Astrophel's POV
I'm not happy these past few days because of the freaking incident with Danika. Hindi ko na nakikita si Midnight dahil doon. Isang linggo na rin akong text nang text sa kaniya para kumustahin siya pero hindi siya sumasagot. Mukhang pinanindigan niya talaga ang pagiging distant sa akin. I can't take it anymore but I need to endure it. Kailangan ko magtiis dahil gusto niya ng space hindi naman pwedeng palagi na lang akong nakabuntot sa kaniya. I just suit myself watching her with her friends. Kasama niya palagi si Apollo pero katulad ko may distansya na rin siya sa lalaki dahil din sa insidente.
"Astro, anong meron sa inyo noong partner mo?" Tinuro pa ni Paolo ang table nila Midnight.
"Friends," sagot ko.
"Sure ka?" sagot naman ni Peter.
"Oo naman! Bakit?" sagot ko.
"Bakit parang malapit ka nang tumayo riyan sa upuan at sugurin si Apollo?" sagot ni Paul.
Napailing na lang ako at tinuloy ang pagkain ng lunch ko. Hanggang sa matapos ang lunch ay nakasubaybay lang ako sa kaniya. Nag-text na rin ako ng afternoon message ko sa kaniya. Bumalik na kami nila Paul sa building Business Management. Medyo malapit lang ito sa Architecture building kaya kahit uwian ay nakakasulyap pa rin ako sa kaniya. Habit ko na nga ang tumambay araw-araw sa lobby ng dormitory nila. Maya-maya lang ay susunod na ako sa kaniya. Palaging nauuna ang paglabas namin kesa sa kanila. Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong nag-ayos ng mga gamit ko at lumabas na ng room.
Tumunog na naman ang cellphone ko dahil may tumatawag na naman. Ang unregistered number na naman na 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang sagutin na lang siya. Noong isang araw pa ito tawag nang tawag, hanggang hating-gabi yata eh nagtatawag. Hindi nauubusan ng load ang gumagamit.
"Hello?" saad ko.
"Finally, you answered Love!" boses ni Danika ang sumagot. Sinasabi ko na nga ba, siya ang nasa likod ng numero na 'to.
"What do you want? Please nakakadiri pakinggan 'yan! Lahat na lang ba, Love ang tawag mo?" sagot ko.
I didn't mean to disrespect her but that endearment reminds me of her infidelity. Hindi ko maatim na pakinggan iyon dahil bumabalik lahat ng ala-ala ng kataksilan niya. It was a sweet word for me but after what she had done to me. It was the word I don't want to hear and I don't want to be my endearment. Lahat ng kalokohan niya ay bumabalik sa isip ko. Instead of those sweet times with her I always remember how she made me feel worse at myself.
"Love naman! Parang hindi naman natin ito naging endearment!" sagot niya.
"You know what? Just tell me what you want and I'll give it to you. Para tigilan mo na ako," sagot ko.
"Let's meet at the cafe near the school," sagot niya.
"Okay." Binaba ko na ang tawag.
Dumiretso na lang ako sa cafe na sinabi ni Danika para matapos na itong kabaliwan niya. Hindi na ako nakadaan sa dormitory dahil sa kaniya. Aayusin ko muna ito para makalapit na rin ako kay Midnight.
Pagdating ko sa cafe ay nakita ko siyang nakaupo sa table malapit sa entrance ng cafe. Dumiretso ako sa table kung nasaan siya. Her small smiles became wider when I sat in front of her. If I was Astrophel before, my heartbeat would be faster than usual because that's one of her traits that I liked about her but now I feel nothing. She's just like a normal person in front of me and nothing special. Nag-aalab lang ang galit sa akin dahil nakakaya niyang ngumiti kahit na may nasaktan siyang ibang tao, kahit na may naperwisyo siyang iba.
"You're happy because you ruined someone's reputation," I said.
"Yes. Finally masosolo na kita!" she answered like she's not ashamed of what she had done.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...