CHAPTER 22: REUNITED

12 0 0
                                    

Midnight's POV

It has been a week since Astro left and got back to Baguio. Bago siya umalis ay pinaalala niya sa akin ang gusto ko at kahit na malayo siya ay nakasuporta pa rin siya sa akin. Until now I am still gathering some courage to speak with Mom and Dad about that topic. Nag-decide na rin akong bumalik na lang muna sa bahay namin para makapag-usap. Hindi ko sinabi ang tunay na dahilan kung bakit gusto kong bumalik sa bahay namin kay Mamita kasi baka sabihan niya si Dad at Mom. I want everything to flow naturally between us and will not be awkward. So this morning I decided to wake up early and buy some ingredients for their favorite food. Ipagluluto ko sila ng dinner kasi baka umepekto ang lasa ng pagkain na niluto ko upang masabi ko ang gusto kong sabihin sa kanila. I will cook steak for Dad and paella for Mom. Sabi ng maid na kasama nila ay madalas daw na alas otso ng gabi sila umuuwi rito sa bahay kaya 4 pm pa lang ay sinimulan ko na ang pagluluto.

"Ate, okay na po ba 'yong pinahihiwa kong ingredients?" tanong ko kay Ate Nila. Isa siya sa mga maid na kasama nila Mom at Dad dito sa bahay bago ako umalis. Hindi naman na sila nagdagdag pa dahil dalawa na lang naman sila saka sabi niya ay madalas silang kumakain sa labas kaya hindi na sila naghahapunan dito.

"Ah, oo, Midnight. Tapos na," sagot niya.

"Salamat po!" sagot ko.

Sinimulan ko na magluto ng paella dahil matrabaho ang pagkain na ito. Mas matrabaho pa 'to sa steak na paborito ni Dad. I asked prior sa secretary nila kung meron ba silang schedule ngayong gabi and sabi niya ay wala raw. Kaya sigurado akong maaga sila makakauwi ngayon dahil kaunti lang ang trabaho. Nang maluto na ang paella ay sinunod ko ang pag-ma-marinate ng steak para mas lumasa. After marinating the steak ay ginawa ko na ang buko pandan na favorite dessert naming tatlo. Nilagyan ko ito ng sago dahil paborito ni Mom ang buko pandan na may sago. After all the kitchen work ay naligo na ako at nagbihis ng maayos upang maging presentable ako sa harap nila.

I just waited for them in the living room. A few moments later narinig ko na ang pagdating ng isang kotse at ang tunog ng takong ni Mom. Weird but I know them for their steps. When it is heavy, it's Dad and when it's heels clicking it's Mom. Hindi nga ako nagkamali dahil nang bumukas ang pinto ay sila ang iniluwa nito. Nakahawak si Mom sa braso ni Dad at parehong mukhang pagod galing sa trabaho.

"Mom! Dad!" I ran and hugged them. Na-miss ko silang yakapin. Matagal na rin nang huli ko silang mayakap. Sana sa yakap kong ito ay naibsan ang pagod nila.

"M-Midnight! We thought you were staying with Mamita?" Dad said when I let them go.

"Gusto ko po kasi na makasabay kayo ng dinner. Malapit na po ako umalis and I don't want to miss the chance to have dinner with you guys. Magbihis na po kayo. Lulutuin ko na 'yong steak mo, Dad!" I answered.

"Sige, anak. Hintayin mo kami rito." Nauna nang umakyat si Dad kaya naiwan kami ni Mom dito.

"Thank you for preparing us dinner, anak. Dalaga ka na talaga..." saad ni Mom.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit bilang sagot at para na rin maparamdam ko ang pagmamahal ko sa kanila na matagal kong hindi naipadama sa kanila.

"Sige na po, Mom, magbihis na po kayo para makakain na po tayo," sagot ko.

"Huwag ka aalis agad ah..." sagot niya na para bang mawawala ako kapag umalis siya.

"Hindi po, Mom. Nandoon lang ako sa kitchen, pinagluto ko kayo ng paella na favorite niyo!" sagot ko.

Sumilay naman ang masayang ngiti sa kaniyang labi. Umakyat na rin siya upang magbihis at ako naman ay pumunta na sa kusina para lutuin ang steak ni Dad at painit ang paella.

After setting the table ay saktong pagbaba nila at pagdating sa dining area. Binati sila ni Ate Nila at ng dalawa pang maid na si Ate Kaye at Jem.

"Mom, Dad, this is our menu. Paella and steak. 'Yan po ang naisip kong lutuin para sa inyo," saad ko.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon