Midnight's POV
The day we've all been waiting for came. The day of the college ball. Nagpadala pa talaga ng make up artist from Manila si Mamita. Sabi kong hindi na pero nagpumilit pa rin siya. Ngayon ay nakaupo na ako sa make-up chair nila. Inaayusan nila ang mukha ko at ang buhok ko. I asked them to put only light make up dahil may ipapatong na mask. Excited ako sa ball dahil hindi ko ito na-experience noong high school. Walang ball ang school namin dahil sa hindi ko malamang dahilan.
After finishing my make up and hair, tinulungan ako nila Ate na isuot ang gown ko. Ang napili kong gown ay ang suggestion ni Astro. Pakiramdam ko ay mas bagay ito sa akin. Kahit may kalamigan ang hangin ay pinakapal naman ang tela ng gown.
Astrophel Lucien Gray calling...
Agad ko itong sinagot. Kanina pa siya tumatawag hindi ko masagot dahil inaayusan pa ako.
"Hello?" I said.
"I'm waiting for you outside your dorm. Labas ka na lang kapag tapos ka na," sagot niya.
"Sige. Inaayos ko na lang naman yung bag ko," sagot ko.
"Take your time. I'll wait for you. Hindi naman ako nagmamadali," sagot niya.
"Sige na. Tatapusin ko lang ito. Bye!" Binaba ko na ang tawag.
Nilagay ko na ang mga necessities ko sa black envelope clutch bag na ka-patner ng damit ko.
"Thank you po, Ate Arriane," saad ko sa nag-make up sa akin.
"You're welcome! Enjoy the college ball!" sagot niya.
"Thank you, Nicka!" saad ko.
"You're welcome!" sagot niya.
Inayos na nila ang mga gamit nila saka lumabas na ng kwarto ko. Nagpaiwan muna ako rito upang makita ang sarili sa salamin. Tiningnan ko ang sarili ko sa full sized mirror sa kwarto. The black glittery spaghetti gown fits my body perfectly. It makes my beauty stand out. Simple lang ang make up ko at ang hairstyle. Simple yet elegant. Nang ma-satisfy na ay lumabas na ako ng kwarto ko.
Sinigurado ko munang wala nang nakabukas at nakasaksak na kuryente bago lumabas. Nang makalabas ay bumungad sa akin ang naghihintay na si Astrophel. Para akong nakakita ng isang prinsipe na sinusundo ako. The suit fits him well. Nadepina ang body frame niya. Hindi siya mukhang 18 years old sa itsura niya ngayon. Sobrang mature ng itsura niya. His hair is not the usual bun he has. It is curled in the end and separated in half. Para siyang mafia boss na lumabas sa libro. Mafia boss with a soft features.
He welcomed me with his warmest smile. One of the things I admire him. His smile. Ang ganda ng ngiti niya na mahahawa ka talaga. Alam mong masaya siyang kasama. Patuloy lang kami sa pagtitigan dalawa. Parehong walang masabing salita.
"C-Can I take a picture of you?" he said.
"Ha? P-Picture?" sagot ko.
"Yes, picture. Is it fine? If this makes you uncomfortable it's fine to say no. Hindi ako magagalit. Hindi dapat kita pilitin sa hindi mo gusto," he answered in all smiles.
Just by thinking of the thought that I have a picture of myself in his phone makes me blush. Nahihiya kong tinakpan ang mga pisngi ko. Baka mamaya mahalata niyang kinikilig ako. Wala pa man ay nagwawala na ang mga animal sa tiyan ko. Hindi ko masabing paro-paro dahil understatement ang 'butterflies in the stomach' ang pinadadama niya. Pati ang puso kong para nagpapalpitate sa sobrang bilis.
"Don't cover your cheeks. It adds up on your beauty when you're blushing," he complimented.
"Hu! Gusto mo lang makakuha ng picture ko eh!" biro ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...