Midnight's POV
Today is my first day of being a college student and waking up by the cold breeze of Baguio makes me feel energized and productive. Magsisimula na ang kalbaryo ko bilang isang architecture student. I stretched my body and got out of my bed. I wore my cardigan because it's just 5 am in the morning. Sobrang lamig. Nagtimpla na ako ng paborito kong energen at cereal. Habang umiinom ng energen ay nagsalang na ako ng sinaing. Meron akong frozen goods dito para mabaon ko mamayang lunch. Mas makatitipid ako ng allowance kapag hindi na ako sa school bibili ng pagkain. Saka hindi ko na kailangan makipagsabayan sa mga estudyante na bumibili ng lunch. After preparing my lunch and finishing my breakfast I took a bath. Sinuot ko na ang uniform ng architecture department. Slacks and blouse ito na kulay white. Sinuot ko na rin ang ID ko dahil baka hindi ako papasukin kapag wala ito.
While combing my hair I noticed the painting that sits on the canvas holder. Tinapos ko ang pagsusuklay at pinuntahan ang cavas. Napagdesisyonan kong isabit na lang ito sa sala. Nag-ingat na ako sa paggamit ng drill dahil walang Astrophel na sasalo sa akin ngayon. Nang matapos maisabit ay binalik ko na sa taguan ko ang drill. After that I went back to my room and get my bag and my phone.
A text message called my attention so I opened and read what it said.
Astrophel Lucien Gray:
Enjoy your first day, future architect! Good morning! Have a great day ahead!
Me:
Thank you! You too, have a great day!
Napangiti na lang ako at binulsa ang phone ko. My heart is pounding so fast right now. I didn't expect to receive a message like that from him. Iba 'yon sa mga morning messages na palagi kong natatanggap. Nakarating na ako sa building ng department namin. Ang unang subject ko ay architectural design 1. Sigurado kong puro introduction lang ang mangyayari ngayong araw. Pumasok na ako sa classroom at medyo marami na ring estudyante. Umupo na ako sa pinakadulo. Hindi rin nagtagal ay marami na ang pumasok. Naglabas na ako ng notebook at ballpen. Dumating na rin ang babae naming professor. Mukha itong strikta dahil sa kaniyang pananamit at mukha na ring may edad kaya beterano na sa field na ito.
"Good morning, class," bati niya.
"Good morning, Prof," sagot namin.
Magsisimula na sana siya mag-lecture sa amin nang may humabol na lalaki papasok sa isa pang pintuan ng classroom. Dumiretso ang lalaki sa upuang nasa tabi ko. Sobrang taas niya talaga na kahit ang professor namin ay nakatingala sa kaniya.
"Since you're late Mister, let's start with you. Introduce yourself and the reason why you took architecture," the professor said. Bumalik ang mga tingin namin sa kaniya.
Confident siyang naglakad papunta sa harap at ngumiti na para bang sanay na sanay na siya rito.
"Good morning, Professor and classmates. I am Apollo Deimos Laurier, 18 years old. I choosed architecture because that's the only choice I have. Thank you." Bumalik na siya sa upuan na nasa tabi ko.
Napailing na lang ako at lihim na napairap sa kaniya.
"You. You're next." Turo sa akin ng professor kaya agad akong tumayo at pumunta sa harap.
"Good morning. My name is Midnight Shadow Agnello, 18 years old and I am from Manila. I choosed architecture because I see myself 10 years from now designing houses and buildings. I only see myself as an architect. Thank you and nice meeting you all!" nakangiti kong saad.
Bumalik na ako sa upuan ko. Nakita ko ang professor namin na nakangisi dahil sa narinig niyang sagot ko.
"Nice name," the man on my right said.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...