C H A P T E R 05

24.2K 401 4
                                    

A/n:

Happy Mother's Day to all mother's out there! And especially to my mama! We love you ma!

CHAPTER 5

NAKAPAJAMA ako at naka-white t-shirts akong pababa ng hagdan. Rinig ko ang ingay galing sa tv at dumeretsyo na ako sa kusina.

Nagsaing muna ako at habang nihintay kong maluto habang nire-ready ko ang gagamitin kung ingredients ng tinulang manok sa lulutuin ko.

Mga ilang oras ay pinakuluan ko ang manok sakto na naluto ang kanin. Hinihintay ko nalang na maluto ang manok. Tinikman ko na ito kung sakto ba ang timpla kaya napangiti ako habang tinitikman ito. Okay na, pwedeng na hainin.

Pinakulan ko muna ng ilang saglit ang manok na tinula habang naghihintay ako ay ni-ready ko ang plato, pork at baso.

Nilagay ko na ang manit na sabaw sa gitna ng mesa katabi ang maniit na kainin.

"Clark, halika kana!"

"Papunta na po!" Mabilis na  sagot niya.

Tinabi ko ang isang gamot sa gilid ng plato niya at tubig. Umupo siya kaharap ng upuan ko. Nilagayan ko ang piggan niya ng kanin at nilagyan ng maniit na sabaw ang maliit na bowl sa gilid ng plato niya.

"Kain kana." saad ko at umupo narin.

Nangnapatingin ako sa'kanya ay nakatitig lang siya sa'kin. Napataas naman ang kilay ko.

"Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag-aalaga sayo." sambit niya.

"Bakit hindi kaba inaalagan ng mommy at daddy mo?" sagot ko naman dito habang nilalagyan ko ng kanin ang sariling piggan.

"Inaalagan. Pero iba parin kapag ikaw." saad niya na kaagad na tumibok ng malakas ang puso ko. Napapikit naman ako ng mariin dahil sa sobrang bilis ng reaksyon ng puso ko sa kunting saad lang niya.

Natikim ako. "Kumain ka nga lang! Yang gamot wag mong kalimutang inomin." sabi ko habang nakatingin lang ako sa pinggan ko.

"PWEDENG sa sofa nalang ako kung hindi ka komportableng katabi ako."

Natili ang mga mata ko sa kisame. Nung high school kami kapag may ginawa kaming project or report na kailangan tapusin, dito na ako makakatulog.

Magkatabi kaming natutulog non pero bakit ngayon parang ang awkward na. Pareho kaming nasa gilid ng kama at naestatwa dahil hindi man lang kami gumagalaw.

Tumikim ako at nasa kisame parin ang mga mata ko. "D'yan ka nalang. Matulog kana nga, may pasok pa tayo bukas." dahan-dahan akong tumalikod sa deriksyon niya. Ramdam kong gumalaw siya at halos tumigil ang paghinga ko nang palapit ng palapit siya sa deriksyon ko.

Napapikit at napakagat ako sa ibabang labi ng naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko. Parang mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko at sa tingin ko ay parang narinig niya rin ito. Dahil sa pagpigil ng hininga ko ay mas lalo pa itong mas lumakas parang may anong sasabog sa dibdib ko.

Pero nararamdaman ko nalang nawala na siya sa likod ko kaya napadilat naman ako. Pinatay lang pala niya ang lampshade. Hindi naman masyadong madilim sa kwarto. May kunting ilaw parin galing sa Cr kaya kita ko parin ang paligid ng kwarto.

"Ellise..." paos na saad niya. Pero hindi ko nalang siya pinansin at pumikit.

"Tulog kana ba?" sumalubong naman ang kilay ko, bakit ang ingay ng lalaking 'to. Bakit hindi nalang siya matulog.

"Manliligaw parin ako kahit na...tinataboy muna ako." nadilat ako at huminga ng malalim. "Kaya ba ayaw muna akong payagan dahil mas gusto mo ang gurilya 'yun? Sinagot muna ba siya? Kayo na ba?" sunod na sunod na tanong niya. Pinakiggan ko lang siya kung may sasabihin pa siya. Ramdam kong gumalaw si Clark at rinig na rinig ko ang malalim na buntong hininga niya.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon