Midnight's POV
Napag-usapan namin ni Astro na magpunta na lang sa Star City dahil iyon ang pinakamalapit na theme park rito sa Manila. Matagal na rin nang huli kaming magpunta roon. I'm so happy that this time si Astro na ang kasama ko dahil mas ma-e-enjoy ko na ang visit ko. I woke up by 6 am so that I could prepare our breakfast. I still don't know if Mom and Dad will be here but just to be sure I'll make more pancakes. Nilagay ko na rin sa ref ang mga dala kong strawberry at ube jam. I cooked some bacon and fried rice, eggs, pancakes, and I toasted some bread. After cooking ay pinagising ko na sa isang maid si Mamita at tinawagan ko naman na si Astro kasi baka uncomfortable siya kung maid pa ang gumising sa kaniya.
"Hello? Good morning, Mako..." his husky voice said. Mahahalata mong bagong gising pa siya dahil sa lalim ng boses niya.
Tumikhim muna ako dahil tumitibok ng napakabilis ang puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng umaga na may kasamang Astrophel. Umaga pa lang kilig na ang bumungad sa akin.
"Good morning! Baba ka na, I cooked some breakfast. Para sabay-sabay na," sagot ko.
"Okay. I'll just take a shower then I'll be out," sagot niya.
"Okay. Bye!" Binaba ko na ang tawag dahil baka kung ano pang masabi ko kapag nagtagal pa.
Pumasok na si Mamita sa dining area. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi. Ganito niya ako binabati ng good morning kapag narito ko sa Manila. I missed this. Even though I have freedom in Baguio this is one of the things I always miss here in Manila. Lola's warmth always hits differently. Hindi ko ito nararanasan sa Baguio dahil wala naman siya roon.
"Good morning, Mamita!" saad ko.
"Good morning, apo! Kumusta ang tulog mo? Nakapag-pahinga ka ba ng maayos?" sagot niya.
"Mahimbing, Mamita saka nabawi ko na ang lakas ko. Talagang napagod ako kasi pagbabang-pagbaba namin may event agad," sagot ko.
"Mabuti naman at naka-pahinga ka. Eh si Astro? Nasaan? Ginising mo na ba?" sagot niya.
"Opo, Mamita. Naliligo lang po siya," sagot ko.
"Apo, tapatin mo nga ako... Manliligaw mo na ba si Astrophel?" Tiningnan niya ako gamit ang kaniyang mapanuring mata.
Ngumisi naman ako ng kakaiba sa kaniya at tiningnan siya ng mapang-asar.
"Ikaw, Mamita ah! Marites ka!" biro ko.
"Eh kasi naman, apo, nakita ko ang Dad mo at si Astro na magkausap. Kilala kita apo, Sabihin mo na ang totoo..." sagot niya.
"Sige na nga, Mamita. Opo, nanliligaw na po sa akin si Astro," sagot ko.
Tila naman nakarinig siya ng isang magandang balita mula sa akin kaya nagkaroon siya ng kakaibang ngisi sa kaniyang labi. Alam kong matagal niya na itong hinihintay para sa akin. Marami naman ang sumubok na manligaw sa akin pero nang hindi ko na sila pinansin hindi na tumuloy kasi hindi nila ako nakitaan ng interes sa kanila.
"Bakit po?" tanong ko.
"Finally, apo! You are opening doors now!" sagot niya.
"Well I guess it's the right decision to watch the meteor shower in Baguio," sagot ko.
Napatigil lang kami sa pagkukwentuhan nang pumasok si Astro sa dining area. Umagang-umaga ang lakas ng dating niya kahit naka-simpleng oversized white shirt lang siya at shorts.
"Good morning, Mama Agness!" Nagmano pa siya kay Mamita.
"Oh siya kumain na tayo't lalamig na ang pagkain!" saad ni Mamita.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...