C H A P T E R 19

16.4K 242 9
                                    

WARNING: MATURE CONTENT
Read at your own risk! SPG Alert!

Merry Christmas Everyone! At mahal ko kayo!

At mukhang may mauunang magpapuputok po ngayon gabi advance po daw mag-ce-celebrate sina Clark sa New Year HAHAHA sowi po. Enjoy!

CHAPTER 19

DALAWANG linggo ng nakalipas pero wala parin nagpaparamdam ang kaibigan kong si Krystal. Habang si Kuya Franco ay nagbakasyon, pagkatapos ng graduation niya nung isang linggo.

Si Kathrine bumalik na uli ito sa dati. Nagkausap rin kami at humingi siya ng paumanhin sa'kin lalo na kay Clark dahil sobrang laki daw naging abala niya dito. Naging magaan na ang loob ko kay Kathrine simula ng makausap ko siya. Mas lalo ko pa siyang kilala, medyo madlita nga siya pero ang kulit niya at talaga napapatawa ka niya.

"Mas lalong naging sarap ang cookies mo sweetie." saad ni mommy habang kumakain siya.

Natawa ako ng mahina at pinasok ang huling cookies sa oven.

"Hindi ka parin ba tapos?"

"Last na po ito mom." saad ko habang tinagal ang apron at simulang ligpitin ang kalat sa mesa.

Tinulungan naman ako ni Mommy ligpitin ang kalat ko at nilagay sa huhugasin habang ibang gamit ay binalik sa tamang lalagyan.

"Ako na ang maghuhugas d'yan sweetie. Magbihis kana, may dadaluhan kapag graduation." nanlaki ang mga mata ko ng biglang naalala.

Oo nga pala graduation pala ni Clark! Sa sobrang enjoy ko sa pagluluto ng cookies nakalimutan kong graduation pala ng boyfriend ko.

"Salamat po mommy!" saad ko bago nagdaling umakyat sa taas.

"You're always welcome sweetie! And be careful!"

"Yes, po!" sigaw kong sagot nang makadating na ako sa kwatro.

Mabilis ang naging galaw ko. Agad kong tinggal ang pagkatali sa buhok at nagsuklay bago pumasok sa loob ng shower para maligo.

Pagkatapos kasi ng final exam namin ay agad din kaming binigyan ng clearance. Dalawang araw na pababalik ko university ay agad na cleared ang clearance ko.

Naunang nag exam sila Clark dahil sila ang grad-graduate. Isang linggo din puro lang kami video call lalo pa't kailangan niyang mag-study na walang makakadistract sa'kanya. Sabi ko nga na hindi na dapat kaming magvideo call dahil para makafocus siya pero matigas ang ulo e. Gusto niya daw makita ako, kahit sa pagtulog ko nakavidoe call parin kami kaya magagawa ko nalang ay wag siyang guluhin at busyhin ang sarili sa pagbabasa lalo pa't mage-exam narin sila.

Naging ganon ang sitwasyon namin ni Clark sa buong linggo. Halos hindi narin kami masyadong nakasama sa paaralan dahil sa sunod-sunod na gawiin niya. Lalo pa't nasa OJT na siya.

Napatigil naman ako sa pagaayos sa sarili ng magring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot at nagpatuloy sa pagaayos.

"Hon..."

"Hmm..?"

"Where are you?" napatigil naman ako ng maraning ang ingay sa kabilang linya mukha nasa university na sila at mukhang nagsisimula ang graduation nila.

"N-nasa bahay pa..." kinakabahan kong sagot. Bakit ko naman kasi nakalimutan? Napapikit naman ako ng mariin. Umiling nalang ako at hinahanap ang susuotin kong sandal.

Agad kong binaba ang tawag nagpaaalam ako napupunta na ako sa university.

Agad kong kinuha ang cellphone at tinitignan muli ang sarili sa salamin at nang makita kong okay na ang light make-up ko sa mukha ay bumaba naman ang suot kong damit. Ito ang damit na nakita ko sa mall na si Clark ang bumili.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon