Astrophel’s POV
Hanggang ngayon hindi pa rin kami tinitigilan ni Danica. I kept in contact with Midnight kasi baka kapag nalingat ako may gawin na si Danica sa kaniya. Tinutulungan din kami ng mga kaibigan namin na matapos ang gulong ginagawa ni Danica. I am not showing to Midnight that I am hurt every time she was called names. Ang sakit na marinig na tinatawag siyang ‘kabit’ at iba pang hindi appropriate na salita. She doesn’t deserve to be treated like this. I know these things are taking a toll on her. We both are trying hard to be strong for our relationship.
“May balita na ba kay Dean Gray, Astro?” tanong ni Paul.
“Wala pa. Iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon,” sagot ko.
“Ilang linggo na kayong nakakatanggap ng threats hindi pa rin sila tapos na mag-imbestiga?” sagot ni Peter.
Papunta na kami ng architecture building dahil lunch na. Pagdating namin sa building ay nagkaroon ng komosyon. Agad kaming tumakbo papunta roon dahil sigurado akong may chance na si Midnight iyon. Dahil kami ang hot topic sa university ngayon.
“Ito pala ‘yong kabit ni Astro eh,” saad ni Nissa. Siya rin ang nagkulong kay Midnight noon sa gym.
“I’m not Astrophel’s mistress. If I am a mistress then why would I be living with him for quite some time now together with his parents? Huh?” Midnight answered coldly.
Kitang-kita sa mukha ni Nissa ang inis at pagkagulat. Wala siyang nagawa kundi umalis na lang dahil sa pagkapahiya. May katabi si Midnight na babaeng makapal ang salamin at maraming bitbit na libro. Hindi lang niya pinansin ang sinabi ni Nissa at tinulungan na magpulot ng gamit.
“Ayos lang kayo?” tanong ko.
“Ayos lang po ako. Ate, Kuya, salamat po!” sagot ng babae.
“Pumunta ka na sa next class mo. Pabayaan mo ‘yang mga babae na ‘yan,” sagot ni Midnight.
Agad namang umalis ang babae sa gitna ng kumosyon. Hinila ko na rin paalis ng building si Midnight.
“Ayos ka lang, Mako? Hindi ka ba nila sinaktan?” saad ko.
“Hindi. Bago pa siya makalapit sa akin bali na mga buto niya,” sagot niya.
Dumiretso na kami sa cafeteria. Just like the other days people are looking at us like we’re aliens. Sa isang gawi ng cafeteria ay nakita ko ang grupo nina Nissa na nagbubulungan habang nakatingin sa gawi namin. Makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na rin ang grupo nila Apollo. He has this arrogant smile while looking at me.
“Mukhang hinahamon ka,” bulong ni Paolo.
“I think he also has something to do with this,” sagot ko.
Naputol lang ang pag-uusap namin ni Paolo tungkol kay Apollo nang tawagin ako ni Midnight. “Mako, order na tayo.”
Tumango lang ako sinabi ang gusto kong order. Nang makuha namin ang order ay dumiretso na kami sa table na ni-reserve nila Josh at Abi. Wala si Rhea dahil absent siya ngayong araw.
“Astro, kumusta na kayo? We heard about the dorm incident,” saad ni Josh.
“Well for the mean time nasa bahay namin si Midnight nag-s-stay kasi ayoko siya pabalikin sa dorm. Worst things might happen while I am away,” sagot ko.
“Hindi naman kayo nasaktan?” sagot ni Abi.
“No. My reflexes are fast kaya nakaiwas kami sa mga bubog,” sagot ko.
Parang hindi ko malasahan ang kinakain ko dahil hanggang ngayon ay nararamdaman kong may nakamasid sa amin. Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong nakangisi si Apollo at Danica pagkatapos ay may binulong si Danica rito. Saka bigla silang naghalikan sa harap ng maraming tao.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...