Midnight's POV
I was eating my breakfast when someone knocked on my door. I immediately got up from my seat and opened the door. I saw Astro standing in front of it looking good at their uniform. Their uniform is a white polo and slacks. His hair is tied into a bun. Para siyang Greek God na ibinaba sa lupa. His body figure is not the usual in our age range. He gave his sweet killer smile. Agad ko siyang pinapasok sa dorm.
"Good morning, Mako," he greeted.
"Good morning! I didn't expect you'll be this early. Kumain ka na ba?" sagot ko.
"Yes. Kasabay ko sila Mama," sagot niya.
"Let me finish my breakfast then we'll go. Is that all right?" sagot ko.
Tumango naman siya. "Mako, pwede ba after you eat, braid my hair?"
"Sige," sagot ko.
Tinapos ko ang pagkain ko at nag-ayos ng sarili. I fixed his hair before we left the dorm. He carried my bag as if it's just a piece of paper. Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng dorm. May mga blockmates akong nakakita sa amin at nagbulungan. Sigurado akong kami na naman ang hot topic nito sa school.
"Mag-aalburoto na naman si Danica," natatawang saad ko.
"Mako, stop talking about her!" saway niya.
"Opo." I motioned my hand like a zipper on my mouth.
Hinatid niya ako hanggang sa architecture building kahit na malayo ang kaniya. Pinagtitinginan kami ng mga classmates ko nang ihatid niya ako sa room. Umupo ako sa dulo ng classroom at inilabas ang mga gamit ko. Nagulat ako nang may kumalabit sa akin. Agad akong nag-angat ng tingin at nakitang si Abi ito.
"Ilang linggo lang tayong hindi nagkita may plot twist ka na!" saad niya.
"Plot twist?" nagtatakang sagot ko.
"Sabi noong iba nating ka-block nakita raw kayong magkasabay ni Astrophel pumasok," sagot niya at umupo sa tabi ko.
"What's the big deal? Hindi ba pwede?" nakakunot noong sagot ko.
"Ay hindi naman! I-push niyo na 'yan! Bagay naman kayo eh!" sagot niya.
Napailing na lang ako sa kaniya habang tumatawa. Natigil lang ang pangungulit niya nang dumating ang professor namin para sa unang subject. Dumaan muna kami sa locker area para itabi ang mga gamit namin. Second sem na nang magamit ito kasi ngayon lang din binigay ang mga passcode namin. Nilagay ko na sa loob ang books ko dahil sobrang bigat nito sa balikat. Bitbit ko na 'ata ang mundo kapag dala ko ang iyon. Paglabas namin ng locker area ay nagulat ako na parang naglalakad na prinsipe si Astro papunta sa amin. Pinagtitinginan siya ng mga babae kong blockmates.
"Ay mhie! Pak na pak ang aura nitong leading man mo!" saad ni Rhea.
"Ang gwapo, Mhie! Kung ako sa 'yo di ko na pakakawalan 'yan!" sagot ni Abi.
"Hindi na talaga 'no!" I confidently smiled at them.
Nang makalapit sa amin si Astro ay agad niyang kinuha ang bag ko na nasa balikat ko.
"Let's eat?" saad niya.
"Mauna na ako guys!" paalam ko sa mga kaibigan ko.
"Bye Midnight! Enjoy!" sagot ni Rhea.
"No, pwede naman natin sila isabay," sagot ni Astro.
"Ay hindi na! Enjoy your lunch na lang! Kila Rhea at Josh na lang ako makiki-third wheel!" sagot ni Abi.
"Loko!" tawa ko.
Kumaway na ako sa kanila paalis. Dumiretso na kami sa cafeteria ng school. Ang kaninang tahimik na cafeteria dahil nasa loob si Danica ay biglang umingay nang dumating kami.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...