CHAPTER 14: CHILDHOOD

15 1 8
                                    

Midnight's POV

Kanina nag-text sa akin si Astro na by 7 pm pa raw ang premyo naming date. Nakakatuwa naman ang university dahil support sila sa love life ng estudyante nila. Hindi sila KJ like other schools. I choose the best outfit for our d.ate. I don't want to embarass myself to him. Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Kaya agad kong pinatay ang kalan. Tapos na ako magluto ng lunch ko.

Iris Niña Martinez calling...

Sinagot ko na ito. Balak kong ikwento sa kaniya ang nangyari kagabi. Mayamaya na lang ako kakain kaya dumiretso ako sa dining area.

"Hello girl! Kumusta ang ball?" she greeted.

"It was good. Maraming nangyari..." sagot ko.

"Like what?"

"Well, we dance like in the movies... He complimented me a lot! As in a lot!" I smiled at the thought of last night.

"Ibang ngiti 'yan ah! May nangyari pa ba?" she curiously asked.

"Well, we won as ball king and queen. Tapos we're going to have a date later..." Lalong lumapad ang ngiti ko pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Congrats sa inyo ni Mister Manner Hands! Beh! Dalaga ka na! 'Di ba last time nagkita sila ni Mamita Agness?" saad niya.

"Oo." Tumatawang sagot ko.

"Boto ba siya para sa 'yo?" tanong niya.

"Oo! Para na ngang apo ang turing eh! Mas madalas niya pa kausap kesa sa akin. Nirereto pa ako sa tukmol na 'yon!" sagot ko.

"Kunwari naiinis pero deep inside kilig na kilig! Go girl! College ka na! Part 'yan ng college life! Huwag ka lang pa-party kasi siguradong papatayin ka ng parents mo pag-uwi mo rito," sagot niya.

"Paano makaka-party? Bakod na bakod ako!" reklamo ko.

"Binabakuran ka na girl?" sagot niya.

"Oo. Siya magsusumbong kay Mamita kapag may nanligaw sa akin or something!"

"Beh, hindi na 'yan basta bakod! He's claiming you na!" sagot niya.

"Ayoko maniwala, Iris... He's still healing with his past. Mahirap maniwala sa gestures niya. Natatakot talaga ako..."

Nadama ko na naman ang kakaibang takot sa tuwing hindi ko kasama si Astrophel. Hindi ko alam bakit ako nangangamba kahit palagi niya namang sinasabing wala namang dapat ikapangamba.

"Natatakot kang masaktan kasi nahulog ka na sa kaniya?" sagot niya.

Wala sa sariling tumango ako. Kinakain na naman ako ng over thinking ko. Paano kung nagsisimula na si Danika sa mga paraan niya? Paano kung isang araw mawala na lang sa akin si Astrophel? I don't know why I think about those things. Maybe because I don't have the rights to claim him because I am just his friend.

"Don't be afraid. I know he won't do that. Nasa talking and getting to know stage pa lang kayo. Don't conclude anything and speak on his behalf. Hindi 'yan magpaparamdam kung hindi niya talaga nararamdaman. Nakikita ko sa mga mata niyang gusto ka niya pero nandoon 'yong takot. I don't know what it is but there's something that holds him back."

"It's his past. He experienced something horrible. Kaya natatakot siyang magtiwala ulit at kumilala ulit. I'm starting to gain his trust and I'm afraid I might break it," sagot ko.

"Midnight, don't be. Nakikita ko rin sa 'yo kung gaano mo siya kagusto. This is the first time you were vocal about that. He changed you. Dati ilag ka sa mga emotions mo. Para bang kasalanan kapag nakaramdam ka ng galit, lungkot, o disappointment. Ang alam mo lang emosyon noon, masaya. Dapat masaya ka kasi kapag malungkot malulugmok ka na naman. Ngayon... You're now vocal. You know what it feels like to be loved and in love."

Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon