nor smell her. Lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba.
"Where are you Callie?" kinakabahan kong tanong sa sarili.
Lumapit ako sa tindahan na katapat lang ng apartment niya. Kilala ng tindera si Callie. Baka naman nakita niya ang kaibigan ko.
"Magandang hapon po. Napansin niyo ho ba si Callie?" tanong ko.
"Si Callie? Huli kong kita roon, kagabi pa. Hindi pa nga umuuwi. Akala ko nagpunta sa 'yo," sagot nito.
"K-Kagabi?" nauutal kong tanong.
Nagpasalamat ako sa tindera saka sinulyapan muli ang apartment ni Callie bago naglakad paalis. Nagtago ako sa gilid saka dinukot ang cellphone para tawagan si Callie. Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita ang kaibigan ko.
Nanginginig ang kamay na itinapat ko ang cellphone sa tainga. I waited for her to answer pero nakailang tawag na ako, hindi pa rin siya sumasagot. Naiiyak na ako sa takot at kaba habang nag-aantay hanggang sa dumilim.
I only have Callie. I can't lose my best friend. Ilang buwan pa lang nang mawala si Lola Mariana. I-I can't. . . I can't lose Callie.
"Jordan!"
Mabilis akong nag-angat ng tingin. Parang may bikig na natanggal sa lalamunan ko nang makita si Callie. Suot niya pa rin ang uniform kahapon.
"Callie! Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka pumasok? Hindi ka pa raw umuuwi? Ano'ng nangyari sa 'yo?" sunod-sunod kong tanong.
Ngunit ni isa sa mga iyon ay wala siyang sinagot. Nangunot ang noo ko nang bumuhos ang luha sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin ang putik sa paa, tuhod at mga braso't siko niya.
"J-Jordan." Basag ang tinig niya.
"Callie? Ano'ng nangyari?" seryoso at mahinang tanong ko.
I know she switched on her wolf form base sa dumi sa kanyang katawan. But why did she switched? Bagama't napapaligiran kami ng kakahuyan at wala namang masyadong nadadarang tao roon. Delikado pa rin lalo pa't hindi normal ang laki namin kumpara sa normal na lobo at isa pa, walang lobo sa lugar na 'to.
"S-Sana nakinig ako sa 'yo." Humagulgol siya. "J-Jordan. . . A-Alam ko na k-kung bakit sila n-naririto."
"C-Callie? Ano'ng ginawa mo?" mahinahon ngunit kababakasan ng pangamba kong tanong.
"J-Jordan. . . T-They're bad! I saw them kill people! They're after me, Jordan! They want me! And every wolf living in this town! They want us, Jordan!" natatakot niyang bulalas.
Tulala ako sa kanya. Ang takot sa puso ko ay lalong tumindi ngunit pinanatili kong matatag ang sarili. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang-balikat.
"N-Nakita ba nila ang anyo mo bilang tao?" tanong ko.
Umiiyak siyang tumango. Napapikit ako nang mariin.
"I've tried to escape them, Jordan. Akala ko hindi nila ako makikita dahil bumalik na ako sa dati kong anyo, but I was wrong! I don't know how! But they knew I was a wolf even though I was in my human form!" bulalas niya.
Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata. "W-What?"
"Jordan—"
Sabay kaming natigilan nang masamyo namin ang isang malakas na amoy na nanggaling sa malayo. Callie was right. The strong smell was like an aphrodisiac. It was making us lure ourselves towards it unconsciously.
"T-They're here! They're here, Jordan!"
•••
Ngayon lang ako gumawa ng story about werewolves, and I am enjoying it so much. Thank you for reading, guys ♥️Disclaimer ulit. All photos used in this books is not mine. Pandagdag lamang po ito sa imaginasyon ✨

BINABASA MO ANG
Hiding From The Alpha
Hombres LoboJordan Avianna Evangelista lived a normal and human-like life, not until a pack of wolves kidnapped her and her best friend to be part of them. Desperate to have their freedom back, Jordan did her best to escape from the territorial pack and from th...