CHAPTER 15: DISTANCE

10 0 0
                                    

Astrophel's POV

We already finished dinner at nandito kami sa isang park malapit sa restaurant na kinainan naming. We're just chilling and watching the stars shine. Kanina pa siya nakatingin sa langit. Kapansin-pansin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing nakatingin doon. Walang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon at ang hanging pang-gabi. After a phone call from her father she became silent and deep in thoughts.

"Hey, what's the matter?" I said to break the silence.

"None..." sagot niya.

Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi. Siguro ay hindi pa siya handang sabihin ito sa akin. I don't want to force her to say something when she's not yet ready. I badly want to ask her about why she's gloomy but I don't want to interfere with her life. Hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala at ayokong maging uncomfortable siya sa akin.

"Astro, sa tingin mo ba iniisip pa rin nila ako?" she said.

Natahimik ako at nangangapa ng sagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat bang sabihin. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya nang diretso.

"I will never know the right answer for that but I know they're always wishing that you're fine, and eating well. I know that every day they wish for your safety and for your success," sagot ko.

Alam kong walang magulang ang gugustuhing mapahamak ang anak nila. Hindi nila kailanman hihilingin ang kapahamakan nito kahit na gaano pa kalamig ang kanilang pakikitungo sa kaniya. There would be days that they silently want to call her but they don't know how to approach her.

She just gave me a small smile that never reached her eyes and glanced back at the sky. She might be thinking about what I said. Alam ko namang malayo ang sinabi ko sa sitwasyon niya ngayon. I want to help her ease that negative thinking but I think it only adds up on her plate.

"Really? You think so?" she answered.

"Yes. Ang layo mo kaya sa kanila. Syempre walang araw na hindi ka nila inisip," sagot ko.

"But why can't they be happy about my choice? Why can't they let me be? I'm afraid that one day when I wake up wala na sa akin 'yong course na pangarap ko. I'm afraid to fail, Astro..." she said as tears fall down her eyes.

Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Mahina kong tinapik ang kaniyang balikat upang mapakalma siya. She's under pressure right now and she's anxious about her grades this sem. Papalapit na kasi ang labasan ng grades at sigurado akong makakarating agad iyon sa parents niya with just one call.

"Don't be afraid. You can always stand up for your dream and for your goal. You cannot always be in their shadows and you can't force yourself to do the thing you don't want to. Sa tingin mo ba you will do good if everything is forced? If everything is demanded," Kumawala siya sa aking bisig.

"No... It is easy for you to say that because you grew up in a loving family and they always support you with everything you do. While me... While me, everything needs to have a high grade in order to be deserving of their attention. I always need to do my best to have their time. I need to be someone who is worthy of our name. Worth to be Agnello..." she answered.

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Sobrang sakit na siguro para sa kaniya tinatanggihan na niya na ang mga taong gusto siyang suportahan. Sa huli ay napagdesisyonan kong ihatid na lang siya sa dorm niya upang makapagpahinga na. Sigurado akong gusto niya na rin ipahinga ang isipan niya.

"Good night... Just call me when you want to talk to someone, okay?" bilin ko.

"Thank you. Ingat ka," sagot niya.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon