tw: suicideCHAPTER 22
NAPAYAKAP naman ako sa sarili dahil sa lamig ng klima. Namamaga pa ang mga mata ko dahil sa kakaiyak habang nasa byahe. Hanggang ngayon hindi parin nagproseso sa utak ko sa nasaksihan ko.
Ang akala kapag dumating itong pangyayari sa buhay ko ay nandoon siya sa tabi ko. Dadamayan. Pero naulit lang ang lahat. Wala parin siya sa tabi ko. Nung una noong nalaman ko na may babae si Daddy tapos ngayon na gusto niya akong makita at may kapatid pa ako. Kuya ko. Matanda sa'kin ng limang taon. Parang sinampal sa'kin ang lahat. Na parang kailangan ko gumising sa kahibangan kong ito. Na nagbabakasaling babalikan pa niya kami at pipiliin niya kami sa babae niya.
Tumulo ng sunod-sunod ang luha ko sa mukha habang hindi mawala ang parang larawan nila Clark at Kathrine sa iisang kama habang buhad sila pareho. Ang gandang regalo Clark! Paano mo ito na nagawa sa'kin kayo ni Kathrine. Pinigilan ko ang sariling hindi maghinala o magselos sa sobrang close ninyo, b-bakit? Bakit ninyo ako ganito?
Lalo kana Kathrine bakit mo ginawa ito sa'kin? Ganon kana ba sa desperada na maagaw ang lalaking lihim mong minahal. Bakit kailangan mo pang...gawin ito? Siya nalang ang taong alam kong dadamayan ako. Namamanatili sa tabi ako? Pero bakit...ganon?
May mali ba ako? Binigay ko naman ang lahat ng lahat ha? Kahit ang kinaiingatan ko ay nabigay ko...at sa maling tao pa! How can you do this to me Clark? Minahal kita kahit masakit! Ilang beses kitang binigyan ng chance pero... hindi ka talaga siguro magbabago?Akala ko nagbago kana? Akala ko magkaiba kayo.Pero...bakit sa lahat ng babae si Kathrine pa?
O baka naman manhid na ako at hindi naramdaman ang mga senyales na mangbabae karin. Baka ang plano mo lang ay kunin ang kinaiingatan ko? At iiwan mo rin ako.
Napatawa naman ako habang walang tigil ang pagluha. Humigpit ang hawak ko sa dibdib ng damit ko. Parang sinasaksak ang puso ko ng dahan-dahan yung ramdam ko talaga ang hapdi sa bawat sasaksak nito. Umiling ako habang humikbi.
"Sweetie...nandito lang ako... please papasukin mo ako...makikinig ako...anak p-pwede mong sabihin sa'kin...pwede mo ring sabihin sa Daddy mo."
Mas lalong lumakas ang hagulhol ko. Kakarating lang namin kagabi sa mansion nila. Kay Daddy at sa Kuya ko daw. Pumunta ako dito hindi para makausap siya...para maiwasan ang lahat. Para kasing hindi ko na makakaya kapag magtagal pa ako sa lugar na 'yon. At ayaw ko narin makita ang magmumukha nila! Sobrang laswa nila!
Takot akong...mas masaktan pa. Tama na! Sobra na ito e... bakit pa ito nangyayari sa buhay ko?! Bakit niya ako sinasaktan ng ganito? Bakit lahat ng taong mahal ako ay parang ponagtataksilan ako? Bakit ang bilis lang nila akong ipagpalit? May nagawa ba ako masama para maparusanahan ng ganito?
Bakit Niya ako ginaganito? Wala na ba talagang taong mamahalin ako? Wala naba talagang mananatili sa tabi ko? Yung hindi ako ipagpapalit?
Dahil yung dalawang lalaking minahal ako...ay madali lang ako pinagpapalit sa iba. Na para bang luruan ako na kapag nagsawa ay mabilis niyo lang ako itapon kapag nagsawa na kayo.
"A-anak...Ellise ako ito si Mommy...pwede mong sabihin ang lahat anak...wag ganyan anak... nag-alaala na si mommy..." narinig naman ko ang hikbi ni Mommy kong nasa labas ng pinto.
Pagkadating namin agad akong pumasok sa kwarto at ng kulong. Masyadong masakit...hindi ko kayang harapin...hindi kayang kalimutan. Hindi na tulad ng dati na okay lang pero ito...naghihina ako at dahan-dahan ng nawawasak...dahil ang dalawang lalaking mahal na mahal ko ay niluko lang ako...at pinagpalit.
Walang katapusan ang luha ko lumalandas sa mukha ko. Parang hindi-hindi ito maubos. Parang pinapatay ako ng dahan-dahan sa sobrang sakit.
Hindi ko kayang harapin ang lahat ng ito. Ang hirap tanggapin ang lahat. At nandito pa ako sa bahay ng unang lalaking sa buhay ko ang unang lalaking sinasaktan ako tapos ngayon gusto niya akong makausap dahil may sakit siya. Tapos yung boyfriend ko ang boy bestfriend ko...ay sinaktan rin ako.
BINABASA MO ANG
Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)
RomansaClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...