Midnight's POV
The day I've been waiting for came. Sobrang bilis ng mga araw na lumipas. It's still 3 am pero dilat na ako. Sa sobrang excited ko umuwi sa Manila hindi ako nakatulog. 4 am pa naman ang usapan namin ni Astro pero kailangan kong i-check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko kasi another long drive na naman 'to. We decided na kumain na lang ng breakfast sa Starbucks na madadaanan namin. Nagdala na lang ako ng maliit na maleta para sa mga damit ko at maliit na bag para naman sa mga snacks namin at backpack para sa mga gadgets at personal things ko. Buong three weeks ko sa Manila ay magbabakasyon lang ako at magpapahinga dahil naging busy ako sa 1st semester. Inilagay ko na sa ibabaw ng maleta ko ang isang bag at isinukbit ko naman sa balikat ko ang backpack ko. Isinarado ko muna ang mga bintana, sliding door at kwarto ko. In-unplug ko na rin 'yong ref dahil wala naman nang laman 'yon saka ang mga appliances ko para bumaba naman ang kuryente bill ko. Sa tuwing nagbabayad ako ng monthly sa rent ko laging mataas ang kuryente bill kaya makakatulong ito na makaipon ako.
Bumaba na ako at hinintay na lang siya sa lobby. Tahimik na tahimik ang lobby dahil kaunti pa lang ang tao. Ang lamig pa ng simoy ng hangin kaya lalong napakasarap matulog. Nakinig na lang ako ng music para hindi ako antukin. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na si Astro na papasok ng lobby. Sinalubong ko na siya para hindi na kami magtagal at baka kasi umakyat pa siya. Katulad noong nakaraan ay may dala na naman siyang kape. Siguro ay dumaan muna siya sa isang coffee shop na bukas na.
"Good morning, Mako. Coffee?" saad niya.
"Thank you. Good morning," sagot ko.
Inabot na niya sa akin ang kape. Humigop na ako ng kaunti upang magising ang diwa ko. Nakasuot pa siya ng hoodie dahil talagang malamig pa rin. Kapag sumisikat na ang araw medyo umiinit naman pero mas malamig talaga sa madaling araw. Siya na ang nagdala ng maleta ko palabas ng lobby sumunod na lang ako sa kaniya.
Nilagay niya na sa compartment ang maleta at ako naman ay binitbit ang isang bag. Nang makasakay na kami sa kotse ay nagsimula na siyang magmaneho.
"Matulog ka na muna if inaantok ka. Kaya ko naman mag-drive nang walang kakwentuhan," he said.
"Magpatugtog ka na lang para hindi ako antukin. Gusto ko kasing makita ang sunrise," sagot ko.
Ibinigay niya sa akin ang phone niya. Tiningnan ko naman siya na may kunot sa aking noo dahil hindi ko naman ugali humawak ng phone ng ibang tao.
"Ikaw na mag-connect. Wala naman akong password kaya don't worry," he said.
"O-Okay," sagot ko.
Binuksan ko ang phone niya and I was surprised to see his lockscreen. It is a picture of us in the mall while I am holding the roses he gave me. I swiped up and suddenly my heart fluttered to see him and Amaris as his wallpaper. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang pinagmamasdan ang wallpaper niya. Hinanap ko na lang ang spotify app niya at ki-no-nect ko na lang sa stereo niya. I played Ikaw Lamang by Silent Sanctuary. One of my OPM favorites.
"Is that your favorite song?" he said.
"Yes. How did you know?" I answered.
"I heard that song on one of your instagram posts," sagot niya.
Mahina na lang akong tumawa at sinabayan ang kanta.
Narinig kong sumasabay rin siya sa kanta habang nagmamaneho. I took out my phone and silently took a video of him singing on the song. Natigil lang ang pagkanta namin nang makita na namin ang Starbucks. Huminto na lang kami rito para kumain ng breakfast dahil hindi na kaya ng time kung sa bahay pa kami kumain.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...