CHAPTER 18: MUTUAL

9 2 10
                                    


Midnight's POV

Katulad nga ng sinabi niya kahapon ay gumising ako ng maaga para mag-ready sa date 'ata namin ngayon. According to him we will go to church and attend mass. Hindi ko alam bakit sa church niya ako inaya magpunta. I'm still thinking about the real reason why he wants to attend the mass with me but it's a good thing because ngayon lang ulit ako makadadalo sa misa. 'Yong misa ng pari dahil hindi naman kami madalas gumagawi sa simbahan bilang pamilya. Hanggang linggo kasi ay nagtatrabaho sila Mom. Pero growing up, Mamita would take me to church every Sunday and go to the mall just like the typical family.. I know that Sunday is family day so I don't know why Astro wants me to be with him for today. Nevertheless I think he asked permission for this. I will enjoy this day cause tomorrow we'll be back to school and spend the last week of first semester.

I wore a nice white flower printed dress and a white sneakers. Wala naman akong doll shoes dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Ang hilig ko ay mga rubber shoes. Bumaba na ako sa lobby, doon ko na lang siya hihintayin. Habang naghihintay sa kaniya ay nag-scroll na lang ako sa gallery ko sa phone. Nakita ko ang mga pictures namin na kinuha kahapon at ang isang picture na nakatawag ng atensyon ko sa gallery. It is Astro but his face is covered by the three roses and looking at the scenery. Pasimple ko siyang kinuhanan ng picture kahapon. I think this picture will be a great photo to post on Instagram. So I opened the app and put a caption mentioning him in the story.

'Thank you for the roses @LucienGray'

After posting it I decided to put my phone back inside my bag. After few minutes of waiting ay nakita ko na siyang papasok sa lobby na may dalang kape at isang paper bag mula sa Starbucks. Agad siyang lumapit sa akin nang makita akong naghihintay sa kaniya.

"Good morning! I bought you coffee. Naisip kong baka hindi ka pa kumakain kaya binilan na kita." Inabot niya na sa akin ang kape at ang paper bag.

"Thank you! Kakainin ko na lang ito sa biyahe. Tara na at baka ma-late na tayo sa mass," sagot ko.

Lumabas na kami sa lobby at dumiretso sa parking. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya sumakay na ako. Sinarado ko na ang pinto at siya naman ay umikot na papunta sa driver's seat. Binuksan ko na ang kape at ang cookies. Mahilig din ako sa caffeine dahil natutulungan ako nito sa mga late night study sessions ko.

"By the way, hindi ka ba pinagalitan ng parents mo kasi ako kasama mo today?" tanong ko.

"Hmmm, hindi naman. Kilala ka naman nila eh," sagot niya.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sagot ko.

"Oo. Kung hindi ako ang nagkukwento, si Amaris. Siya ang madalas magkwento tungkol sa 'yo," sagot niya

"Mahal na mahal talaga ko ni Amaris! Bigla tuloy ako nahiya kasi kasama ko na kayo kahapon kasama pa kita ngayon."

"Hindi naman sila nagalit. Gusto nga nilang kasama kita eh. Saka kasama nila si Amaris ngayon. Magsisimba rin sila ngayon pero sa ibang church muna dahil nandoon 'yong orphanage na tinutulungan ng company namin."

"Uy, kapag naging free ulit tayo punta tayo roon!" sagot ko.

No wonder that they are both good and well mannered dahil naturuan sila ng maganda ng parents nila. Gusto ko tuloy makilala ang parents niya dahil mukhang mabait naman sila base sa kwento niya. Naubos ko na ang coffee bago kami makarating sa church. Sakto naman na nang makarating kami ay papasok pa lang din ang mga tao. Nag-park muna si Astro saka kami bumaba. Katulad noong una naming pagpunta rito ay sinalubong ulit siya ni Sister Linda.

"Nandito ulit kayo, maligayang pagbabalik, Astrophel!" bati ni Sister Linda.

"Salamat po, Sister. Kumusta po kayo?" sagot ni Astro.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon