PROLOGUE

56 6 4
                                    

Ilang araw na akong hindi makatulog nang dahil sa babae na 'yon. Hindi mawala sa isip ko ang maganda niyang ngiti noong nakatingin sa pagbagsak ng mga bulalakaw. That genuine smile in her face as the meteors falls down from the skies. Para bang sa kaniya ang mundo noong nakatingin siya sa pagbagsak ng mga iyon.

"Kuya, anong iniisip mo?" saad ng kapatid kong si Amaris.

"Nothing," sagot ko.

"It's that girl again, isn't she?" sagot niya.

Sobrang observant talaga ng batang ito. Para bang iisang utak lang ang meron kami dahil lahat ng iniisip ko ay naiisip din niya. Nabanggit ko sa kaniya ang babaeng nakilala ko dahil kasama ko siya noong nanood kami ng mga bulalakaw.

"Chismosa ka ba?" sagot ko.

"Hindi, Kuya! I'm just stating what I see!" sagot niya.

"What I see mo mukha mo! Akyat doon at mag-review ka para sa exams mo!" sagot ko.

"Asar ka lang Kuya cause you can't find ways to see her!" Tumakbo na siya paakyat ng kwarto niya dahil alam niya na kung anong susunod kong gagawin. Makakatikim siya talaga ng napakalutong na batok galing sa akin.

Life must go on even after the night I met her. Her beautiful face can't get off my mind. Pero magkikita pa kaya ulit kami?

Katatapos ko lang magpinta ng isang scenery. Today is another toxic day in my life. They don't want me going out with my friend kahit kilala naman nila ang nag-iisa kong kaibigan ang laging gusto lang nila ay dito lang ako sa bahay at nag-aaral. Natatakot 'ata silang may gawin akong kalokohan at makasira sa pangalan ng kompanya. I don't know but they always isolate me from people.

"Midnight, let's eat," tawag ni Mom.

"Okay," malatang sagot ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sumunod na sa kaniya. Umupo na ako sa puwesto ko sa hapag-kainan. Wala talaga akong ganang kumain dahil sa nangyari kanina lang.

"Midnight, you're already in your senior year in highschool. What are your plans in college?" Dad asked.

Matagal ko nang pinag-isipan ito. Simula bata ako ay gusto ko na talaga ang pagguhit ng mga bahay. I want to be an architect and now is the right time to let them know.

"I want to be an architect," sagot ko.

"Architecture?" sagot ni Mom.

"Yes , Mom. I want to study architecture," sagot ko.

"Why don't you study fashion designing? Mas bagay 'yon sa isang babaeng katulad mo," sagot ni Dad.

"Oo nga, anak. Mas magandang mag-aral ka noon para kapag minana mo ang business natin ay hindi ka na mahihirapan na magpalakad noon," sagot naman ni Mom.

As expected. Ganito naman palagi sa tuwing sasabihin ko ang gusto ko eh. Wala akong narinig na susuportahan nila ako sa mga gusto ko. Ni minsan isang 'Sige, anak susuportahan ka namin diyan.'  Tila nawalan ako ng ganang kumain kay binitawan ko na ang kubyertos.

"Busog na po ako. Mauna na po ako," paalam ko.

Iniwan ko na sila roon na kumakain. Dumiretso ako sa kwarto ko at umupo sa balcony ng kwarto ko.  I stared at the moon and memories from that night flashed in my mind. That handsome face of the star boy. His pure smiles while looking at the meteors and the calmness he gave me in that foreign place.

When life gets hard I always remember my once upon a night in Baguio. The face of that star boy makes my mind calm and rest. I don't know why but just by thinking about his handsome face all the the things that burdens me disappears in the thin air. Isang beses lang kami nagkita pero iba ang epekto niya sa sistema ko.






Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon