Midnight's POV
Kahapon natapos ang huling araw ng first semester. I decided that after enrolling myself for the next semester I will go to Manila and spend my vacation there. Sigurado na na-mi-miss na ako ni Mamita pero hindi ko pa siya sinasabihan tungkol sa plano kong pag-uwi. I-su-surprise ko na lang siya sa pag-uwi ko ko roon. I am waiting for Astro right now because he's still in line. Ang daming nag-e-early registration sa course niya saka may mangilan-ngilan na nagpapa-picture sa kaniya. Daig pa artista ng lalaki na 'yon. Tumunog naman ang cellphone ko.
Astrophel Lucien Gray calling...
Agad kong sinagot ang tawag niya. Siguro bored na rin siya sa pila.
"Hello?" saad ko.
"Mako, mauna ka na sa dorm. Sunod na lang ako," he said.
"Mako?" nakakunot noong saad ko.
"That's what I will call to you because it sounds like 'Midnight Shadow ko' but it has a different meaning," sagot niya.
"Ewan ko sa 'yo! Ano, sa dorm ka ba kakain ng lunch?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yup, susunduin ko lang si Amaris tapos sabay na kami pupunta sa dorm," sagot niya.
"Okay. Alis na ako rito sa school ah. Magluluto pa ako," sagot ko.
"Okay. Take your time. Ingat," sagot niya.
"Sige. Bye!" Binaba ko na ang tawag dahil baka may kung ano pa siyang sabihin at lalong magmukhang kamatis ang pisngi ko.
Habang naglalakad papunta sa dorm ay nakasalubong ko na naman si Danika at ang asungot niyang si Apollo.
"I heard about the rumours, Midnight. Is it true that Astrophel is courting you?" she said.
"Why are you curious about it? Does it have something to do with you?" I answered.
"She's just asking, Midnight," singit ni Apollo.
"So? Maapektuhan ba ang buhay niya kung totoo nga 'yon?" sagot ko.
Natahimik siya sa sinabi ko dahil totoo naman. Wala namang magiging epekto 'yon sa buhay ni Danika dahil wala naman na sila ni Astro at hindi na dapat niya pinakikialaman 'to.
"I will do anything to get what's mine!" Danika exclaimed.
"Astrophel is not your possession, neither am I. Also we know whose fault it is kaya siya nawala sa 'yo." Iniwan ko na silang dalawa ro'n na tulala. Alam nilang pareho ang totoong nangyari kaya hindi na sila makasalita nang sabihin ko iyon.
Nakakababa ng class kapag nakikipag-usap ako sa kaniya. Dumiretso na lang ako sa dorm ko. Nagbihis na ako ng pambahay at gumawa ng iced coffee bago ako nagsimulang magluto. Ang sabi sa akin ni Amaris ay gusto niya raw makatikim ng caldereta na luto ko kaya 'yon na lang ang binili naming mga sangkap ni Astro sa palengke. Hindi na kami sa grocery namili kasi mahal ang mga ingredients. Sakto nang matapos ko ang niluluto ay tumunog ang doorbell.
Sila Astro na ito panigurado kaya masaya kong binuksan ang pintuan. Agad akong sinalubong ng yakap ni Amaris.
"I missed you, Ate!" she said.
"Nagkita lang tayo last week na-miss mo na ako agad," sagot ko.
"Ako na maghahain, Mako. Thank you for cooking our lunch today," Astro said.
"Tulungan na kita. Amaris, maghahain lang kami, doon ka muna sa sala tapos open mo na lang 'yong TV. May Netflix diyan pwede ka manood ng k-drama," saad ko.
Sinunod naman ni Amaris ang sinabi ko. Nilagay niya ang gamit nila sa sofa at ako naman ay tumulong na sa paghahain. Ako na ang naglagay ng kanin at ulam sa lamesa at siya naman ang mga plato at kutsara. Gumawa na rin ako ng orange juice upang maging inumin namin. Nang matapos ay tinawag niya na ang kapatid na abala sa panonood.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...