C H A P T E R 24

21.8K 367 50
                                    

CHAPTER 24

NAGPAKASAL uli sila Mommy at Daddy sa Canada. Hindi naman talaga sila divorce. Hindi kasi tinuloy ni Mommy dahil kahit may nagawa man si Daddy kasalanan sa'kanya pero mas ngingibabaw ang pagmamahal niya kay Daddy.

Successful naman ang naging operation ni Daddy. At nagpapasalamat ako sa panginoon dahil wala naging komplikasyon sa mago-opera kay Dad. Naging mabilis ang panahon at nalaman kong baby girl pala ang baby ko.

She's now three years old. Kahit ikaila ko man mas lalo niyang naging mamukha si Clark sa paglipas ng taon. Tatlong taon naring nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang nadatnan ko sa condo ni Clark.

"Mommy?" agad akong natauhan at nagpunas ng luha sa mukha. Ngumiti ako ng matamis sa anak na bihis na bihis.

"Aren't we going to Tito Aiden?" agad ko siyang pinaupo sa hita ko at hinalikan sa pisngi niya.

Hinawi ko naman ang bangs niya at hinalikan uli sa pisngi niya. "Si Tito Aiden na ang mismong pupunta dito kaya wag kanang mag-alala, okay baby?"

Kasalanan ito ni Kuya e. Magpromise kasi siya anak ko napupunta siya dito tapos itong anak ko naman ay hindi makalimutan ang sinabi ng Tito niya sa'kanya.  Dapat kami nalang ang pupunta kay Kuya kaso ng text siya sa'kin na papapunta na daw siya dito.

Naging busy kasi si Kuya lalo pa't siya ang nagmamanage sa kompanya ni Daddy. Nasa Pilipinas ang kompanya ni Daddy kaya  madalang umuwi si Kuya dito.

Ilang beses narin akong niyaya ni Kuya na sumama sa'kanya kaso ayaw ko dahil ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha nila. Lalo na ang lalaking 'yon.

Agad akong napatigil sa pagsusuklay sa buhok ng anak ng may kumatok sa pinto. Mabilis na umalis ang anak niya sa pagkandong sa'kin kaya inaalalayan naman niya ito. Tumayo ako para buksan ang pinto kaya agad na tumakbo ang anak ko nang makita ang Tito niya nasa labas ng pinto.

"Tito!" medyo na bulol pa siya sa pagtawag sa Tito niya. Natawa naman kami pareho ni Kuya habang yakap yakap niya ang pamangkin.

"Ba't kasi ayaw pang magasawa." mahina kong bulong.

"Bakit ako? Eh, ikaw dapat ang mag-asawa na." umiling nalang ako at hindi na sumagot.

"Oo nga pala, dahil malapit na ang birthday ko sana naman pagbigyan muna ako ngayon." saad ni Kuya habang hindi mawala ng tingin sa pamangkin niya.

Matagal na akong kinukulit ni Kuya na magcelebrate kami sa birthday niya sa Pilipinas. Nandoon narin kasi sila Mommy at Daddy kaya kami nalang ang naiwan dito ng anak ko.

"Kung natatakot kang magkita kayo...edi magkita. At tsaka may karapatan ang anak mo na makilala ang ama niya. Alam ko na wala akong alam kong anong nangyari sa'inyo...pero hindi mo siya habang buhay na matataguan, Ellise. Ang gusto ko lang na lumaki ang pamangkin ko na may kilalang ama...dahil alam ko kung ano ang pakiramdam na walang ama at ayaw kong maramdaman yun ng pamangkin ko."

Umiiwas naman ako ng tingin kay Kuya. Bumuntong hininga naman ako. Hindi naman siguro kami magkikita. At tsaka namiss ko narin ang bahay namin doon at baka makita ko na ang kaibigan ko na si Krystal. Tsaka birthday naman ng Kuya ko hindi naman siguro masamang pagbigyan ko siya.

"Oo na. Basta pagkatapos ng birthday mo uuwi din kami dito ng anak ko."

"Kung makakauwi kapa." mahinang bulong ng kuya niya. Kumunot naman ang noo ko dahil dito.

"Ha? May sinasabi kaba kuya?"

Umiling lang siya at ngumiti sa'kin. "Sabi ko ako na mag-re-ready sa gamit na dadalhin ng pamangkin ko. Ready kana ba baby? Pupunta na tayong Philippines!"

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon