CHAPTER 10: PAST

7 2 7
                                    

TW: Cheating Issues

Midnight's POV

It's already 9:30 pm and I can't sleep. Wala naman akong deadline na plates dahil malapit na 'yong foundation day. All classes are cancelled to give way for the big event. Natapos na sa decorations ang department namin kaya halos lahat ay nakatambay na lang sa school. Required pa rin naman pumasok dahil sa attendance. Hindi pa rin ako kino-contact ni Astro hanggang ngayon. Kanina ay hinatid niya ako rito sa dorm at umalis na rin dahil susunduin niya raw si Amaris. Hindi na siya nag-text sa akin na nakauwi na siya. Hindi ko naman tinatawagan dahil baka busy sa assignments niya. Napailing na lang ako, masyado na akong nag-iisip sa lalaki na 'yon. Tinuloy ko na lang ang painting ko habang nakikinig ng music. Dito ko sa balcony ng dorm napiling mag-paint dahil talagang maganda ang ambiance at malamig ang hangin. I am painting a scenery of city lights. The cold breeze and coffee compliments the vibes. Ang tagal ko ring hindi nakadama ng sariwang hangin kasi ang daming plates na kinailangan kong tapusin.

Unti-unti ay nahahanap ko na ang purpose ko. Mas nakikilala ko ang sarili ko sa bawat araw na nagdaan. After this semester I will find a job so that I can start saving from my own money. Para hindi ko na kailangan maghintay ng isang buwan sa padala nilang allowance. Alam kong palaging busy si Mom and Dad kaya I need to do some efforts para magkaroon ng sarili kong pera. I can also do art commissions after this sem for extra income. Nahinto ako sa paglalagay ng kulay nang tumunog ang ipad ko.

Iris Niña Martinez calling...

Sinagot ko ang tawag. Siya talaga ang Marites ng buhay ko. Siguradong kukumustahin na naman nito si Astro katulad ni Mamita. Kada tawag eh si Astro ang bukang-bibig. Minsan nga ay nagtataka na ako kung ako pa ba ang apo ni Lola at kaibigan ni Iris eh.

"Hello, Misha ko!" bati niya.

"Naku, ayan na naman tayo sa endearment na 'yan. Alam ko na 'yan. Kukumustahin mo lang naman si Mr. Manner Hands!" sagot ko.

"Ikaw naman. Todo bakod ka! I called you kasi na-mi-miss na kita. Gusto kitang makasamang mag-study date tutal wala ka namang date riyan. Or you want me to go there para may kayakap ka naman?"

"Hindi ko siya binabakuran 'no! I also miss you. Kumusta ba riyan sa Manila?"

"Ayon, traffic pa rin."

"S-sila Mom and Dad? How are they?" I suddenly ask.

Kahit wala kaming proper communication sa bahay noon ay hindi ko pa rin maiwasang isipin sila. Sila ang hindi ko madalas makausap dahil sa schedule. Hindi naman ako masyado nag-aalala kay Mamita kasi halos araw-araw ay kinukumusta niya naman ako.

"Ever since you left they never failed to ask how are you when I visit them. 'Yon ang bilin mo 'di ba? Bisitahin ko sila paminsan-minsan."

Tumango ako. "Eh ikaw kumusta ka naman? May manliligaw ka na ba?"

"Wala! Kulang na lang ay jowain ko ang microscope at iba't ibang bacteria eh!" natatawang sagot niya.

"Baka bacteria talaga ang para sa 'yo!" biro ko.

"Ang sama nito! Porque nag-date kayo ni Mr. Manner Hands last time ganiyan ka na ah!"

Namula ako sa kaniyang sinabi. Agad kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan. Alam niya talaga paano ako dadalihin.

"Ano na bang progress niyo ng lalaki na 'yon?" sagot niya.

"We're friends. Umamin na ako sa kaniya tungkol sa feelings ko but I think hindi pa siya ready to open his heart for another girl."

"Really?" hindi makapaniwalang sagot niya.

"Yeah. We're getting to know each other better," sagot ko.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon