CHAPTER 3: WE MEET AGAIN

27 2 12
                                    

Midnight's POV

I had the entrance exam last week and the results are coming out this week. I don't know if I ace the test but I'm sure I did my best. Hanggang ngayon ay galit pa rin si Dad sa akin dahil pinili kong lumayo. Pati rin si Mom ay hindi ako pinapansin. Nandito pa rin ako sa bahay ni Mamita. Kapag lumabas na ang results at nakapasa ako ay saka pa lang ako uuwi ng bahay para ihanda ang mga dadalhin ko sa Baguio.

"Apo, halika na kumain na tayo ng lunch!" tawag ni Mamita mula sa labas ng aking kwarto.

Tumayo na ako at iniwan ang cellphone ko sa kama. Lumabas na ako ng kwarto at sabay na kami ni Mamitang bumaba. Maraming putahe ang nakahain pero ang nakatawag ng pansin ko ay ang caldereta kaya 'yon ang inulam ko.

"Apo, ready ka na ba sa college?" tanong niya.

"Yes, Mamita," sagot ko.

"Sigurado akong makapapasa ka at makapapasok ka sa dream school mo."

"Yes, Mamita! Kapag bumalik ako rito ganap na architect!"

"Matutupad mo ang lahat ng pangarap mo, apo. Mamita is always here for you and I'll always support you in everything you want."

Napangiti ako sa narinig kong sagot sa kaniya. Siya ang palaging nandito sa tabi ko at hindi ako kinontra sa mga pangarap ko. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto at nagsimula mag-browse sa facebook ko. When there's nothing interesting in facebook I decided to open my email account. Baka lumabas na ang results.

Congratulations!

You passed the entrance exam for College of Architecture in University of Baguio!

Welcome to University of Baguio!

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Mamita!" masayang tawag ko kay Mamita na nanonood sa sala.

"Yes, apo? What happened? May masakit ba sa 'yo?" sagot niya.

"Nakapasa po ako sa university!" sagot ko.

"Congratulations, apo! This calls for celebration!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung hindi niya ako tinulungan maghanap ng university ay baka hindi ko na masisimulan ang pagtupad sa pangarap ko. Nagpa-order si Mamita ng cake at ng paborito kong baked macaroni. Tinawagan niya rin sila Mommy para makasama namin.

"Ma, what is this for?" tanong ni Mom.

"Nakapasa ang anak niyo sa university sa Baguio!" masayang sagot ni Mamita.

Her smile faded and look at me like it was a big mistake passing the entrance exam. Ngumiti na lang ako ng pilit at nag-slice ng cake para sa kanila. Kahit naman hindi nila ako pinakikitunguhan ng maganda ay dapat ko pa rin na gampanan ang role ko bilang anak. Hindi naman sila masamang magulang sa akin. Sadyang wala lang silang oras para sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay isinama na ako ni Mom pauwi. Mabuti na rin 'to at pormal akong makapagpapaalam sa kanila. Ayoko namang umalis nang hindi nagpapaalam sa kanila. Tumunog ang phone ko hudyat na may nag-text.

Mamita:
Tomorrow someone will pick you up here by the afternoon.

Me:
Ok.

Hindi nagtagal ang biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay.

"Midnight, let's talk when your Dad arrives," she strictly said.

Tumango lang ako bilang sagot at umakyat na sa kwarto ko para magbihis.  Bumaba rin ako agad nang matapos ako.  Nasa sala na si Dad at mukhang galing sa trabaho. Umupo ako sa pang-isahang sofa at sila naman ay nakaupo sa malaking sofa.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon