Midnight's POV
Last week is my graduation and they attended in the ceremony. Nakatapos ako ng high school with high honors kaya umaasa akong payagan nila akong mag-aral ng architecture. Ayokong sumunod sa gusto nila dahil hindi naman 'yon ang gusto ko. Ayoko maging fashion designer gusto ko maging architect. 'Yan ang palagi kong sinasabi sa kanila pero hindi nila ako magawang pakinggan. I think that's why they named me 'Shadow' because they want me to live through their shadows and 'Midnight' because even by the day there's no light shining upon me.
"Midnight, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Iris.
Nandito kami sa paborito naming coffee shop. Mabuti nga at pinayagan akong makipagkita sa kaniya kung hindi mapipilitan talaga kong tumakas.
"Wala naisip ko lang 'yong pangarap ko. Maaaring hindi ko 'yon matupad kasi hindi nila ako pag-aaralin ng gusto kong kurso," sagot ko.
"Matutupad 'yan. Kung ayaw nila sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan! Ikaw pa ba? Alam kong expert ka pagdating sa mga paspasan na ganiyan!"
"Paano ko dadaanin sa santong paspasan? Wala pa nga akong idea paano!"
"Subukan mo muna sabihin sa kanila. You've been trying this for the past year of your life," sagot niya.
"Susubukan ko..." sagot ko.
"Let's just enjoy the day! Huwag ka muna masyado magpaka-stress diyan sa parents mo!" sagot niya.
Umalis na kami ng coffee shop at nagpunta sa malapit na mall. Naglilibot na si Iris sa mga boutiques, ako naman ay sinusundan lang siya. Wala akong hilig sa mga damit dahil marami na ako nito at kabibigay lang ni Mommy ng mga bagong labas naming jeans. Naging instant endorser nila ako for the past few months. Nakilala na rin ako sa instagram nang dahil dito. I personally want to live a private life but then I think I can't because my identity is already all over the internet.
"Midnight! Baka naman? Sponsor-an mo naman ako ng damit ni'yo! Para di ako bili nang bili! Sayang loyalty card ko oh!" Pinakita niya pa ang loyalty card ng clothing line namin.
"Huwag kang mag-alala sa susunod!" sagot ko.
"Promise 'yan ah?" sagot niya.
"Oo! Bilisan mo na mag-shopping dito! Ako naman ang mag-sho-shopping!" sagot ko.
Natapos na siyang mamili ng damit pero wala namang nabili. Siguro pang-sampung boutique na namin 'to pero wala siyang nabili.
"Sawa ka na ba? Tara na muna sa National Bookstore! Bibili ko ng art materials kasi baka ito na ang huling labas ko! Alam mo namang bilanggo ako ng mga magulang ko," saad ko.
"Teka lang! Baka may mahanap pa ako!" sagot niya.
"Bahala ka nga riyan! Alam mo naman kung saan ako hahanapin!" sagot ko.
Pumunta na ako sa National Bookstore para mamili ng art materials ko. Bumili ako ng iba't ibang sizes ng canvas dahil paubos na ang stock ko sa bahay pati na rin iba't ibang kulay ng acrylic paint. Iba-ibang points ng lapis at tatlong sketch book para kung sakaling maubos ang isa ay may pamalit ako. Hindi ko rin alam kung kailan ako makalalabas ulit kaya dinamihan ko na ang pagbili.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng National Bookstore. Natanaw ko na sa labas si Iris na hinihintay ako. Wala siyang hilig pumasok sa bookstore kapag ako ang kasama dahil puro pang-painting lang ang sasadyain namin.
"Misha! May nakita kong pogi habang hinihintay ka!" saad niya.
'Misha' ang tawag niya sa akin dahil masyado raw mahaba ang 'Midnight' ayaw niya namang tawagin akong Shadow kasi weird daw na may tinatawag siyang anino at ayaw niya ng Night kasi mukha raw panlalaki. Kaya 'Misha' na lang pinagsama niya ang first and second name ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...