Midnight's POV
Matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. For almost three years I am saving my allowances from my parents to go to the place where the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen. Nang makumpleto ko ang ipon ko ay agad akong magpupunta roon. This will be my advance graduation gift to myself since I am about to finish highschool. According to research it shows only once a year from December to January. Hindi ko pwedeng mapalampas 'yon dahil malapit na ako mag-college. Baka hindi na ako magkaroon ng oras na makita 'yon. I really want to see that meteors before it's too late.
I searched on the net what place is best to see the meteors here in our country and it says... In the summer capital of the Philippines. I immediately fixed the things I need. The date is almost due. I need to go there at least three days before so that I can enjoy the beauty of the city. Alam ko namang hindi ako papayagan ng parents ko dahil sobrang strict nila at malayo pa ang pupuntahan ko pero kailangan ko talaga makita ang meteor shower na 'yon. Mabuti na lang at sobrang lamig sa Baguio wala gaanong turista kaya nakapag-book agad ako ng hotel. Pagkatapos kong iayos ang lahat ng kailangan ko sa trip ko to Baguio ay lumabas na ako ng kwarto ko. Malapit na mag-dinner at wala pa rin sila Mommy.
"Mamita, ma-la-late po ba ng uwi sila Mommy?" tanong ko kay Mamita. Lola ko siya pero ayaw niyang tinatawag na 'lola' or 'granny'. She preferred to be called 'Mamita' dahil hindi niya masyadong ramdam ang kaniyang edad.
"I don't know, apo. Baka na-traffic lang. The maids already prepared the dinner if you want to eat," sagot niya.
"Hintayin ko na lang po sila Mommy. May sasabihin din po ako sa kanila," sagot ko.
"Alright, apo. Baka hindi ko na rin mahintay ang mommy mo. Uuwi na rin ako. Dinalaw lang talaga kita. Paminsan-minsan puntahan mo ako sa bahay ko kapag may free time ka," sagot niya.
"Okay, Mamita! I'll call the driver to send you home and I'll send your regards na lang po to Mom," sagot ko.
Yumakap muna ako sa kaniya bago ko siya ihatid sa kotse.
"Ingat ka rito, apo!" paalam niya.
Kumaway lang ako sa kaniya at nang hindi ko na makita ang kotse ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang phone ko. I decided to call my one and only friend, Iris. Hindi ako masyadong outgoing dahil hindi ko gusto ang nakikipagsabayan kung kani-kanino. I do have brains and I am a topnotch in our classroom but most people are afraid of me. Ayaw siguro nilang malamangan kaya ayaw nila sa akin makipagkaibigan. Si Iris lang ang naglakas ng loob na kausapin ako at hindi natakot sa akin. Kahit sa school at phone calls lang kami nagkakausap ay ayos lang sa kaniya. Hindi kami madalas lumabas dahil palagi akong hindi pinapayagan. Mabibilang lang sa daliri kung ilang beses kaming nakagala at nakapag-mall na magkasama.
"Hello! Girl! Bakit ka napatawag?" saad niya sa kabilang linya.
"I'm planning to go to Baguio!" masayang sagot ko.
Natahimik ang kabilang linya at tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.
"Do you think your parents would let you?" She sighed.
"No. Pero wala na silang magagawa kasi nakapag-book na ako ng hotel! No cancellation 'yon!" sagot ko.
"Eh kaya mo bang pumunta mag-isa sa Baguio? Teka nga... Bakit ka pupunta sa Baguio eh napakalamig doon? Tapos saan ka kumuha ng pera? Don't tell me na nangupit ka?" sagot niya.
"No! 'Di ako nangungupit 'no! I saved all the allowances that my parents gave me since I was sixteen to have a pretty much budget for this trip. I waited for this for too long! I want to see the quadrantid meteor shower!" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...