Midnight's POV
Sa loob ng anim na oras siya lang ang nagmaneho. Nakarating kami sa Baguio nang mag-alas diyes ng umaga. Sabi ko naman na hati kami pero hindi niya ako hinayaan na magmaneho. Sinabi ko namang kaya ko at ipinakita ko pa ang lisensya ko pero ayaw niya talaga. Ayaw niya 'atang ipahawak sa iba 'yong kotse niya.
Nagtataka kong tumingin sa kaniya nang itabi niya ang kotse malapit sa Lion's Head.
"Hinto muna tayo sa Lion's Head para makapag-picture ka. Siguradong wala kang picture rito kasi 'di naman humihinto ang mga bus dito kung meron man bihira lang," he said.
"H-how do you know?" sagot ko.
Paano niya nalaman na wala akong picture rito? Is he a psychic or he read minds?
"I stalked your instagram. Lahat ng pictures mo ng scenery meron lahat ng tourist spot except sa Lion's head," sagot niya.
"What? How did you know my instagram account?" nagtataka kong tanong. Hindi 'yon public account dahil ang public account ko ay Midnight_Agnello.
"Thedarkestnightsky, right? That's your instagram." Iniwan niya na ako sa loob ng kotse niya.
Napapitlag ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Kita niyang tulala ako at nagiisip kung paano niya nalaman 'yon.
"Tara na? Ano ba? Gusto mo ba mag-picture o hindi?" saad niya.
"Tara na. Nakahihiya naman sa 'yo na huminto pa tayo rito para lang makapag-picture ako. Kahit ikaw naman ang may kusang huminto rito." Mabilis akong bumaba sa kotse niya.
Binuksan ko ang camera ng phone ko at binigay sa kaniya para picture-an ako. Pagkatapos niya akong picture-an ay binalik niya na sa akin 'yong phone ko. Tiningnan ko ang mga kinuha niyang pictures sa akin. Maganda ang mga kuha ko. Mukha akong kinuhanan ng photographer.
"Pwede mag-selfie tayo?" tanong ko.
"Sure! Ako na maghahawak," he answered.
Umakto siya na parang aakbay sa akin pero hindi dumampi sa balat ko ang braso niya at kamay. Nakaangat ito na tila ba iniingatang mahawakan ako. Humarap na ako sa camera at ngumiti. I think this is what they call 'manner hands' kadalasan ay nakikita ito sa mga k-pop idols na may kasamang babae. Pagkatapos namin kumuha ng tatlong selfie ay bumalik na kami sa kotse.
"Let's eat first? Siguradong gutom ka na dahil ang huling kain natin ay kanina pang 7 am. 'Yong sandwich at Starbucks na binili natin sa stopover natin," he suggested.
"Sure," sagot ko.
"Saan mo gusto kumain?"
"Anywhere."
"Then sa Jollibee na lang tayo. That's the closest fast food here in our way. After pumunta na tayo sa school." Nagmaneho na siya paalis sa Lion's Head.
Katulad nga ng kaniyang sinabi ay kumain muna kami bago kami pumunta sa school. Sinamahan niya ako sa administration office nang makarating kami sa school. Ipinasa ko sa kanila ang mga kailangan nilang documents at nag-fill out din ako ng enrollment form nila.
"Ija, kukuha ka ba ng dorm?" tanong ng cashier.
"Yes, Ma'am," sagot ko.
"Sige. Umupo ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag tapos na." Binalik niya ang atensyon niya sa computer niya.
Umupo muna ako sa waiting area. Nakabalik na si Astrophel galing sa dean's office. May inayos din 'ata siya roon.
"Okay ka na?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...