Astrophel's POV
Kahapon pa ako kinukulit ng maganda kong kaptid tungkol sa nagluto noong spaghetti na inuwi ko. Pati hotcake nagustuhan niya rin at talagang nagtabi pa siya for breakfast.
"Kuya! Tell me na kasi kung sino nagluto," Amaris begged.
"No," I answered.
Hanggang sa makababa ako ng hagdan ay sinusundan niya ako.
"Fine, fine. My friend," I said.
Her eyes twinkles and jumps happily like a five year old kid. She's already fifteen but she's still a baby girl to us.
"Who's friend? It's impossible that Kuya Paul cooked that delicious. Mas masarap ka pa magluto sa kaniya!" she answered.
"A girl." I smiled as I thought of the minutes she's cooking the dish and her face when I tied my hair.
"Oh! The owner of that hair tie?" She pointed my wrist that has Midnight's hair tie.
"Yeah," I answered.
Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. Habang umiinom ako ng tubig ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Amaris na mapanuring nakatingin sa akin.
"Kuya! I want to meet her!" she said.
"No! She's busy!" sagot ko.
"So ganoon, Kuya? Hindi mo na ako love," she answered.
I sighed. Nakuha niya na naman ako. Alam na alam niya talaga ang weakness ko. Napipilitang tumango na lang ako dahil siguradong hindi niya ako titigilan katatanong. Sana lang ay gising na siya dahil medyo maaga pa at sigurado akong napagod siya sa lakad namin kahapon.
Midnight's POV
Nagising ako sa tunog ng ringtone ng cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag ng ganito kaaga? 'Di ba nila alam na nakaka-istorbo sila ng natutulog? Kung sino man po ang tumatawag sa akin ay sana hindi masarap ang ulam niya buong araw. Magsisimula pa lang ang araw ko sinira na ng kung sino mang damuho ang tumatawag sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinuha ang phone ko sa side table.
Astrophel Lucien Gray calling...
Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ko para mapigilan ang mapasigaw. Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina. Buo na pala ang araw ko. Agad ko itong sinagot dahil baka mag-missed call na.
"Ang aga-aga, Astro! Na-mi-miss mo na ba ako kaya ka napatawag ng ganito kaaga?" I said in the most annoying way possible.
"Good morning, Night! I'm sorry for disturbing your sleep," he answered.
Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako nang dahil lang sa boses niya. Napailing na lang ako sa mga nararamdaman ko. Delikado na ako.
"Bakit ka napatawag? As far as I know wala naman tayong napag-usapan na magkikita ngayong araw ah," sagot ko.
Narinig ko ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya. Hinintay ko na lang na sumagot siya.
"I-I want to ask you out since w-we're about to start college on Monday. Baka bihira mo na rin makita ang ka-gwapuhan ko," he answered.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang mapigilan ang pagtili. He's asking me out like a date but I shouldn't conclude things. Maybe he's just grateful for my cooking.
"Sure. What time?" I answered.
"Mayamaya lang. May kasama rin pala ako," he answered.
"Okay. No worries. Mag-re-ready na rin ako," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...