Midnight's POV
Katulad ng napagkasunduan namin ni Astrophel ay maaga akong gumising para may oras pa akong mag-ready. Ako na nga ang susunduin may gana pa ba akong magpa-VIP? Saka mas nakahihiya kung paghihintayin ko pa siya. Pagkatapos kong magpahangin habang nagkakape ay bumalik na ako sa kwarto ko para ihanda ang isusuot ko. Simpleng pantalon at shirt lang ang hinanda ko dahil magbubuhat kami ng appliances. 'Yong ipinadala sa akin ni Mamita ay i-bu-budget ko pambili ng appliances na kulang pa rito at mga gamit na gagamitin ko. Samantalang ang pinadala naman sa akin ni Mommy ay pambibili ko ng groceries at ibang school supplies.
Natapos na akong maligo at magbihis. Binuksan ko ang phone ko at ang dami nang messages ni Astro. Hindi ko naman 'to boyfriend pero kanina nakatanggap ako ng 'good morning' text.
Astrophel Lucien Gray:
I'm on my way na po.
Don't hurry. I'll wait you at the parking lot.Me:
Okay.
Mayroong maliit na salamin sa lamesa ko kaya umupo ako sa upuan na kasama noong lamesa. Balak ko ring bumili ng upuan pero hindi pa ngayon. Nilagyan ko ng kaunting blush on ang aking pisngi at liptint ang aking labi para hindi magmukhang maputla. Hindi ko naman ugaling maglagay ng mga ito pero nitong mga nakaraang araw may motivation akong magpaganda. Hindi naman sa hindi ako kagandahan but I want to enhance my beauty by putting some make-ups. Sabi sa akin ni Irish maganda raw ako kahit walang make-up pero gusto ko pa rin na kahit paano ay may iba sa mukha ko ngayon. Baka mamaya nauumay na si Astrophel sa mukha ko eh. Para naman magkakulay.
Binilisan ko na ang pag-ayos at nagsuklay. Nilagay ko na sa bag ko ang suklay at isang powder saka lumabas ng kwarto. Sinigurado kong wala nang nakasaksak at sarado ang glass door. Ni-lock ko na ang dorm at inilagay sa bag ko ang susi. Nag-text na rin ako kay Astrophel na pababa na ako.
Me:
Pababa na po me.
Astrophel Lucien Gray:
Sa entrance na lang tayo mag-meet. Kadarating ko lang din naman.
Me:
Okay.
Sumakay na ako ng elevator. Marami akong nakasabay na mga estudyante rin ng school. Nang makarating ako sa lobby ay nakita ko na ang pamilyar na kotse niya kaya agad na akong lumapit sa kaniyang kotse. Binuksan niya ang bintana sa passenger side.
"Sakay na!" he said.
Kaya pumasok na ako. Nagtataka niya akong tiningnan na parang may nagbago. Hinawakan niya ang panga ko at bahagyang iginalaw ang ulo ko pakaliwa at kanan saka paharap sa kaniya. Ako naman ang napakunot ng noo habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang pagtingin sa mukha ko.
"Hey! Masisira 'yong make-up ko!" saway ko.
"So you wore a make-up," he answered.
"Yes! Is that a problem?" sagot ko.
"No. Kaya naman pala mas gumanda ka ngayon," patay malisya niyang sabi.
"Tigilan mo ako, Astro! Kagabi ka pa! Magmaneho ka na lang!" sagot ko.
Tumatawa niyang pinaandar ang kotse. Palihim ko na lang siyang inirapan dahil kung ano-ano ang pinagsasasabi. Baka mamaya mahulog ako hindi naman siya handang saluhin ako. Saka alam ko naman na 'yong mga ganiyang salitaan ng mga lalaki. Magaling sa umpisa kasi may thrill pa pero kapag kayo na at nawala ang thrill wala na rin 'yang ganiyan nila.
Siguro kaya siya ganiyan dahil bago pa lang kaming magkakilala. Siguro may nakukuha pa siyang thrill sa pagkikita namin. We're just friends, nothing more, nothing less. At kung ano man ang nararamdaman ng puso ko ngayon paniguradong panandalian lang ito. Nakarating na kami sa mall.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Night In Baguio (COMPLETED)
Teen FictionMidnight Shadow Agnello loved the stars and night skies just like her name. When she heard that the most awaited Quadrantid Meteor Shower can be seen in the city of Baguio she immediately went there. In that foreign place she met the boy who shares...