CHAPTER 9: A DAY WITH HER

8 0 14
                                    

Midnight's POV

As what I promised to him yesterday we will go on a friendly date today. Maaga akong gumising dahil nag-yoga pa ako. After eating cereals ay naligo na ako. Saktong paglabas ko ng banyo ay may kumatok sa main door. Sigurado akong nandito na siya. Kagabi niya pa ako kinukulit sa breakfast na gusto niya. Pagbibigyan ko na kaya pinapunta ko na rito. Enough naman na raw ang masarap na pagkaing luto ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin. In this way I can pay back for the troubles he had to deal because of me.

"Good morning, Ms. Architect!" bati niya.

"Good morning, Mr. Business Man. Come in," sagot ko.

Pumasok na siya sa loob ng dorm ko at umupo sa sofa. As usual feel at home na siya rito sa dorm ko dahil umupo agad siya sa sofa.

"What do you usually eat for breakfast?" I asked.

"Hmmm. Fried rice and any frozen or canned goods. I often eat healthy breakfast pero hindi ako diet ngayon. Ikaw ang magluluto ng food ko kaya hindi ako diet!" sagot niya.

"Okay then what do you prefer? Coffee or milk?"

"Black coffee will do."

Tumango ako. Mabuti na lang at simple lang ang hiningi niya sa akin. Lahat din ng lahat ng iyon ay meron dito sa stocks ko. Lagi talaga kong bumibili ng black coffee dahil ginagamit ko iyon sa dalgona chuckie ko. Nagsimula na ako magluto. May kaning lamig ako na naluto kagabi. Iyon na lang ang sinangag ko para hindi masayang ang kanin. Pagkatapos kong iluto ang sinangag ay niluto ko na ang bacon at ang favorite kong tapa. I also fried some eggs. Nilagay ko na ito sa hapag matapos maluto ang lahat.

Nagulat ako nang tumayo siya sa sofa at tumulong sa paghahain ko.

"Umupo ka na lang, bisita kita eh!" saway ko.

"Ano naman?" sagot niya na parang wala lang iyon.

"Anong 'ano naman'?" ginaya ko pa ang tono niya.

"Ano namang problema roon?" he countered.

"Ang bisita hindi nagsisilbi sa bahay!"

"Sorry hindi kami pinalaking pinagsisilbihan. My parents didn't raise me that as a visitor you will just seat and the food will be served. Saka palagi mo na itong ginagawa sa sarili mo. I want you to feel that you're not always on your own."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi. Nasanay kasi ako na kapag may bisita sa bahay ay kailangan namin pagsilbihan kasi bisita sila pero may mga tao palang kakaiba ang mindset. Katulad na lang nitong blonde hair guy na kaharap ko. He's not the typical guy that only know how to play hearts. He's the guy that knows how to treat a girl right. He's the epitome of gentleness. Lahat na 'ata ng green flags nasa kaniya.

"Seat down, let's eat," aya niya.

"Teka lang naman! 'Yong kape mo!" sagot ko.

"Maupo ka na. Kumain na tayo. Masama ang pinaghihintay ang pagkain," sagot niya.

"Sure ka?"

"Yes. Upo ka na. Kain na tayo at marami pa tayong lakad ngayon! Susulitin ko na 'to kasi siguradong sa Lunes hindi na naman tayo magkikita kasi magiging abala na naman tayo sa kaniya-kaniya nating workloads."

Wala akong nagawa kundi ang umupo na lang sa harap niya. Nagdasal muna kami bago nagsimula kumain. As usual inipon niya na naman sa isang pony tail ang buhok niya.

"Alam mo mukhang mas bagay sa 'yo 'yong black hair at gray high lights," saad ko.

Masyado kasing plain ang buhok niya at kailangan niya na rin iyong ipa-trim dahil malapit na siya magmukhang babae.

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon