CHAPTER 12: UNEXPECTED

19 1 13
                                    

Astrophel's POV

Kahapon ay lumuwas kami ni Midnight para masukatan ng isusuot namin sa college ball sa Wednesday. Friday night when we left Baguio and we're staying at her grandmother's house. Bumaba na ako upang magluto sana ng breakfast nang abutan ko si Midnight at ang kaniyang Mamita sa hapag kainan.  Naghahain si Midnight kasama ang mga kasambahay kaya tumulong na rin akong maghain sa kanila.

"Astro, maupo ka na. Ikaw ang bisita namin kaya ikaw dapat ang pinagsisilbihan," saad ni Mama Agness.

She wants me to call her Mama Agness or Mamita so that she will not feel her age. Hindi pa naman masyado matanda ang lola ni Midnight. I think she's around sixty because of her face. Para lang siyang fifty years old dahil hanggang ngayon ay makinis ang balat niya sa kabila ng katandaan. Magkamukha sila ni Midnight na may maputing kutis at bilugan na mata.

"Nako, Mamita. Siya nga ho ang bisitang ikaw pa ang pagsisilbihan. Sinabihan ko na po 'yan last time pero sabi niya hindi raw po siya pinalaki ng magulang niya para pagsilbihan," sagot ni Midnight sa kaniyang lola.

Sabay na kaming umupo ni Midnight. Katabi niya ang kaniyang lola sa kaliwa at ako naman ay sa kanan.

"Let's eat! Maaga pa kayo sa appointment niyo sa designer!" Mama Agness said.

"Let's eat!" sagot namin.

Sumandok na ako ng pagkain ko at pagsasandok sana si Midnight nang kunin niya sa akin ang sandok ng kanin. Siya na ang nagsandok para sa sarili. Napangisi na lang ako at saka umiling.

"Ijo, kumusta naman itong apo ko sa school?" tanong ni Mama Agness sa akin.

"Ayos naman po. Marami na po siyang mga kaibigan doon," sagot ko.

"Mamita, matanong nga kita. Sino ba talaga apo mo sa amin? Siya o ako? Kahapon mo pa siya kinakausap eh! Hello? I am here po oh!" Midnight said.

Lihim akong napangiti nang marinig ang asar niyang boses. May kung anong nangyayari sa sikmura ko sa tuwing nakikita ko ang kaniyang mukha. Simula nang makilala ko ang babae na 'to marami akong natutunan. Marami akong na-realize sa buhay ko. She's making me better day by day.  Sa tuwing kasama ko siya may kakaibang saya na bumabalot sa puso ko.

"Nag-aaral bang mabuti si Midnight?" tanong niya.

"Yes po, Mama. She's doing great with her course!" sagot ko.

"Of course, Mamita! Nag-send ako ng picture ng card ko right?" Midnight interrupted.

"Pagpasensyahan mo na ang ugali ng apo ko ah? Ganiyan talaga iyan dito sa bahay," saad ni Mama Agness.

"Ayos lang po. Sanay na po ako!" Binuntutan ko pa ito ng mapang-asar na tawa.

Sinamaan ako ng tingin ni Midnight. I find it cute when she glares at me. After we eat ay bumalik na ako sa guest room. Naligo na ako at nagbihis ng white shirt at ripped jeans. I saw my phone ringing and it is an unregistered number. Hindi ko na lang ito sinagot. Binulsa ko na lang ang phone ko at lumabas na.

Saktong paglabas ko ay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Midnight. She's wearing a oversized shirt and leggings. Dala niya na rin ang kaniyang maliit na back pack.

"Let's go?" she said.

"Let's go. Baka ma-late pa tayo," sagot ko.

Sabay na kaming bumaba papunta sa sala. Naabutan namin sa living area ang mga magulang ni Midnight. Nakilala ko na sila kahapon.

"Hi, Mom! Hi, Dad!" bati ni Midnight sa kaniyang mga magulang.

"Hello, anak. Kumusta ang Baguio?" her mom said.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon