C H A P T E R 31

15.6K 245 18
                                    

CHAPTER 31

NAGPATULOY ang pagpunta ni Clark sa bahay namin. Ipagkaila ko naman pero masaya akong nakikita ang anak ko na masaya. At tulad ng inaaasahan ko baka pwedeng magbago ang desisyon ko dahil kay Lara.

Mukhang mahihirapan akong matuloy ang plano ko. Kung nagkamali akong binigyan ng pag-asa maging ama si Clark makikita ko kayang ganito kasaya ang anak ko sa piling niya. I was planning to go back to Canada but seeing my daughter like this. Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa.

Bumaba akong hagdan habang nasa bisig ko ang anak kong bagong gising. Nakapajama parin siya at medyo magulo ang buhok.

"Bakit wala sa mood ang apo ko?" agad akong sinalubong ni Dad na may ngiti sa labi at humalik sa gilid ng noo ko.

"Morning sweetie."

"Morning Dad."

Agad na pumulupot ang kamay niya kay Daddy nang kunin si Lara sa'kin. Ngumuso ang anak kaya napatawa si Daddy at pasimpleng inayos ni Daddy ang magulong buhok ng apo.

"Lolo...hindi parin tumawag si daddy." malungkot na kwento niya kay daddy. "He promise me na darating siya ngayon."

Isang araw na nakalipas pero hindi parin bumalik si Clark galing sa business meeting niya sa America. Nagpaalam siya nung isang araw at nagpromise siya sa anak niya na uuwi siya pagkatapos ng isang araw. Hindi rin siya tumawag ng buong araw at buong araw din wala sa mood ang anak namin. Yes, anak namin wala naman akong magagawa kundi tanggapin na may anak ako at siya ang ama.

Buong araw kung inaliw ang anak namin para hindi magtanong kung tumawag na ba ang daddy niya pero matamlay parin ang Lara ko. She keeps asking me kung tumawag na ba ang daddy niya. Kung pwede ko bang tawagan ito pero nung tinawagan namin si Clark ay nakaoff ang cellphone niya. Kaya mas lalong tumamlay at parang nawalan ng gana ang anak ko na makipagpalaro sa'kin.

Nung nakatulog si Lara agad akong lumabas sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Buong araw din akong inaalala si Clark kung okay nalang ba siya? Kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag namin? Pati na tuloy ako nahahawa sa anak dahil sa ginawa niya. Parang naging matamlay tuloy din ako.

Oh, god Clark Kenneth Montenegro. Anong ginawa mo sa'kin?

Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko nung gabing 'yon hindi talaga ako matulog ang laging nasa isip ko kung anong nangyayari kay Clark. At hindi na talaga napagilan ang sariling na tumawag ulit ilang minuto ay ng ring ang cellphone niya. Parang sumabong ang puso ko sa sobrang gulat at saya nung gabing 'yon pero nawala ang pag-asa at ngiti sa labi ng nagring lang cellphone niya hanggang namatay din.

Kahit nawalan ako ng pag-asa I tried to call him again but then namatay din ang cellphone sa kakaring. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Natulog ako ng gabing 'yon na may mabigat na damdamin. Ewan ko, bigla akong nakaramdam ng pagkatampo at sakit.

And then I realized baka pinagkisamahan lang niya ako dahil sa anak ko. At wala naman talaga siyang plano na humingi ng tawad at makipagbalikan sa'kin. Baka nga ako lang nag a-assume na pwede pang maayos ang sa'min pero naging masyadong naging kampanti ako dahil sa pinapakita at pinahiwatig niya na gusto pa niyang maayos ang sa'min pero hindi naman pala. Paano kung ito lang ang way niya para mawala ang plano ko?

Nakatulog ako ng gabing yun na puro katanungan sa utak at puso ko.

"Baka busy lang si Daddy, apo."

Sigurohin lang niyang busy siya, dahil malalagot talaga siya sa'kin. Umiiling ako. Bakit ba ako naging ganito?

Syempre dahil pinaasa niya si Lara. Alam mo naman kapag sa bata ka ng promise hindi talaga nila nakakalimutan. At ang bilis bilis magtampo.

Pero paano kung hindi talaga business ang pinunta ni Clark doon? Baka nga kasama niya ang pamilya niya.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon