CHAPTER 8: A HUG LIKE HOME

7 1 12
                                    

Midnight's POV

A month had passed. Napakaraming nangyari. Mukhang may big event na mangyayari the following weeks after finals. Malapit na matapos ang first semester kaya nagkukumahog na ang lahat na magpasa ng plates. Humahabol sa mga grades nila dahil baka mag-drop out. Mabuti na lang ako at nagagawa ko lahat on time. Wala na akong poproblemahin.

"Midnight!" tawag ni Apollo. Palapit siya sa akin at mukhang galing sa training dahil jersey pa ang suot niya.

"Ano?" sagot ko.

Nasa hallway kami ngayon dahil lunch break.

"Ano ginawa mo roon sa color wheel?" sagot niya.

"From light to darkest shades. Using color pencil," sagot ko.

"Eh doon sa dream house?"

"Syempre 'yong dream house ko." Minsan napapaisip ako kung may common sense pa ba 'tong kausap ko o wala.

As usual pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Sa isang buwan kong pamamalagi rito kasama ang tao na ito ay nasanay na akong pagtinginan kami at pagbulungan. I can't understand why they keep spreading rumors. Para silang mga immature brat. Nang makababa kami ay nakita ko si Astrophel na may dalang lunch namin.

"Mauna na ako, Apollo! Nandiyan na 'yong kasabay ko eh! Bye!" Kumaway pa ako sa kaniya bago lumapit kay Astrophel.

Hindi naman na sumagot si Apollo at naglakad na lang papunta sa canteen.

Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Astrophel. Isang buwan matapos niya akong bigyan ng sandwich ay araw-araw na siyang gumagawi rito sa architecture department dahil nagdadala siya ng lunch naming dalawa.

"How's your day so far?" he asked.

"Maraming exams. Buti nga natapos ko 'yong research before deadline. Umabot naman ako," sagot ko.

Nagpunta na kami sa garden ng school. May mga umbrella rito na pwedeng kainan. Ayaw niya kasi sa matataong lugar saka maingay. Maganda rin dito dahil mahangin. Hinain niya na ang dala niyang pagkain.

"Isang buwan ka nang nagdadala ng pagkain sa akin. Hindi naman ako prisoner. 'Yong totoo, nanliligaw ka ba ng hindi ko alam?" wika ko.

"Bakit? Kailangan ba ng permission para manligaw?" sagot niya.

"Malay ko! Ikaw 'tong may experience sa atin eh!" sagot ko.

Wala naman akong experience sa ligaw na 'yan. I had crushes before but I didn't have the chance to confess kasi mas pinili kong mag-aral ng mabuti para makakuha ng mataas na grades. But by his actions ganito 'yong mga nababasa ko sa books and some research say this can be a love langguage. Showing affection and giving efforts to someone can be a love langguage.

"What if... I am?" he answered.

"Hindi mo pa nga sinasabi eh. Alam ko 'yong katagang actions speaks louder than words pero paano kung ganito ka rin sa iba? Edi magmumukha akong assumera," sagot ko.

"Maybe one of these days?" he laughed.

Napailing na lang ako sa kaniya at nagsimula na kumain. Pagkatapos namin kumain ay hinatid niya na ako sa building namin.

"Good afternoon, students. Afternoon classes are cancelled due to the announcement at gym. Please proceed to the gym. Thank you," the speaker said.

Um-attend muna ang lahat sa last class bago pumunta ng gym. Mag-isa na lang akong pumunta sa gym dahil nauna na 'ata si Apollo. Nang makarating ako ay hinanap ko kung nasaan ang mga ka-block ko. Umupo na lang ako sa tabi ni Rhea. Medyo ka-vibes ko ito at once ko na siyang naging kagrupo sa isang group work. Hindi rin matanaw ng paningin ko si Apollo. May mga officials na na umakyat sa stage. Nakita ko si Astrophel sa harapan. Mukhang siya ang president ng business management department.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon