C H A P T E R 01

42.7K 672 9
                                    

A/n:

Hindi pa ako sure kung may susunod pa na update. Maging busy na kasi ako. Medyo maliit lang pero babawi ako sa susunod na update, mga puso ko!

Enjoy!

CHAPTER 1

"BES!" napa-angat ako ng tingin sa kaibigan.

"Oh?"

"Tignan mo?" sabay turo nito sa ilong niya.

"Anong nangyari dyan?" saad ko bago balik tingin sa binasang libro.

"Pimples are everywhere, anytime. Okay lang sana kung crush ko siya, kahit saan okay lang, pero ito? Bakit sa ibabaw pa ng ilong ko siya napunta?!" akala ko kung anong nangyari.

Napa-iling nalang ako sa kaibigan. Naramdaman ko ang pagupo niya sa tabi ko at ramdam kong nakatingin naman siya sa'kin.

"Bakit?" tanong ko habang nakatuon parin ang mga mata ko sa pabinabasa.

"Ang weird ni CK ngayon? Hindi kaya inlove na siya? Wala akong narinig na may bagong siyang girlfriend ngayon. Tingin mo bes?" bigla akong napatigil sa pagbabasa ng bigla kong naalala ang nangyari kahapon sa parking lot.

Hanggang ngayon ay tumaas parin ang balhibo ko tuwing naalala ang pagbulong niya sa tainga ko.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng kaibigan. At nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi talaga nauubusan ng kwento ang kaibigan tungkol sa playboy na 'yon. Walang araw hindi niya binabanggit ang pangalan lalaking iyon.

At nakakainis na!

LUNCH time kaya nandito agad ako sa library. Walang ingay, walang istorbo sa pagbabasa ko. At walang tungkol sa playboy 'yon.

Naramdaman kong may umupo sa harap ko. Hindi ko na ito pansinin kaso nakakailang na ang tingin niya sa'kin.

Naiinis kong tinignan ang nasa harap ko. Pero ang inis ko ay biglang napalitan ng hiya at kaba nang sumalubong sa'kin ang matamis niyang ngiti.

"Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman," mahinang sagot ko sa'kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap sa labas. Kahit saglit lang."

"Okay,"saad ko sabay tango sa'kanya.

Sumunod lang ako sa'kanya hanggang huminto kami sa likod ng isang room.

"Bakit dito?" nagtataka kong tanong sa'kanya . "Ano bang sasabihin mo Vincent?" dagdag kong tanong.

Kilala ko si Vincent Valdez isang basketball player. Captain sa groupo nila. Gwapo, matagkad at maganda rin ang pangangatawan niya siguro dahil narin sa pagbabasketball niya.

At pinsan rin siya ng kaibigan kong si Krystal.

"Liligawan kita," diretsyong niyang saad sa'kin. Gulat akong napatingin sa'kanya.

Isang Captain ng basketball ay liligawan ako?! Ng bibiro ata ito e. Maraming nagkakagusto kay Vincent imposible na magustuhan niya ako. At ano naman ang magustuhan niya sa'kin?

Minsan lang kami ng kakausap ni Vincent kapag bumibisita siya kay Krystal.

"H-ha?" nauutal kong saad.

"Sabi ko liligawan kita. Dapat hindi na ako nagpaalam sayo. Pero gusto ko lang naman na alam mo." gulat na gulat parin ako sa mga sinasabi niya.

"Nagbibiro kaba?"

"Ang tulad mo ay hindi binibiro, Jean. Bukas sunduin kita sa'inyo." hindi parin talaga ako sanay natawagin niya ako sa second name ko. Kahit ilang beses ko na itong narining sa'kanya.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon