Midnight's POV
After the canteen incident kahapon ay parang balik sa normal ang lahat. Iisang topic pa rin ang pinag-uusapan nila. Si Astrophel at Danika. Para namang mga artista ang dalawang 'yon kung pag-usapan.
"Guys, pwedeng ibang topic naman? Rinding-rindi na ako sa love story ni Astrophel at Danika eh!" reklamo ko.
Bukod sa alam ko na kung ano 'yon eh, paulit-ulit na lang kasi sila. Sa tuwing naririnig kong pinag-uusapan nila ang past ni Astro at Danika naiinis ako kasi naalala ko 'yong ginawa ni Danika sa kaniya. Astrophel is a loving boyfriend to her pero nagawa niya 'yon sa kaniya.
"Ganoon talaga, 'Te! Masanay ka na dahil bumalik na ang reyna ng UB," sagot ni Abi.
"Reyna? What the freak? Ewan ko sa inyo. Hindi naman kailangan ng reyna ang eskwelahan na 'to. Kaya nga pumasok sa eskwelahan para matuto eh, hindi para magmalaki!" sagot ko.
"Huwag na kasing si Danika at Astro pag-usapan natin! Nalalapit na pala 'yong college ball!" excited na saad ni Rhea.
Oh, I forgot about that ball. Puro si Astrophel na lang kasi ang laman ng isip ko eh. Simula noong malaman ko ang past niya lalo akong nahulog sa kaniya. Kasi sa kabila ng ginawa sa kaniya ni Danika pinili pa rin niya 'yong itago sa mga tao. Ayaw niyang magbago ang pagtingin nila rito dahil sa maling choices ng babae. Kaso sa pagpili niyang itago 'yon ay naging mapagmataas ang babaeng pinoprotektahan niya. Hindi ko rin naman masisi si Astro dahil minsan niyang minahal ang babae. May natitira pa naman siyang respeto para rito at 'yon ang lalong nagpahulog sa akin. Naglaho na sa kaniya ang galit pero 'yong lungkot, self-doubts, at trauma ay nasa kaniya pa rin.
"Earth to Midnight!" saad ni Apollo na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ha?" sagot ko.
"May isusuot ka na raw ba?" saad niya.
"W-wala pa. Aayusin ko pa mamaya," sagot ko.
"May ma-re-recommend akong mananahi. Malapit lang dito sa school!" saad ni Abi.
"Hindi na. Kakausapin ko na lang 'yong mom ko tungkol d'on. Don't worry about me," sagot ko.
"Balita ko kailangan daw ng date roon!" saad ni Josh.
"Date?!" sagot ni Rhea.
"Sus! Hindi na namin kailangan ni Midnight ng date!" sagot ni Abi.
"Ay truth!" sagot ko.
"Nako, Abi! Huwag mo nang idamay sa pagiging single mo si Midnight! Andiyan naman si Apollo para i-date siya!" sagot ni Rhea.
"Sinasabi mo 'yan kasi siguradong aayain ka nitong si Josh!" sagot ni Abi.
"Aba syempre naman! Hindi ko hahayaang nag-iisa Love ko!" sagot ni Josh.
"Tigilan mo nga kami sa kalandian mo, Josh!" saway ni Apollo sa kaniya.
"Sinasabi ko lang kasi baka mamaya may magtangka pang mag-aya sa kaniyang maging date!" sagot ni Josh.
Maganda talaga si Rhea. Maputi siya dahil sa klima, ang mata niya palaging kalmado kung titingnan,sobrang kalmado rin ng boses niya at matalino pa. Kaya hindi malabong may something sa kanila ni Josh. May kakaiba sa tinginan ng dalawa na 'yon. Palagi rin silang magkasama pagkatapos ng klase namin kaya hindi na ako magtataka kung malalaman kong sila na. Saka todo bakod si Josh sa tuwing may lalapit na lalaki kay Rhea. Minsan natatawa na lang kami kapag nagpapatay malisya siya.
"Yuck! I'd rather go there alone kung ito lang makakasama ko! Gusto ko pa mabuhay! Magpupunta pa akong Korea para makita ang Stray Kids!" sagot ko.
Baka mamaya habang nagsasaya sila roon eh nalason na ako dahil sa kagagawan ng mga fan girls ni Apollo. Mabuti nang maging maingat at baka mamaya eh umuwi ako sa Manila ng nakakabaong.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...