C H A P T E R 06

22.4K 364 3
                                    

CHAPTER 6

"ANO ba yang kinakain mo?"

"Noodles." walang ganang niyang sagot sa'kin.

Agad kong kinuha ng noodles sa harap niya at tinapon sa basuharan. Tinignan niya akong hindi makapaniwala sa ginawa ko.

I raised my eyebrow at him kaya tumayo siya pagkakaupo at iniwan ako ng pumasok siya sa kwarto niya.

Ilang ulit ko na ba siyang sinabihan na masama sa katawan ang pagkain ng noodles. Okay lang sana kung paminsan-minsan. Pero kung araw arawin mo naman ay ito ang nakakasama.

Kaso sa lalaking 'yon ang tigas ng ulo. Tuwing umaga 'yon ang ginawang breakfast, pati pa tuwing dinner. Paano nalang kaya kong hindi ko siya pinupuntahan, hindi ata ito makakain ng mabuti ang lalaking 'to.

Ang tamad naman magpadeliver. Lalo na hindi naman siya marunong magluto. Ako ang namomomblema sa lalaking 'to. Ayaw naman niya kumuha ng tagapagluto o kaya kumuha ng katulong galing sa mansyon nila, kaso ayaw naman.

Hay, kong hindi ko lang talaga ito kaibigan ang sarap bigwasan ng lalaking 'to.

Kaibigan lang ba, Eli?

Umiling nalang ako sa sarili.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa ref. Namimili ako ng lulutin for our lunch. Napag-isipan ko nalang magluto ng adobo manok at nagsaing narin ako ng kanin.

Nang natapos akong magluto ay umakyat ako sa taas. Kumatok ako sa pinto pero hindi parin ako pinagbuksan kaya pumasok na ako.

Napangiti ako ng nakita siyang nakadapang natutulong. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama niya. Pinagmamasdan ko ang buong mukha niya.

Umangat ang kamay ko para haplosin ang buhok niyang nasa noo. Habang ang puso ko ay hindi mapigil ang malakas ng pagtibok nito.

Kahit tulog ang gwapo mo parin.

Dahan-dahan lumapit ang mukha ko palapit sa mukha niya. Ang matangos niyang ilong, ang mahabang pilik-mata, ang matiim na kilay at ang mapupula niyang mga labi.

Nanigas ang buo kung katawan ng marahan itong dumilat. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw sa pwesto.

"K-kain na." nauutal kong saad sa'kanya.

He blinked twice and slowly nodded to me.

"S-sumunod ka nalang." saad ko at nagmadaling tunalikod.

Lumabas ako ng kwarto na parang tumakbo ng ilang metro dahil sunod na paghinga ko at ang malakas na pagkabong ng puso ko.

Loving A Playboy (Montenegro Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon