Midnight's POV
It has been awhile since I felt the city breeze of Baguio. Kakaiba ang lamig ng hangin rito and it's nice to be back at home. Hinatid ko sina Mommy sa hotel nila Astro at ako naman ay nagpahatid sa dorm ko. Para ma-declutter ko na ang mga pinamili ko. Habang nag-de-declutter ako ng mga pinamili ko ay hiniwalay ko na ang ibibigay kong mga damit kay Amaris. Napagkasunduan kasi namin ni Astro na after ng tour namin ay didiretso kami sa kanila para mag-dinner doon. Ganoon din kasi ang naging suggestion sa amin ni Mamita kaya pumayag na kami. Na-miss niya na rin daw kasi ang Lola ni Astro kaya excited siyang dumalaw sa kanila. Nahinto ako sa ginagawa ko nang may kumatok sa pinto ng dorm ko. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok.
Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap galing kay Astrophel.
"I miss you, Mako..." he whispered.
Nang makabawi sa pagkagulat ay ginantihan ko rin siya ng yakap.
"I miss you too!" I answered.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ang noo ko. Pumasok na kami sa loob ng dorm ko. Makalat ang sala dahil sa mga pinagbibili kong mga kung ano-anong gamit para magbigay buhay rito.
"Pasensya ka na makalat. Alam mo naman?" saad ko.
"Ayos lang. Tulungan na kita," sagot niya.
Tinulungan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit at sa pagtanggal ng mga damit na nasa maleta ko. Napunta ang tingin niya sa long sleeves niyang isinuot ko nung dinner namin kasama sila Mommy.
"Keep that, it looks good on you," he said.
"Ikaw ah! Baka mawili ako nito at simutin ang mga damit mo sa bahay niyo!" biro ko.
"I won't mind if we share clothes..." he answered.
Agad na pumula ang pisngi ko sa narinig kong sagot niya. Para naman kasing hindi big deal ang pagpapahiram ng damit sa kaniya. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit ko ay naghanda na ko sa pagbalik sa hotel para naman sunduin sila Mommy. After taking a bath and changing clothes ay inaya ko na siya na pumunta sa hotel.
"Saan mo ba sila balak dalhin muna?" he said.
"Kain muna sa hotel and then punta tayo ng Mines View Park. Doon ko muna sila dadalhin. It is a special place for us din kaya," sagot ko.
Nakita ko ang pasimple niyang pagngiti habang nakatingin sa daan. Hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha niya. Kanina pa siya hawi nang hawi sa buhok niya kasi nahaharangan 'yong mukha niya. Mababangga pa kami sa ginagawa niya eh. I can't lie but he looks so attractive when he does that... My mind is playing with me again.
"Bakit naman kasi hindi ka nag-pony ng buhok? Hirap ka tuloy mag-drive," saad ko.
"Nakalimutan ko magdala ng panali," sagot niya.
"Sa susunod lubid dalhin mo para hindi ka nauubusan," sagot ko.
"Sorry na, Mako. Huwag na mainit ulo. Kauuwi mo lang mainit na ulo mo," saad niya.
He looks cute every time he pouts his lips. Ganiyan siya kapag nararamdaman niyang magtatampo na ako pero paano ako magtatampo kung hindi pa nga sinusuyo na ako?
Nang makarating kami sa hotel ay nag-text na ako kay Dad na nandito na kami.
Dad:
We are at the restaurant. Punta na lang kayo ni Astrophel dito.
Me:
Ok.
"Nasa restaurant daw sila Dad. Saan ba 'yon?" Binulsa ko na ulit ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...