Midnight’s POV
“Are you sure you're fine here?” tanong ni Ajax.
“Yeah. I can manage myself. Deretso na ako sa lounge ng airport kasi doon daw namin hihintayin ‘yong eroplano and doon na rin ako kakain ng breakfast,” sagot ko.
“I told you we should pass by a nearby cafe kanina eh,” sagot niya.
“Hayaan mo na sayang naman kasi ‘yong meal stab na binigay sa akin. Sige na baka ma-late ka pa sa work at mag-apoy sa galit ang mga tao roon. Ikaw pa naman most awaited person doon,” sagot ko.
“Ingat ka roon ah at ingatan mo ‘yang puso mo. Masyado ka pa namang marupok,” he said.
Hinampas ko ang balikat niya nang malakas. Masyado siyang pasmado, palibhasa kasi na-basted eh.
“Huwag ka mag-alala, trabaho pinunta ko roon. Hindi love life,” sagot ko.
“Hindi mo sure…” Agad siyang sumakay ng sasakyan para hindi ko na siya mahampas. Binaba niya ang bintana at kumaway sa akin.
“Enjoy your stay in New Zealand!” paalam niya.
Kumaway lang ako pabalik sa kaniya. Nang mawala sa paningin ko ang kotse niya ay pumasok na ako sa airport. Madali lang naman mahanap ang VIP lounge nila dahil sa signage. Habang nasa lounge ay nag-b-browse ako sa phone ko nang makita ang recent story ng instagram account na Midnight’s Gallery.
Ako ‘yon at nakaupo sa pwesto ko ngayon, ang kuha ay candid photo ko at may caption na “You’re finally here.” Agad kong hinanap sa paligid ko kung saan may anggulo na ganoon at laking gulat ko nang makita si Astro sa table na nasa likod ko na nakatingin sa akin. He smiled and waved his hands at me, suddenly I had this urge to run towards him and hug him. Without thinking of the consequences I might face right after this I ran to him and hugged him so tight.
“I missed you so much, Mako…” he whispered enough for me to hear it and kissed my head.
It’s been so long since he called me in that endearment and I don’t know why it just feels so right. Hindi ko na namalayan na may mga luha na palang nakatakas sa mga mata ko.
“I missed you too…” I sobbed.
Pinaupo niya ako sa upuan sa harapan niya at inabutan ng panyo.
“I hate seeing you cry, you know that…” he said.
“I-It’s just that I missed you so much… I don’t know what happened to you after those five years… I-I’m sorry nayakap kita…” sagot ko.
“Don’t be sorry. I long for that too…” Sincerity and love is evident in his eyes.
Walang nagbago sa kaniya kahit na tumanda na kami. He’s still the same Astro I met in Baguio. A well mannered and pure hearted man. The man I long to have until now.
“Let’s eat breakfast first before our plane arrives here,” mungkahi niya.
Tumango lang ako bilang sagot. Pumunta na kami sa breakfast buffet nila, ang daming pwedeng makain. Iba’t ibang mga dishes ang maaaring pamimilian at meron din silang lugaw at champorado. Champorado ang pinili kong kainin dahil ang tagal ko nang ki-ni-crave nito. Hindi ako nakapagluto nung nakaraan dahil sa sobrang busy sa work. Habang kumakain ay tumunog ang phone ni Astro kaya napahinto siya sa pagkain at tumayo saglit para sagutin ang tawag. He changed some of his preferences in food, like now he got french breakfast that consists of a croissant, bread with jam and eggs unlike before that he prefers bacon and rice. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...