44: New(s)

3 0 0
                                    

Chapter 44: New(s)

“Girl! Welcome back!” sigaw ni Sabrina at niyakap ako ng mahigpit.

I wanna smile or laugh, but I hugged her tightly, I replied it with a small smile. I just snapped upon hearing that news from Jaila.

Napaatras ako, “Sab, may possibilities ba na pwede akong pumunta ngayon pabalik sa California?” I asked, migraine was eating me again.

She looked shocked hearing my question, “Alam mo, kakarating mo lang eh! Ba't gusto mo na naman pumunta doon? What's wrong huh?”

I controled my emotions by imagining happy scenarios, “God, please. Take this away Sab... masakit,” gusto kong umupo pero eksena lang 'yon sa Airport.

Kumunot ang noo niya, “Bonak, sabihin mo na sa'kin, bilisan mo Jasmine,” binigyan niya pa ako ng masamang tingin bago hinampas ng dala niyang bag.

Hinila ko nalang siya palabas at hindi na nagsalita. “Jasmine teka nga, ano ba ang nangyayare?” tanong niya.

I'm still forcing myself not to cry, “W-wala,” napailing na sabi ko.

Amused siyang napangisi. Hindi na din siya nagsalita hanggang sa umabot kami sa taxi, ang tahimik sa loob and I know she's giving me space. Right, oo na. Space.

Kumusta na kaya si Ice?

“Sab, busy ba si Yelo? Bakit hindi siya nagrereply sa'kin?” tanong ko bigla.

Napaismid siya, “Alam mo, wala kang pinagkaiba kay Renz. Kani-kanina lang parang nagmamadali ka? Ayaw mo pa akong kausapin ng maayos tapos ngayon? Jusko, hindi ko din alam sa jowa mo'ng 'yon, bigla nalang kasi siyang nawala these days,” saad niya at tumingin sa malayo.

Seryoso?

“Ah, gan'on ba? Asa'n kaya siya ngayon 'no?”

“Hindi ko din alam girl,” sagot niya at tinapik yung taxi driver. “Sa Antipolo Camp nga po.”

Tinignan ko 'yong driver at nagbabakasakaling si Yelo 'yon pero hindi. It's a typical taxi driver, he's driving me insane! Bakit ba hindi siya nagrereply!

“Ah... Sab,” hinawakan ko yung ulo ko at parang matutumba pagkababa.

“Jas, okay kalang ba? A-anong... Jas! Jas! Hey!” naramdaman kong tinapik-tapik niya yong mukha ko kaya napamulat ako sandali.

Oh fuck this migraine.

“A-ah... aray.”

“Kuya patulong nga po, papunta sa loob,” hinila naman nila ako, hanggang sa makaupo ulit ako sa sofa ko. I miss this.

Narinig kong nakipag-usap si Sabrina sa driver at may binigay. I don't know bakit nagiging ganito ako, maybe because of frustration? Hindi ko alam.

Kahit masakit ang ulo, kinuha ko 'yong cellphone ko at in-open yung messages. But I didn't got something from Ice. Halos ang dami ko nang message but still... wala pa'din.

“He's not replying?” napatingin ako kay Sabrina.

Tumango ako at kinagat yung labi ko, “Nag-aalala na ako,” sabi ko at inayos yung upo ko.

“Teka tatawagan ko,” sabay hablot niya sa cellphone niya.

Yumuko naman ako at inaalala na naman si Yelo. Shitard, bakit ba kasi hindi siya nagrereply? I can see that dot and it turned gray.

“Hello? Buti naman at naisipan mo pa akong sagutin,” saad ni Sabrina. Ni-loudspeaker naman niya 'yon.

“Sab, please, nagpapahinga ako.”

𝗛𝗲𝗿 𝗘𝗻𝗱𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗰: #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon