Midnight's POV
Sabado na't ngayon na ang pinakahihintay kong araw dahil ngayon kami magkikita ni Lucile. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita dahil sa pagiging busy ko sa school. Maraming plates ang kinailangan kong tapusin at nakatulong sa akin ang pagdistansya kay Astro dahil naipasa ko lahat on time. Nilabas na rin ang grades namin noong nakaraang linggo at nakatutuwa dahil lahat ay puro uno. Hindi naman ako nakarinig ng kahit na anong hinaing mula kina Mom at Dad. Hinihikayat pa nga nila akong umuwi pero sinabi kong hindi muna dahil may mga aayusin pa ako para sa second semester namin. Siguro ay bibisita ako sa Manila bago magsimula ang second semester.
Halos magkakalahating oras na ako sa harap ng closet ko pero wala akong mapiling damit. Habang naghahanap ng masusuot ay natawag ng atensyon ko ang blouse na dark blue ang kulay. I will just pair it with white ripped jeans and white shoes. Nang makapili na ng isusuot ay pumasok na ako sa banyo at naligo. Mabilis lang akong natapos na magbihis at maghanda ng sarili. Naglagay ako ng kaunting pulbo sa aking mukha at liptint. Nilagay ko na sa brown shoulder bag ko ang phone at wallet ko.
Astrophel Lucien Gray:
We're on our way to your dorm. Let's meet at the lobby.
Me:
Okay. Pababa na rin ako.
Napuno naman ng saya at excitement ang puso ko dahil magkakabonding na ulit kami ni Lucile at ni Astro pagkatapos ng matagal naming hindi pagkikita. Dahil sa pag-uusap namin ni Iris noong nakaraan ay nakatulong iyon sa akin upang makapag-isip. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung paano ko na-survive ang isang buong linggo na walang Astrophel na umaaligid. On the first days it was hard, I miss his voice and his presence around my dorm and even at our campus cafeteria. Pero siguro kaya naging madali sa akin ang ilang araw na 'yon ay nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa table namin.
May naging usap-usapan pa nga 'yong mga ka-block ko na nakikita nila si Astro palagi sa lobby ng dormitory. Si Danika raw palagi ang inaabangan niya roon dahil nanliligaw 'ata ulit siya sa kaniya. There's sudden bitterness in my heart because of that thought. I remember his promise to me that when the time comes he's ready to love again it would be me. There's a certain part of me that's still holding on to the promise he made. And based on what I know about him he's not the type of person that will give me or someone false hopes. If ever that day comes that he manages to forgive her I will not be a hindrance to it. Hindi ko siya pipigilan kung doon siya masaya pero hanggat wala pa susulitin ko na lang ang oras na kasama ko siya.
Nang matapos kong ayusin ang mga nakasaksak na appliances ay lumabas na ako dahil baka nasa lobby na sila at naghihintay sa akin. Habang naghihintay ng elevator ay nakita kong lumabas ng dorm niya si Danika at kasunod nito ay si Apollo. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang relasyon ng dalawang ito. Pakiramdam ko rin ay may kinalaman si Apollo sa relasyon dati ni Astrophel at Danika. Huminto na ang elevator na hinihintay ko kaya't pumasok na ako. Dumidistansya rin ako kay Apollo dahil sa nangyari. Nagdududa na rin ako kung totoo ba ang kaniyang pinakikita o lumapit lang siya sa akin dahil malapit ako kay Astro.
Pagdating ko ng lobby ay sinalubong ako ng yakap ni Lucile. Sobrang higpit nito marahil ay na-miss niya ako dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita.
"Huwag masyadong mahigpit ang yakap at baka hindi makahinga ang Ate Midnight mo!" saway ni Astrophel.
"I missed you, Ate Midnight!" saad ni Lucile.
"I missed you too. Kumusta ka?" sagot ko.
"Ayos naman, Ate. Na-miss talaga kita kasi rarely na rin na nagkukwento si Kuya tungkol sa 'yo," sagot niya.
Biglang nagbago ang tibok ng puso ko dahil sa narinig. Hindi maipaliwanag ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil lang sa kaniyang sinabi. Nagkukwento pala sa kanila si Astro ng tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...