CHAPTER 23
MAAGA akong nagising na magaan ang pakiramdam ko. Hindi ako nagising sa pagsusuka pero nagising ako sa gutom. Agad akong dinalhan ng pagkain ni Mommy sa kwarto.
Nakangiti naman ako habang ngumunguya ng strawberry mabuti nalang talaga meron sa ref nila ito. Ewan ko ba, pero ito talaga ang gusto kong kainin tuwing breakfast.
"Mommy...may strawberry pa po ba?" nahihiya kong tanong kay Mommy. Sampo na ata ang naubos ko pero parang hindi parin ako nabubusog.
"Wala na sweetie...pero wag kang mag-alala bibili si Mommy mamaya ha? Okay, lang ba?"
Bigla naman ako nanlumo. Ngumuso naman ako at parang may nabubuong luha sa mga mata ko. Agad naman na alarma si Mommy nang makita niyang naiiyak na ako.
"Jusko naman bakit ng magmana ka sakin?!" problemadong sambit ni Mommy.
"Wag kanang umiyak, sweetie. Magpapabali ako, dito kalang lalabas na muna ako." agad akong ngumiti ng matamis sa'kanya habang tumatango.
Inibos ko naman ng gatas nasa mesa bago uminom uli ng tubig. Niligay ko ito sa gilid ng mesa at nilibot ang tingin sa buong paligid. Malaki ang buong kwarto doble ata ang laki nito sa kwarto ko sa bahay namin. Bigla ko tuloy na namiss ang bahay namin.
Namuo naman ang luha ko ng malaala ulit ng nadatnan ko sa sa condo ni Clark. Sumikip naman ang puso ko at nangingining ang kamao ko sa galit. Tinatrato ko si Kathrine na bilang kaibigan narin pero bakit nila ako ginanito?
I trust Clark... because I knew he change. Nakita ko kung paano niya iwasan ang babae. Nakita ko kung paano niya harap-harapan na maging sweet sa lahat ng tao. Pero bakit ganon? Bakit niya nagawa ito sa'kin? Sawa na siya? Hindi ba talaga siya makontento sa'kin?
O baka talagang ako lang nagiisip na nagbago na siya?
O baka talaga ako lang na umaasa na makokontento siya sa'kin?
Mali ba akong binigyan siya ng ilang pagkakataon? Mali ba ang desisyon ko? Mali bang minahal ko siya? Mali bang minahal ko ang bestfriend ko?
Baka naman kasi ako may mali at hindi siya. Baka masyado lang ako naging masaya dahil niligawan din ako ng bestfriend na matagal ko ng mahal. Baka naging bulag ako sa naramdaman ko kaya hindi na pansin na ipagpapalit rin ako.
Alam ko naman na marami na talagang babaeng nagkakagusto sa'kanya kahit nung high school palang kami at naging usapan din ang paging close niya sa ibabang babae. Nagkahiwalay kami kaya hindi ko na alam kong anong nangyari sa'kanya. Malay ko ba kung doon nagsimula ang pagbabae niya. Tapos nung nag-college kami kitang-kita ko ang pagpapalit niya ng babae at yung babaeng nurse na nakaano niya pa sa mesa.
Nasaksihan ko yun lahat pero bakit mahal na mahal ko parin siya? Bakit hindi ko siya napalitan? Bakit hindi ko kaya siyang kalimutan? Ano bang meron ng playboy na 'yon?!
Anong meron sa pagmamahal niya bakit hindi ko siya kayang kalimutan?
Humikbi ako habang nakatabon ang mga kamay ko sa bibig. Ayaw kong marining ako ni Mommy na umiiyak dahil alam kong sobrang ko na siyang pinag-aalala sa sunod-sunod na nangyari sa'kin sa dalawang araw nakalipas.
"Baby..."hinaplos ko naman ng marahan ang tiyan. "Hindi mo naman iiwan si mommy diba? Hindi mo naman ako ipagpapalit d-diba?" pilit ko namang kinalma ang sarili dahil mukhang walang plano ang mga mata ko natumigil sa pag-iyak.
Dapat nung una...sana hindi ko nalang siya binigyan ng chance pero may baby kaya ako ngayon?
Hindi ko sana naranasang maramdaman ang pinagpalit...pero hindi ko rin maranasang ang pagmamahal ng isang Clark. Ng isang Clark Kenneth 'The Playboy' Montenegro.
BINABASA MO ANG
Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)
Storie d'amoreClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...