CHAPTER 29: DEJA VU

14 1 3
                                    

Midnight's POV

A week had passed since we came to New Zealand. Nagsimula na rin 'yong construction ng hotel ni Astro. We are also down to a week on the hotel puro lang kami trabaho nitong mga nakaraang araw. He invited me for lunch today and I am preparing for it. After putting on a light make-up and coat before going outside my hotel room. Nagulat ako nang makitang nasa labas na si Astro ng hotel room ko. Sakto namang weekend ngayon kaya makakapag-libot kami sa city. Simula kasi nang dumating kami rito ay puro na kami trabaho.

"Kanina ka pa ba diyan?" I asked.

"Nope, kadarating ko lang. Tara na?" he asked.

"Let's go," sagot ko.

Dumiretso kami sa lunch buffet ng hotel na tinutuluyan namin.

"Where do you want to go after this?" he asked.

"I don't know. Maybe at the mall or somewhere that has the view of the city," sagot ko.

"Okay then let's go to the mall today and the Sky tower," sagot niya.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad kami. Kahit tirik na tirik ang araw ang lamig pa rin ng simoy ng hangin. Nang makakita kami ng isang park ay agad kaming pumunta roon. Ang daming batang naglalaro at ang daming bench na pwedeng maupuan. Hindi masyadong mainit ang alas dose ng tanghali rito dahil sa dami ng puno at sa lamig ng hangin. Umupo kami sa isang bench malapit sa playground.

Naalala ko dati na kapag stressed kaming dalawa ni Astro, pupunta lang kami sa park na malapit sa dorm namin para mag-unwind. Kahit noong hindi pa kami ay parati na kaming laman ng mga parks sa Baguio. Minsan nga nakikita pa kami ng mga schoolmates namin doon at napapagkamalan kaming magkasintahan.

"Ang tagal na rin pala nang huli tayong maupo ng ganito 'no?" he said.

"Kaya nga eh, naalala ko 'yong college days natin..." sagot ko.

Nakakita kami ng ice cream truck kaya agad kaming pumunta roon para bumili ng ice cream. He ordered my favourite flavour of ice cream, hindi niya pa nakakalimutan 'yon.

"Akala ko nakalimutan mo na 'yong favourite ko," I laughed.

"How can I forget about you easily? Everyday akong bumibili ng strawberry ice cream sa favourite ice cream place mo noon," he answered.

"I suddenly miss that place! 'Pag nakabalik ako sa Pilipinas talagang iyon ang una kong pupuntahan," sagot ko.

"It's already cold but look at us eating ice cream like it is 40 degrees celsius," he said.

"Taga-Baguio tayo! Ice cream lang 'yan!" I sarcastically replied.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay pumunta na kami sa mall. Bumili lang kami ng mga panlamig niya dahil kinulang na siya ng panlamig. Naglibot pa kami sa mall para magpalipas oras. Alas singko na ng hapon nang pumunta kami sa Sky Tower. We watched the sunset over the highest peak of the city. Meron kaming view ng buong city at ng sunset. Ang ganda nilang pagmasdan mula rito. Sobrang relaxing at pwede ka pang magkape mula rito. Pumunta kami sa isang cafe rito na umiikot ng 360 degrees.

"I remember back in the days that every after school nasa Starbucks tayo gumagawa ng school works o kaya coffee after school," saad ko.

"Now we're here in New Zealand drinking one of the most expensive coffee we've ever tried," sagot niya.

"Definitely the most expensive and memorable coffee dates I've ever had."

"Ano ka ba? Ako lang 'to!" Tawa niya.

Oo, ikaw lang 'yan, Astro. Nag-iisang tao na nakikita kong kasama ko habang-buhay. Kung hindi man ikaw ang ipagkakaloob sa akin na makasama ko ng habang-buhay maaaring sa susunod na habang buhay tayo naman. But why spare this lifetime if I know that I can have a chance with him?

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon